Ten Years Later
Xianna's pov
Nakatulala ako sa may garden, inaalala ang mga pangyayari sa buhay. Hindi ko inaakala na mapupunta pala ako sa ganitong sitwasyon ngayon. It feels so good to be here. I feel blessed for what I have now. Hindi ko man ito ineexpect but still, I'm thankful for it.
"Hoy! Nag eemote ka nanaman? " Tapik sa akin ni Nicole.
"Tsk, pabayaan mo nga ako. Sinusulit ko ang tahimik kong buhay hanggang nasa galaan pa yung dalawa. Mamaya babalik na yun at hindi na ako makakapag relax. " Saad ko at inirapan siya. She laugh.
"Gusto mo pala ng tahimik na buhay eh, bakit nag anak ka pa? " Tatawa tawa nitong tanong. I groan.
"Dahil gusto ko at gusto niya. We want to build a family, it's not that stressful naman din na bantayan si Agenta pero syempre minsan I still need time to relax. " Sagot ko sa kaniya at sumandal sa upuan ko.
"Ay sus, whatever. " Irap nitong sagot. Napailing nalang ako.
Something had never changed. Nicole still has her childish side.
Since the day I woke up from the hospital ten years ago, my life changes. Nakulong na si Claire dahil sa mga kasalanan na ginawa niya at si Emerald naman ay nasa mental hospital.
Binibisita ko siya minsan and she's getting better. Sadyang nabulag lang daw siya noon. Naka graduate na din kaming mag babarkada.
Red is now a nurse, natupad na niya ang pangarap niya. Si Drake naman ay isang piloto. Sabrina is now a teacher, hindi ko inakalang magiging teacher yun dahil tamad yung pumasok. Si Kath ay naging psychologist. Aubrey is an engineer now and Christine is a lawyer. Iba iba na ang aming trabaho at buhay pero hindi parin namin nakakalimutan ang isa't isa.
"Mommy! " Rinig kong sigaw ng anak ko. Napatingin ako sa gawi nito. Nakuha niya talaga ang mata ng asawa ko. Ang buhok nito ay brown kagaya ng akin.
"Hi baby. " Bati ko dito at pinugpog ng halik ang kaniyang mukha. She giggle at pilit iniiwas ang mukha sa mga halik ko.
"Mommy stop it, I need to show you something ." She said between her laughs.
I pouted at tinawanan lang ako ng magaling kong anak bago tumakbo papasok ng bahay.
Napadako ang tingin ko sa lalaking papalapit sa amin ni Nicole, may hawak itong supot na puti.
"Here! Dinalhan ka namin ng ice cream. " He said at iniabot sa'kin ang dala niya.
"Drake! Pinakain mo nanaman ng ice cream ang anak ko! " Saway ko sa kaniya. He held her hands up high at tumawa.
"I can't help it! She's too cute to resist. " Sagot nito. Nakasimangot akong napailing sa kaniya.
"Hay nako Drake, sinasabi ko sayo pag yan na hyper nanaman mamaya bubulabogin kita sa bahay niyo! " Banta ko dito. I heard him and Nicole laugh.
"Sorry na Xia baby... Ang cute lang kasi talaga niya. " Saad nito at niyakap ako. I roll my eyes at him.
"Mag tigil nga kayong dalawa! Jusko, nilalanggam ako. " Kantyaw ni Nicole samin.
"Paano ka hindi lalanggamin eh ang amos mo. Para kang bata kung kumain ng ice cream, mas malinis pa kumain si Agenta sayo eh!. " Saad ko dito. Nauna pa siyang kumain ng ice cream eh ako naman ang dinalhan.
"Talaga? Maamos? " Tanong nito at kinuha ang cellphone para gamiting salamin. Napailing nalang ako. I swear, mas bata pa 'to sa anak ko.
"Momma! Look what Daddy Drake bought me. " Rinig kong sigaw ng anak ko sa loob ng bahay. Napailing nalang ako at kumalas sa yakap ni Drake.
BINABASA MO ANG
NOT All We See Is TRUE
Mystery / ThrillerEvery one has something inside that they don't show. What you see is not everything. -Victoria Carson