Third Person Point of View.
Hindi na maintindihan ni Zhavie ang kaniyang gagawin. Kinakain na siya ng sarili niyang konsensya. Patuloy siyang humihingi ng tulong. Palagi niyang inaabangan ang isasagot nina Margarette at Ona. Nababaliw na siya at mas pinili niyang magkulong sa bahay.
Sa bawat segundong lumilipas, palagi niyang kinakausap si Margarette at Ona. Naiinis siya dahil walang sagot ang dalawa sa kaniyang mensahe. Binato niya ang phone niya at nasira ito.
Tumunog nang malakas ang phone niya. Tumawa siya nang malakas. Nabuhayan siya ng loob. Naniniwala siya na sumagot na si Margarette at Ona sa kaniyang mensahe. Natutuwa siya na hindi siya iniwan ng dalawa hanggang sa huli. Agad niyang pinulot ang kaniyang phone. Nagtaka siya sa nabasa.
🔔 1NEW NOTIFICATION
Open I͓̽ Close
✎ Z̷h̷a̷v̷i̷e̷ ̷O̷n̷g̷s̷t̷a̷ ̷i̷s̷ ̷n̷o̷w̷ ̷f̷o̷u̷n̷d̷.
✎ Here is your next mission to do.
Click here to see the content..̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴.̴
𝙼 𝙸 𝚂 𝚂 𝙸 𝙾 𝙽 :
✎ Surrender yourself now.
Accept I͓̽ Decline
Mabilis niyang tinapkan ang kaniyang phone. Sinira niya ito. "Hindi ako p'wedeng makulong. Hindi p'wede," paulit-ulit niyang sambit sa sarili.
"Ako ang pinakamagaling na creator sa lahat. Wala ng iba. Hindi ako pwedeng makulong." Patuloy niyang sinasambit ang mga salitang ito. Hindi siya tumitigil.
Natigilan siya nang marinig ang ingay sa labas ng bahay niya. Napagtanto niyang nasa labas na ng kaniyang bahay ang mga pulis. Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Nababaliw na siya kakaisip.
"I'm not connected. Ako ang gagawa ng paraan para maka-alis dito." Mabilis siyang nagtungo sa kusina. Naghanap siya ng bagay na makakatulong sa kaniyang problema. Napangiti siya na parang baliw nang makita ang bagay na hinahanap niya.
Kinuha niya ang kutsilyo at tumawa nang malakas bago gawin ang kaniyang naiisip. "I'm now disconnected. It's now the end."
He failed to do the mission.
The end for Zhavie Ongsta.
Game over.
YOU ARE READING
CONNECTED (Completed)
Misterio / SuspensoSophomore student Taija Morgan (Taja) is tired of living the life of being disconnected from the world. An unexpected person came into her life that helps her to connect with the world. Her friend helps her to enter the famous yet dangerous app in t...