Aliyah's POv
Pumasok kami sa isang napakalaking mall. Jusko! Kung ako lang mag isang pupunta dito siguradong maliligaw ako. Ang laki naman masyado nito, ngayon pa ako nakakapunta sa ganitong lugar sa tagal ng pagtattrabaho ko dito sa Manila.
Naunang pumasok si George sa isang botique. Sumunod din ako.
Anong gagawin namin dito ,eh puro damit pambabae ang nandito?. Don't tell me, sumusuot siya ng ganyan ?. Wow! Sa laki ng katawan niya makuha pa niyang magsuot ng ganitong klaseng damit?.
Hindi ko napigilan ang sariling tumawa. Napalakas ata ang tawa ko dahil pinagtitinginan kami ng mga saleslady, maging si George ay nakakunot ang noong tumingin sa akin.
"Akalain mong mahilig ka pala sa ganitong mga damit George?". Natatawang tanong ko sa kanya .
Lalong kumunot ang noo ni George.
"Sus, huwag ka na ngang OA jan. Tinatago mo lang ang totoo mong ikaw jan sa naglalakihan mong mga muscles eh." Dagdag ko.
"Hindi ako ang susuot ng mga yan". Sagut ni George.
Natigilan ako. Tumingin ako nang may pagtataka.
"Ikaw ang susuot ng mga yan kaya ka nandito dahil bibilhin natin yan para sayo". Siya.
Bumilog ang mga mata ko.
"Talaga?!". Halos hindi ako makapaniwala .
Inilibut ko ang mga tingin ko sa mga damit.
"Lahat yan?". Tanong kong muli kay George.
"Bakit kasya ba sayo lahat na yan?" Siya.
"Hindi!." Ako.
"I see. So, yon lang kasya sayo ang bibilhin natin.". Siya .
"Paano ko malalamang kasya sa akin ang mga damit na yan?" Ako.
" Off course, isukat mo, kaya nga merong fitting room eh". Siya
Nagkibit balikat na lang ako.
Lumapit sa akin ang isang saleslady matapos tawagin nito ni George.
"Ikaw na bahala sa kanya." Sabi ni George sa babae.
Ngumiti lang ang babae at lumapit sa akin.
"Come here maam, simulan na natin ang pagsusukat.". Nakangiti niyang sabi.
Ngumiti lang din ako at saka tinignan si George na ngayon ay nakaupo na sa isang couch .
I followed the girl. Chaar. English yun ah? Hahaha.
Inibigay niya ang limang paris ng magagandang dress.
"Isukat niyo po maam. Doon po kayo sa fitting room. At kapag naisuot niyo na, labas po kayo para makita natin ang hitsura mo maam". Nakangiti pa rin siya.
Tumango lang ako at saka kinuha ang limang paris ng damit at pumasok sa fitting room.
Lumabas ako ng fitting room sukat² ang isang cocktail dress.
Ngumiti naman si George ng pinagmamasdan niya ako maging ang saleslady."Ang ganda niyo po maam". Saad ng saleslady.
"Salamat. Hehe." Ako.
Pumasok akong muli para magsukat na naman ng ibang damit. Paulit² lang hanggang last na lang na damit ,pang 50 na yon. Jusko!. Para na akong nahihilo sa kabalik- balik sa loob ng fitting room . Isinuot ko ang black high waits jeans with matching white open-clevage long sleeves. Fit na fit sakin ang suot ko. At hindi maipagkakaila na halata ang kurba ng katawan ko. Hindi naman kasi ako pandak kaya mas lalong bumagay sa akin ang suot ko. Lumabas ako ng fitting room.
YOU ARE READING
Should I Say Goodbye??
RomanceLove always matter . Whatever it takes as long as you love that person, you will fight for her/him. But what if that love is forbidden? What should it be done to prove that forbidden love is sometimes needed to unforbid and just lived in it?? Are yo...