Connect 40

60 4 5
                                    

Taja's Point of View

I decided to accept the invitation. Nanghihinayang din ako. Wala namang masama kung pupunta ako. I'm with Matthew. Ligtas ako dahil siya naman ang kasama ko.

I put a small amount of cushion powder on my cheeks. I did only light make-up. Ayoko kasing magmukha akong clown. Baka mapahiya lang ako.

Nagsimula na akong maglakad papasok ng party. Naririnig ko na ang tunog mula sa labas. Medyo maingay na rin. Madilim ang dinaraan ko at nahihirapan na akong maglakad. I was totally amazed when I see the glamorous design of the hall. Ang bongga ng lahat.

I walked into the venue with my head held high, and a huge smile on my face. Marami sa aking nakatingin. Bigla tuloy akong kinabahan. Dahil ba ito sa suot ko? Pangit ba ang ayos ko ngayong gabi?

Honestly, I was shy about my gown. Medyo masikip ito sa akin. Hindi ko kasi sinukat noong isang araw. Ngayon ko lang talaga ito isinuot. Wala na akong magagawa dahil narito na ako sa party.

"Taja." Napalingon ako nang marinig ang boses ni Matthew. Natigilan ako nang titigan ko siyang maigi. He's so handsome tonight.

"Hello, Matthew." Nagulat ako nang ilahad niya ang kaniyang braso sa akin.

"I will be your date tonight," masayang sambit niya sa akin. Napatawa naman ako sa kaniya.

Inilibot niya ako sa buong venue. Pinakilala niya rin ako sa ilan niyang kaibigan. Mukhang hindi sayang ang ipinunta ko rito.

Nilibot ko ang buong tingin ko sa loob. Nakita ko roon si Blaze. Kasama niya ang babae niya at masayang katawanan. Roxy is his date for tonight. Hindi man lang ako niyaya ng lalaking iyon. Ang husay din. Napapikit ako sa inis.

Kumalas ako sa pagkakahawak kay Matthew. Hindi niya naman ito napansin dahil sa kaniyang kausap.

Pumunta ako sa isang mesa at kumuha ng maiinom. Diniretso ko ang pag-inom at agad kong ibinagsak ang baso pagkaubos ko nito. Napapikit ako dahil sa pait.

Lumipas ang oras at patuloy lang ako sa pag-inom ng alak. Wala na akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko. Medyo nahihilo na rin ako pero hindi ako nagpatigil.

"Magandang gabi po, Ms. Taja." Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang pangalan ko. A waitress is smiling at me.

Ngumiti naman ako. May dala siyang isang tray at may dalawang basong nakapatong doon. Tamang tama ang dating niya. I want to have another shot.

"Pwede ko bang kuhanin ang dalawang basong iyan?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin at inabot sa akin ang isang baso.

Aabutin ko na sana ito nang may ibang kumuhang babae. "Thank you for this." Nakakainis! Sa akin dapat iyon. Napatingin ako sa waitress at parang nainis din siya.

"It's okay. May isa pa naman. Salamat," sambit ko bago kuhanin ang baso na nakapatong sa kaniyang tray. Ngumiti ulit ang waitress sa akin saka umalis.

Nasilayan ko naman na tapos na si Matthew sa kaniyang kausap. Papalapit na siya sa akin. "Sorry, I had to leave you like that. May kinausap lang ako."

"That's okay. Nalibang ko naman ang sarili ko rito," wika ko sabay taas ng basong hawak ko. Napailing na lang siya sa akin. "Matthew, punta lang akong restroom."

Habang patungo ako sa restroom, nakasalubong ko si Blaze. Matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin.

Nagulat ako nang maramdaman kong inakbayan ako ni Matthew. Napatingin ako sa kaniya na parang nagtatanong. Ngumiti lang siya sa akin. Ibinalik ko muli ang tingin kay Blaze at nakalampas na siya sa amin.

CONNECTED (Completed)Where stories live. Discover now