35.
Author's POV:
It is the ending week of September at bihira nalang makita ni Gemini si Black. Mahigit dalawang linggo na rin simula nung hindi niya ito nakita. Naging malungkot si Gemini sa pangyayaring yaon sapagkat bago lang sila naging magkaibigan at ngayon ay hindi na sila nagkikita.
Hindi niya rin ito nakikita sa school nila. She is worried and at the same time scared sa pagkawala ni Black. Gawi na din kasi niya ito at takot siya na baka din ano ang nagawa niya sa iba o sa sarili niya.
Gem twitched her shoulders and her arms embraced her bent knees. She looked down and feel a little bad about it. Nagsisisi siya na hindi siya pumunta sa family outing ng pamilya. Had she been there, she would have seen Black for the last time or know the reason of his disappearance.
May kumatok sa pintuan sa kwarto ni Gemini. Hindi pa rin siya kumibo kaya napilitang buksan ito ni Elrick.
"Kalbo?" Ani nito papasok sa kuwarto. He went straight to Gemini and comforted her. He rubbed Gemini's back gently to let her feel that everything is going to be alright.
"Kuya, I know na alam mo ang issues ni Black ngayon. Please, sabihin mo na sa'kin."
Palaging tinatanong ni Gemini si Elrick tungkol kay Black. During the previous days, panay ang pangungulit ni Gemini tungkol sa business ni Black ngayon. Last week, she visited him in the restau pero wala siya doon. Kahit si Camille ay wala din doon. Nababahala na ako kasi si Vanice hindi rin siya kinikibo.
Last week, Thursday, PE class nila. Tinanong ni Gemini si Vanice tungkol sa whereabouts ni Black pero sinabi lamang nito na wala na siyang pake alam doon na talagang hindi kapani-paniwala. Vanice is always on Black's side. Vanice is also close to Camille. How can she not know where they are now? At kung ano ang ginagawa nila?
Nababahala din siya dahil alam niyang may sakit ang Mommy ni Black. She even went last weekend sa hospital na pinupuntahan nila ni Black for certain medical purposes pero wala eh.
Sa kabilang banda, Gemini tried to reach them via social media. Pero lahat not updated. Lahat tulog pa. Kahit twitter account ni Camille na always active before, tulog din at tila ba nilulumot na.
Alam ni Gemini na ginawa niya na ang lahat. Alam niyang wala na din siyang ibang choice kung hindi ang maghintay nalang kung sakaling bumalik ito. She knows already about Black being the Skeleton of his life. She knows that he is the friend that she once lost. Kaya kung mawawala din ito sa kaniya, hindi niya ito makakayanan.
"Kuya, if may alam ka, sabihin mo kaagad sa'kin. Wala man ako sa lugar pero kailangan ko ding malaman para hindi na ako mabahala."
Elrick sighed and stood up. "Bakit ba concern na concern ka sa kaniya? He is just your old best friend. He is mature now. Kaya niya na ang sarili niya. Bakit? Pag ikaw ba tumulong sa kaniya, may maitutulong ka ba? Dapat tumahimik ka na lang diyan."
"Tumulong? Why? May problema ba siya?" Panay na tanong nito sa kapatid.
Elrick pouted his lips inwards. "Nothing."
Bago pa makatakas si Elrick ay nahawakan ito ni Gemini. "Tell me," and she gazed at Elrick na parang papatayin niya ito, "ano ang problema ni Black?"
Nanginginig na si Elrick sapagkat nakakatakot ang mga mata ni Gemini. Para siyang kakainin nito ng buhay. Malakas din ang pagkakakapit ng kamay nito sa kaniyang braso at namumula na rin ito.
Naalala niya na mas mahigit pa sa aso ang kapatid niyang ito. Bukod sa nangangagat ay, nangingiliti din ito na talagang hindi niya makakayanan kung gagawin.
YOU ARE READING
What's with Black?
Teen FictionAll lives connect to each other. All lives are unique in many different ways. However, there are lives which are so much different but they still are being tied by destiny. Sometimes, life brings you at some point that you feel like being shut by th...