Chapter Seventeen

4.1K 183 14
                                    

Xianna's pov


"Are you ready? " Rinig kong tanong ni Kath sa labas ng bathroom.

"Ito na, palabas na. Ang atat mo eh kakapasok ko pa lang. " Saad ko dito at lumabas na. Nag bihis kasi ako dahil mamimili kami ng susuotin para sa beach mamaya.

"Ang tagal mo kaya, baka iwanan tayo nila Red. " Nakanguso nitong sabi. Hindi ko nalang siya pinansin at naunang lumabas.

"Bye, Miss Carson! " Rinig kong paalam ni Kath kay Victoria. Oo na, ako na ang bastos pero mas nauna siya iniwan ba naman ako kagabi pag ka tapos ako sigawan at ang masaklap pa nung dinner mag kasama sila nung lecheng lalaking yun. Sino ba yun? Bakit ba andito yun? Tsk! Leche sila.

"Oh? Anyare sa mukha niyan? Hindi maipinta ah. " Komento ni Red pag dating namin sa lobby. Dito sila nag intay sa amin ni Kath.

"Abay ewan ko. Iniwan kaya niyan ako sa kwarto. Baka may dalaw. " Tugon ni Kath sa kaniya.

"Alam mo ikaw, babatukan na kita. Araw araw mo na akong sinabihan na may dalaw. Hindi naba nauubos ang dugo ko? " Inis kong saad dito at sinamaan ng tingin.

"May dalaw nga. " Rinig kong bulong naman ni Claire kaya Kath.

Aish! Bahala sila.

Hindi ko na sila pinansin at naunang lumabas. Yung kay Drake na sasakyan ang gagamitin namin. Dinala niya kasi ang kotse niya at hindi siya sumabay sa bus.

"Oh, anyare sayo? " Tanong ni Sabrina pag kapasok ko sa kotse.

"Wala nga! " Irita kong tugon.

"Hahaha, may dalaw yan for sure. " Drake said at ginulo pa ang buhok ko.

"Isa ka pa Drake! Suntukin kita sa mukha eh para mag ka dalaw ka din sa ilong. " Irita kong saad. He shut up immediately.

Tawang tawa naman si Sabrina at may pag hampas pa sa braso ko.

"Baliw ka ba? " Tanong ko dito. Tiningnan naman niya ako at umiling tapos tumawa ulit.

"Tumigil ka nga! " Saway ko dito. She shut up pero halatang nag pipigil parin ng tawa.

"Tara na? " Saad ng kakasakay lang na si Red.

"Hindi, dito nalang tayo Red. Maraming mabibiling swimsuit dito eh. " Pambabara ko sa kaniya. Nagtawan naman sila na siyang ikinainis ko lalo.

"Mainit talaga ulo niyan, kanina pa yan. " Saad ni Kath. Nasa gitna nila ako Red. Si Claire, Christine at Aubrey naman ay hindi sumabay samin. At si Sabrina nasa tabi ni Drake sa unahan.

"Walang nag tatanong sayo Kath. " Saad ko at isinandal ang ulo ko bago pumikit. Red laugh.

"Para kang si Ate, ang init din ng ulo. " Saad nito.

"Pakealam ko sa Ate mo Red. " Turan ko. They laugh.

"Wala lang, skl. Baka kasi nag away kayo kaya parehas mainit ulo niyo hahaha. " I mentally roll my eyes.

"Bakit kami mag aaway eh hindi ko nga yun kilala. " Nakasimangot kong saad. Lalo naman silang nag tawanan.

"She's Miss Carson's sister you poophole! " Tawang saad ni Sabrina sa unahan.

Huh? Ano daw?

"I'm Aubriella Red Carson. " Saad ni Red sa akin. Tiningnan ko naman siya. Teka, Carson?

"C-carson? " Pag uulit ko. Tumango tango naman siya.

"Kapatid mo si Vic-- *ehem* Miss Carson? " Tanong ko. She laugh and nod again.

NOT All We See Is TRUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon