Taja's Point of View
Inihanda ko na ang aking sarili. Maaga akong nagpunta sa gym. I skipped my afternoon classes just for this mission. Bahala na kung magagawa ko nang maayos. Ramdam kong nagtaka si Blaze sa ikinilos ko nang makasalubong ko siya kanina. Mabuti na lamang at nailigaw ko siya kung hindi papalpak ang plano ko.
"Did I came early?" Napatayo ako nang dumating si Roxy. She's proud of herself. Talagang gusto niyang humiwalay ako kay Blaze.
"Mabuti at nakarating ka," sambit ko. She crossed her arms and smiled at me.
"Oo naman. Ibibigay mo na sa akin si Blaze." Naiinis talaga ako sa ugali niya. Hindi naman bagay si Blaze para ipamigay na lang basta-basta. "Ano bang pag-uusapan natin?" Napalunok ako sa tanong niya. This is the perfect timing.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad patungo kay Roxy. She was confused on what I'm thinking. "I'm asking you. Bakit hindi ka nasagot?" Hindi ko pinansin ang kaniyang tanong at nagpatuloy ako sa paglapit sa kaniya. Umatras naman siya ng unti-unti. Umaayon ang lahat sa aking plano.
"Hey, you're making me scared, Taja. Can you—!" Gaya ng aking inaasahan, pumatak si Roxy sa pool. I was surprised because she can't swim.
Exciting!
"Sinadya mo ba ito? Patay ka sa akin kapag naka-ahon ako."
"Pasensiya ka na pero hindi iyon mangyayari," sambit ko bago tuluyang lumusong sa pool. Pinigilan ko si Roxy na maka-ahon. I grab her hair. Malakas kong kinontrol ang kaniyang buhok. Inilubog ko ang kaniyang ulo sa tubig.
"Hindi na ako makahinga, Taja. Stop it!" Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa aking ginagawa. Tama si Ona, dapat sa ahas nalulunod.
Lumalaban si Roxy pero hindi iyon sapat para mapigilan ako. Marami na siyang naiinom na tubig at kaunti na lang ay mawawalan na rin siya ng malay.
"Taja, what are you doing?" Natigilan ako nang magsalita si Blaze. Masama ang tingin na ipinukol niya. Napabitaw ako kay Roxy na ngayon ay wala ng malay. Lumusong si Blaze sa pool at dinala si Roxy palabas ng pool. Wala akong nagawa kung hindi umahon.
Kita ko sa mukha ni Blaze ang pag-aalala. Tinapik tapik niya si Roxy pero hindi ito kumikibo. Tumingin sa akin nang masama si Blaze. "Why did you do this?" Hindi ko siya pinansin sa halip ay tiningnan ko ang aking phone.
🔔 1NEW NOTIFICATION
Open I͓̽ Close
✎ Congratulations! You finished the task on time.
"Is this your damn mission?" Nainis ako kay Blaze dahil parang kasalanan ko pa ang nangyari. I was trapped by the application.
"Oo at dapat hindi ka nagagalit sa akin. Tutulungan mo ako, 'di ba? Hayaan mo na si Roxy na ganiyan." Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Not like this, Taja. You should tell me earlier," sagot niya at binuhat si Roxy. "We must talk about this, later." Tumayo ako at matapang siyang hinarap.
"Kahit huwag na. Alam ko namang mas mahalaga sa iyo si Roxy. You must accept my request, Blaze." Umiling siya sa akin at lumabas na ng gym.
Lumabas na rin ako ng gym. I finished my mission and I'm relieved. Iyon na lang ang mahalaga sa ngayon.
Nakapagpatuyo na ako at nakapagpalit na rin. Kailangan ko nang umuwi dahil dumidilim na rin. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa hallway. Binilisan ko ang paglalakad nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. I guess I'm one of their missions. Hindi na ako pwedeng humingi ng tulong kay Blaze. I should be brave.
YOU ARE READING
CONNECTED (Completed)
Mystery / ThrillerSophomore student Taija Morgan (Taja) is tired of living the life of being disconnected from the world. An unexpected person came into her life that helps her to connect with the world. Her friend helps her to enter the famous yet dangerous app in t...