Connect 83

31 2 0
                                    

Third Point of View

Nababaliw na si Zhavie. Wala siyang magawa kung hindi ang lumakad at mag-isip. Napabagsak siya sa sahig at bumalik lahat ng ala-ala niya noon.

Alam niyang si Ona ang nakaisip ng app. Dahil magaling siyang mang hack ng account, nahilig siya sa pag gawa ng app pero hindi ito sumisikat. Bumibisita siya sa kahit anong sites. Alam ni Zhavie na ideya ni Ona ang app para kay Taja. Si Taja ang matalik na kaibigan ni Ona at gusto niyang maging masaya si Taja. Gusto niya itong pasikatin.

Sumagi sa isipan ni Zhavie ang araw na nakita niya ang phone ni Ona. Nakita niya roon lahat ng plano ni Ona sa pag gagawa ng app. Ibinalik ni Zhavie ang phone kay Ona. Naalala niyang nakiusap siya kay Ona kung pwede silang magtulungang dalawa. Iniisip noon ni Zhavie na sisikat sila kapag nagawa na nila ang app. Naalala niya ring sinabi niya kay Ona na huwag niya itong gawin kay Taja dahil wala namang kwenta si Taja. 

Gusto ni Zhavie na maging mayaman at maging kilalang developer ng application game. Nainis si Zhavie nang maalala na tumanggi si Ona sa sinabi niya noon. Hindi siya pumayag at gumawa ng paraan.

Alam ni Zhavie noon na inilihim ni Ona kay Taja ang app. Isang buwan, inilunsad ni Ona ang app at iilan pa lang ang nakakagamit sa Raira University. Isang simpleng babae lang noon si Margarette pero simula nang gumamit siya ng app ay unti-unti siyang sumikat. Si Ona ang dahilan kung bakit siya sumikat.

Biglang tumawa si Zhavie sa loob ng kaniyang silid nang maalala ang kaniyang kasintahang si Margarette. Nainis siya sa app noon dahil nag-iba si Margarette at unti-unti siyang nilalayuan nito.

Biglang nainis si Zhavie nang maalala ang lahat ng iyon. Naalala niya ang ginawa niyang pagpatay kay Ona at Margarette. Tumawa siya ng malakas at nagsasayaw sa loob ng silid.

Pamula noon nasiraan ng bait si Zhavie. Pinalalabas niya na normal siyang tao pero sa totoo ay hindi. Binago niya ang buong app. Nilagyan niya ng misyon para makapaghiganti sa lahat. Lalo na kay Taja na siyang dahilan kaya hindi pumayag si Ona na ibihagi ang app sa kaniya.

Nagpanggap si Zhavie na si Ona. Nagsinungaling din ito kay Taja na nasa probinsya at nagbabakasyon si Ona pero ang totoo ay pinatay niya na si Ona.

Masayang nakuha ni Zhavie ang kaniyang gusto. Ngayon, sinisingil na siya sa kaniyang mga ginawa.

He wants to quit the game, too bad she is now connected.

CONNECTED (Completed)Where stories live. Discover now