Aleyah's POv
Sinundan ko na lang ng tingin si Cathy na mabilis lumabas ng hotel.
"Alis na ako.". Biglang nagsalita ang kumag na nasa tabi ko.
Lumakad siya patungo sa exit ,agad ko naman siyang hinabul at pinigilan sa braso upang mapaharap siya sa akin. Walang emosyong makita sa kanyang mukha.
"Ano sa tingin ang ginagawa mo? Aalis ka? At iiwan mo ako ditong mag-isa? Hoy! Baliw ka ba?". Inis kong sabi sa kanya
"Do I need to drive you home?". Tanong niya.
"Of course!". Confident kong sagut. Alangan naman, girlfriend niya ako ,diba?.
"Tss. !". Siya.
"Anong Tss?". Ako.
"You came here alone . So, you can still do that again going back to your home.". Kalmado niyang sabi.
"Aba! Hoy! Baka nakakalimutan mong girlfriend mo ako? At dahil nobya mo ako, dapat lang ay ihatid mo ako sa pag - uwi, diba?". Nakangiti ko pang sabi. Halata namang naiinis siya sa sinabi ko.
"Kanina yon, hindi na ngayon". Siya
Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Girlfriend kita kapag kaharap natin si Cathy. Yun ang dapat mong tandaan. ". Dagdag niya.
Kumukurap ako sa sinabi niya. Is he serious?
"Pero kailangan mo pa rin akong ihatid , it's like giving tribute to what I have done, right.?". Ngiti ko habang sinasabi iyon.
Totoo naman ang sinabi ko. Hindi pa nga siya nagpapasalamat sa ginawa ko kanina.
Masakit pa hanggang ngayon ang pisngi ko na sinampal ni Cathy. Huhuhu
"Well, thank you. Good job". Sagut niya at lumabas ng tuluyan sa exit.
Nakanganga ako habang sinundan siya ng tingin. Letse siya!. Masyado niya akong pinahirapan.
Kanina kung hindi lang siya panay text ,eh di sana hindi ko nakalimutan ang pera ko. Hindi ako nagpahatid sa driver ko dahil nga sekreto ito.
Huhuhu. Ano ng gagawin ko ngayon? Tinignan ko ang phone ko. Gushh. 1% nalang? At ang saklap pa ay wala akong load.
Umupo ako sa kanina ay inuupuan ni Mikael. Patay ka talaga sa akin hayop ka. Matapos mo akong isali dito sa mga walang kwenta mong plano, iiwanan na lang ako ditong walang- wala. ??. Grrrrr!!.
Inis kong tinungga ang alak na nasa baso na kanina lang ay nilalaro lang ni Mikael na parang walang balak na inumin ito.
Napangiwi ako ng malasahan ang anghang at pait na lasa ng alak.
Tumayo ako at lumabas mula sa hotel na yon.
Palinga- linga ako sa daan. Letse!. Umalis na talaga ang kumag na yon. Wala talagang awa! Walang puso!.
Nagsimula akong lumakad sa gilid ng kalsada. Alas 7 pa naman ng gabi. Hindi kami masyadong nagtagal sa eksenang iyon. Hay!
Naramdaman kong nanghina ang katawan ko. Bigla kong naramdaman na inaantok ako ng subra. Pahina ng pahina ang mga hakbang ko ngunit patuloy parin ako sa paglalakad. Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa hotel.
Teka!. Bakit bigla akong inaantok ng ganito? Halos ipikit ko na ang aking mga mata ngunit pilit ko itong iminulat. Nanghina ang tuhod ko at ang nais ko lang gawin ngayon ay pumikit ng tuluyan.
Naramdaman ko ang bahagya kong paghinto at bumagsak sa lupa, at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
*****
YOU ARE READING
Should I Say Goodbye??
RomanceLove always matter . Whatever it takes as long as you love that person, you will fight for her/him. But what if that love is forbidden? What should it be done to prove that forbidden love is sometimes needed to unforbid and just lived in it?? Are yo...