Epilogue

108 4 0
                                    

ᴏɴᴇ ʏᴇᴀʀ ʟᴀᴛᴇʀ...

Maayos ang naging takbo ng mga buhay namin. Halos isang taon na ang nakakalipas nang mawala si Zhavie. Lahat din ng estudyante sa Raira University ay naging maayos. All of them sign-out in the Yumeina app. They even deleted the application.

Napatitig ako kay Blaze na nasa harapan ko. He courted me every single day. Sinagot ko na siya noon. Today is our first anniversary. I was happy that he's always on my side.

"Hey, you are occupied with your thoughts." Napahawak ako sa aking mukha at hindi ko mapigilang palapari ang aking ngiti sa sinabi ni Blaze. Nakakatawa ang itsura niya ngayon. Kunot ang noo at magkasalubong ang dalawang kilay dahil sa naging ekspresyon ko.

"Naalala ko lang lahat nang nangyari noon." Napailing na lang sa akin si Blaze. He smiled at me and patted my head.

"That was in the past, Taja. Don't think about those things. Just focus on me, okay?" Pinalo ko naman sa dibdib si Blaze dahil sa sinabi niya. Napatawa naman kaming dalawa. 

"I love you, Taja." I smiled at him. I'm thankful to that application. Dahil sa Yumeina, nagkalapit kami ni Blaze. I wish that our relationship be strong every single year.

"I love you, too." Unti-unti siyang lumapit sa akin. I noticed his eyes were closed and I started getting lost in the aroma of his scent and all of a sudden I felt a soft and heavenly touch on my cheeks. But after he kissed me on the cheek, he touched my lips with his. I was blank for a couple of seconds and had no idea what just happened and what to do next. But after a slight pause of 2-3 seconds, I respond to his kisses.

My heart started pumping blood at a super abnormal speed. It was like, it would just come out of my rib cage and I would be dead in no time. His kisses became so deep. It feels like soft rain on a summer evening. It feels like an explosion of the best flavors in the universe all at once mingling together and creating the best taste and sensation you've ever felt. 

Suddenly, we break our kisses. We're so deeply in love with each other.

I wish this will last.

Lumipas ang ilang oras at marami na kaming nagawa. Nakapaglaro na kami sa mga booths. Nakasakay na rin kami sa mga rides. Nakakain na rin kami sa iba't ibang restaurant.

"Blaze, where is your old phone?" Nagtaka naman si Blaze sa tanong ko.

"Pinatapon ko na kay Steven kaso ipinagawa niya ata." Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Why?" Mabilis akong umiling at sinabing naitanong ko lang.

"Blaze..."

Hindi ko alam kung sasabihin ko ito sa kaniya. He suffered a lot last year. Kasalanan kong lahat iyon.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

"I need to pee." Nahihiyang sambit ko sa kaniya. Tumawa naman si Blaze sa sinabi ko. Nagpaalam ako kay Blaze. Kailangan ko munang pumunta ng restroom.

If he knows what's my secret...

Agad akong pumasok sa isang cubicle pagkarating ko sa restroom. I sighed. Ayokong mag-alala si Blaze. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya. Naghugas agad ako ng kamay pagkalabas ko ng cubicle. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng restroom.

Papalapit na ako kay Blaze nang may umagaw ng atensyon ko. Isang lalaking naglalaro ng application. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang magpangtanto ang nilalaro niya. Hindi ko mapagilan ang manginginig ng aking tuhod.

Agad akong bumalik sa kinatatayuan ni Blaze. "Let's...go somewhere... ayaw ko na rito." Nanginginig na sambit ko kay Blaze.

"Hey, why are you shaking?" Hindi ko siya sinagot. Hindi niya pwedeng malaman. Nilingon niya ang buong paligid at sinamaan ng tingin ang lalaking nakita ko kanina. "May ginawa ba sa iyo ang lalaking iyon?"

Mabilis akong tumanggi sa kaniya. "Naalala ko lang si Zhavie sa kaniya. Naglalaro kasi siya ng ML. I was afraid, Blaze." Mabilis naman niya akong niyakap.

"Don't be scared. Zhavie is dead." Hinaplos niya ang aking likuran para pagaanin ang aking pakiramdam. Pinigilan ko ang sarili kong maluha.

"I need some rest, Blaze. Ihatid mo na ako sa bahay ko." Kumalas naman si Blaze sa akin. He kissed my forehead for a second.

Inihatid ako ni Blaze sa bahay. Mababaliw ako kakaisip sa nakita ko kanina. Hindi pwede. Hindi pwedeng maulit ang nangyari noon.

"Rest, Taja. I will message you if I got home," Blaze responded before kissing my lips to say goodbye. I respond to his kisses. For a minute, I break our kisses. Nagpaalam na siya sa akin.

Pumasok na ako sa aking bahay at nagtungo sa aking kwarto. Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot kong kama.

Narinig kong tumunog ang aking laptop. Nakauwi na siguro si Blaze. Ang bilis naman ata. Agad kong binuksan ang laptop ko. I was confused because the message that I received was not from Blaze. It was from an unknown user.

Binuksan ko ang file na sinend niya. Naluluha akong makita ang nasa harapan ng screen ng aking laptop. Napatakip ako sa aking bibig at muling bumalik ang panginginig ng aking tuhod. Ang takot na kanina ko pang nararanasan, unti-unti na nito akong nilalamon.

Hindi ito maaari.

Ang lalaking naglalaro lang kanina, ngayon ay patay na at naliligo na sa sarili niyang dugo. Hawak-hawak niya ang phone niya. Malinaw na nilalaro ang kasalukuyang nilalaro ko.

I was invited to use the application. 

I am a user, again.

Ang application na hawak ng lalaki ay ang kasalukuyang application na mayroon ako.



-̴̹̗̞̗̔̈-̸̛̬͓͉͔̲̪̹̏̄́̃̄̔͐̇͒-̶̨̝̮͖̄̈́̑͑̓̏̊̃  -̷̤͎͙̲̟̔̀́̋̒̔̓͝͝-̴̣͔͒̋-̴͉̐͂̒̀̊̅̂̆-̷̡̢̛̮̘̯̻̯̓̋͂͌̾͜-̶̧̤̰͔̖̈́̏̅̉͝  -̷̤͎͙̲̟̔̀́̋̒̔̓͝͝-̴̣͔͒̋-̴̹̗̞̗̔̈-̷̤͎͙̲̟̔̀́̋̒̔̓͝͝-̴̣͔͒̋-̴͉̐͂̒̀̊̅̂̆-̷̡̢̛̮̘̯̻̯̓̋͂͌̾͜-̶̈́̏-̷̧̳̘͚̺̱̭̻̾̀̓͂͒
-̴̹̗̞̗̔̈

-̸̛̬͓͉͔̲̪̏̄́̃̄̔͐̇͒-̶̨̝̮͖̼̬̹̄̈́̑͑̓̏̊̃ Ȕ̸̡̨̠̯̳̫̦̼̣̈͒̄ i̷̡̨̨͚̗̦̹̰̖͖͑͋̈̇̋̀̚ r̸̛͈͖̥͌͊̇͊̀̀ ṷ̵͖͕̬͖͔͚̮̦̀̽̆͂̓̾͗͝ s̶̙̩̙͎̀̍̆̄̂̍̐͑͠ u̴͚̘̝̰͉͙͈͂̅̔ -̸̢̪̟̥̟͎̹̳̲̺̈́̀̏̓-̸̳̼͌͌̿͗̒-̴̹̗̞̗̔̈-̸̛̬͓͉͔̲̏̄́̃̄̔͐̇͒

 
-̷̧̳̘͚̺̱̭̻̾̀̓͂͒-̸̛̬͓͉͔̲̪̹̏̄́̃̄̔͐̇͒-̶̨̝̮͖̼̬̹̄̈́̑͑̓̏̊̃  -̷̤͎͙̲̟̔̀́̋̒̔̓͝͝-̴̣͔͒̋-̴͉̐͂̒̀̊̅̂̆-̷̡̢̛̮̘̯̻̯̓̋͂͌̾͜-̶̤̰̈́̏̅̉͝ -̷̔͝-̴̣͔͒̋-̴͉̐͂̒̀̊̅̂̆-̷̡̢̛̮̘̯̻̯̓̋͂͌̾͜-̶̧̤̰͔̖̈́̏̅̉͝   -̸̛̬͓͉͔̲̪̹̏̄́̃̄̔͐̇͒-̶̨̝̮͖̼̬̹̄̈́̑͑̓̏̊̃-̷̧̳̘͚̺̱̭̻̾̀̓͂͒



ᴛʜᴇ ᴇɴᴅ.

CONNECTED (Completed)Where stories live. Discover now