Xianna's pov
Since that day na napag kamalan niyang may nangyari samin ni Kath ay lalo na niya akong hindi pinansin. Her remark at class are getting more personal. Minsan gusto kong umiyak dahil ilang beses ko na siyang gustong kausapin pero umiiwas siya.
"Ano nanaman nangyari sayo?" Tanong ni Sabrina habang kumakain kami ng snacks sa cafeteria. Kakatapos lang ng klase namin.
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pag kain ko ng junkfoods. Nagtinginan sila at parang nag uusap sa mata.
"I'm fine." Sagot ko kaya napatingin sila sa akin.
"Are you sure?" Paninigurado ni Kath. Napabuntong hininga nalang ako at tumango. Tinitigan muna nila ako bago bumalik sa pag chichismis.
Nag paalam ako sa kanila na bibili lang ako ng drinks, they just nod dahil masyado silang busy sa kakadaldal.
Pabalik na ako sa table namin ng matamaan ako ng babaeng tumatakbo. Tumilapon ang dala niyang drinks sa akin at natapon sa may dibdib ko.
Nanlaki ang mata niya at paulit ulit nag sorry habang pinupunasan ang damit kong nabasa gamit ang panyo niya.
Bakit lagi akong natatapunan ng inumin!!?
Galit na sigaw ko sa utak ko pero naka ngiti ako sa babaeng nasa harap ko.
"It's fine. I'll just change." Malumanay kong saad at nilampasan siya para bumalik sa table namin.
"Are you okay?" Tanong sa akin ni Drake pero sa baba siya nakatingin. Napayuko ako at tiningnan ang tinitingnan niya. Namula naman ako ng makitang bakat ang bra kong pula. Dahil nakasuot ako ng puti kaya naging see-through ang damit ko. Kaya pala nakatingin si Drake.
Tsk. Manyak.
"May panyo ka?" Tanong ko kay Kath na nakatingin din sa akin.
"W-wala." Namumula niyang tugon. Hinubad ni Drake ang jacket niya at isusuot na sana sa akin ng may naka una nang mag suot ng jacket sa akin.
Pinaharap niya ako at inayos ang jacket para matakpan ang dibdib ko. Napalunok ako ng tumabad sa akin ang dibdib niyang mala gatas sa puti. Naka bun ang buhok niya kaya kitang kita ko ang kaputian niya. Naka sleeveless nalang siya ng kulay itim kaya mas lalo siyang naging maputi tingnan.
"T-t-thank you." Namumula kong pasalamat. Tinitigan niya muna ako bago tinaasan ng kilay si Drake at umalis nalang bigla.
Napatulala nalang ako at napahigpit ang kapit sa laylayan ng jacket.
"What was that?" Sabrina ask, her eyes are so wide na parang nakakita ng multo.
"I-I don't know." Tugon ko.
Lahat ng studyante nakatingin sa akin kaya napaupo ako sa hiya. They have the same expressions on thier faces.
"That's the first time Miss Carson did something like that." Amaze parin na komento ni Sabrina. Pinipigilan ko ang ngiti kong lumabas. Drake clear his throat.
"Baka hindi naman talaga siya ganun ka sama." Litanya niya.
"Yeah." Nakangiti ko ng saad. They looked at me na parang inaanalisa ako.
Bago pa nila makuwestyon ang pag ngiti ko ay tumayo na ako.
"I have to go." Paalam ko.
"Where are you going?" Takang tanong ni Kath.
"I- ahm.. I forgot something in Miss Higgins's classroom." Pangangatwiran ko at mabilis na umalis.
Phew!
BINABASA MO ANG
NOT All We See Is TRUE
Gizem / GerilimEvery one has something inside that they don't show. What you see is not everything. -Victoria Carson