Connect 24

71 4 3
                                    

Taja's Point of View

Pinatay ko ang aking phone. Hindi ko na pinansin ang pinadalang mensahe ni Blaze. Agad kong binulsa ang phone ko. Ang kapal talaga ng mukha niya. Pinamukha niya pa sa akin na tinapos niya ang misyon ko kahapon. In fact, I can do that by myself. Masyado lang siyang nangingialam. Bakit kasi ako sa kaniya napabagsak? Dapat makahanap na ako ng matinong kakampi.

Binilisan ko ang aking paglalakad. Baka mahuli ako ng dating. Until now, I don't know what is the goal of the application. Nagulat na lang din ako nang  makitang may ganoong misyon. Sino namang nasa matinong pag-iisip ang gagawa ng unang misyon? Magbibigti sa loob ng dalawang minuto? Mamamatay ang gagawa noon.

Nakarating na agad ako sa isang madilim na eskinita. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makapasok sa isang madilim na silid. 

Agad kong nilingon ang buong paligid. Nagulat ako nang makita ang isang babae. May tali ang kaniyang leeg.

Magpapakamatay nga siya!

Dali-dali kong inalis ang taling nakalagay sa kaniyang leeg. Kusa siyang bumagsak sa akin kaya agad ko siyang sinalo. Mabilis kaming napaupo sa sahig. Nagtaka ako dahil hindi mahigpit ang pagkakatali sa kaniyang leeg. Napansin ko ring nakatungtong siya kanina sa isang silya.

Bakit parang may mali?

Pinakiramdaman ko ang kaniyang palapulsuhan at maayos pa naman ito. But her eyes were already shut. Buhay pa kaya siya?

Nagulat ako nang bigla siyang ngumisi. Nataranta ako nang dumilat ang kaniyang mata. This is not good.

"Masyado kang uto-uto," pang-aasar niyang sambit sa akin.

"Hindi kita maintindihan," sagot ko. I know what she's talking about. Yumeina is a manipulating app. Nilinlang lang nito ako. This is a fucking trap.

"Huwag ka ng magsinungaling, newbie." Malakas niya akong tinulak gamit ang kaniyang lakas.  Hindi ko inasahan ang ginawa niya. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang braso niya na sumasakal sa aking leeg. I can't control it because her force is too strong.

Kumuha ako ng lakas para makapagsalita. "Pakawalan mo ako."

Kinaladkad niya ako papunta sa isang drum na puno ng tubig. Hindi ko napansing may drum sa loob dahil sa sobrang dilim. Masama ang pakiramdam ko sa gagawin niya.

"Hindi ka raw kasi sumusunod sa inuutos ng application. Inaasa mo na lang sa kakampi mo. Too bad, he's not here," wika niya sa akin. I remembered the terms and conditions of the application. Parusa ko ba ito dahil inasa ko lahat kay Blaze?

"Hindi ko naman alam," sagot ko. Ngumisi lang siya sa akin at hindi pinansin ang sinabi ko. Nawawalan na ako ng hininga dahil sa pagkakasakal niya sa akin.

"Ibababad lang naman kita sa drum na may lamang tubig na nasa harapan mo. It won't hurt you, right?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. She grinned to me and suddenly laugh like a witch. 

Other users of Yumeina are evil! 

Talagang ginagawa nila lahat ng naka atang sa kanilang misyon. Wala silang pakialam kung may mapatay sila.

"You look really scared. Relax. Hindi naman kita papatayin. It's your choice after all." Lalong lumakas ang kaniyang halakhak. Talagang gusto niya akong patayin.

Nagulat ako nang inalis niya ang kaniyang braso sa aking leeg. Hinila niya ang aking buhok at isinubsob ang aking mukha sa loob ng drum. Nanlalaban ako pero malakas siya. Hinahabol ko ang aking paghinga. Narinig ko naman ang kaniyang paghalakhak.

Pinalo niya ng malakas ang aking likod dahilan para bumuka ang aking bunganga. Marami akong nainom na tubig. Nauubusan na ako ng hininga at kahit anong oras pwedeng bumagsak ang mga talukap ng aking mata.

Naramdaman kong muli niya akong hinila at itinulak nang malakas. Sumalpok ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Mabilis siyang nawala sa aking paningin.

Napahawak ako sa aking ulo. Nanginginig ang buong kamay ko nang makitang may dugo ito. Damn! Kaunti na lang talaga, mapapapikit na ako. Nataranta ako nang may pumasok sa loob. I smiled. Pamilyar na mukha ang aking naaaninag.

It's Blaze.

I'm tired. I want to sleep.

Unti-unti akong napamulat. My eyes widened when I realized something soft against my lips. I realized that Blaze's mouth was touching mine. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Pinili kong hindi ibuka nang maayos ang aking bibig dahil sa pagkailang.

Blaze forced me to open my mouth by carefully biting my lower lip. 

Hindi ako handa, teka lang po!

Malakas siya at hindi na kaya ng katawan kong makipaglaban sa lakas niya. I gave up and let him access. Ibinigay niya lahat ng hangin sa akin dahilan para makahinga ako ng ayos. Napaubo ako nang matapos na si Blaze sa kaniyang ginagawa.

Nagtama ang paningin naming dalawa. Biglang uminit ang pisngi ko nang mapagtanto ang nangyari. I also noticed that his ears became red. Nailang ba siya dahil sa ginawa niyang paghalik?

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinikilig ako!

"Sorry, if I'm too late. Are you... okay?" tanong niya at tiningnan ang aking leeg. Bigla akong kinabahan sa tingin niya. Mabilis akong tumango sa kaniya.

"Oo, ayos lang," sambit ko. Ngayon ko lang napansin na parang hindi siya ayos. Marami atang hangin ang binigay niya sa akin. Hindi dapat binibigay lahat, kailangan ding magtira para sa sarili.

"Don't do the mission alone. I'm your partner, remember that." Napatango na lang ako sa sinabi niya. "Don't trust the task that the application will give to you. There are lots of bastard and out headed users that play a trap to other users."

"Sorry..." Napatungo na lang ako dahil tama lahat ng sinabi ni Blaze. It's my fault why I'm here in this damn situation.

"Next time, don't trust anyone. Even that application. You must only trust me," he said in a cold and serious tone. Agad naman akong napatingin sa kaniya at napasimangot.

"Anyone can betray you, even your friends at your social media." Blaze is right. Kahit sarili ko kaya kong traydurin. "They can manipulate and talk behind your back making them worse than a trash."

Everything is controlled by the technology. Lahat gagawin nila para makuha ang ninanais nila kahit pa masaktan nila ang mga taong imporatante sa kanila.

"Hey, stay here. I will just find a medicine kit. Don't go anywhere." Wala na akong nagawa. Sumunod na lang ako sa gusto ni Blaze. Bago siya tuluyang lumabas, lumingon muna siya sa akin at tiningnan ako nang maayos.

Lumapit siya sa akin at ngayon ko lang napansing may dala siyang jacket. Dahan-dahan niyang nilagay ito sa aking balikat. "Ihahatid kita sa inyo pagkatapos kitang gamutin. I want to make sure that you will go home safely." Huli niyang sambit bago tuluyang lumabas.

Nawa'y lahat may naghahatid!

Napatitig na lang ako sa loob ng silid. Muntik na akong mamamatay kung hindi dumating si Blaze. I know, I don't really know his personality. This time, I must trust him. Siya lang ang tanging pag-asa ko. Saka si Ona. Silang dalawa ang magliligtas ng buhay ko.

CONNECTED (Completed)Where stories live. Discover now