Chapter 6- A Dinner

3 1 0
                                    

Aleyah's POv

Nagising ako dahil sa paulit- ulit na katok ng pinto . Sino naman kaya ito.

"Sino yan?". Antok kong tanong.

"Ali". Sagut nito.

It's George. Ano na naman kayang kailangan nito.

"Bakit?". Ako.

"You need to prepare now. We're getting late". Siya.

Tinignan ko ang orasan ko at lumaki ang mata ko.  It's 7:30am already(:O:O:O)

8am ang pasok ko. Agad akong tumakbo sa banyo. Hindi ko na sinagut pa si George.

After 10 minutes, tapos na akong maligo at agad na nagbihis ng uniform ko.

Lumabas ako ng kwarto at nandoon pa rin si George.

"Tara". Yaya ko sa kanya at nagpauna na sa paglabas ng bahay.

"Eat your breakfast first". Siya.

"Hindi na. Sa opisina na lang ako.". Sagut ko at tumuloy na sa labas.

Pumasok ako sa sasakyan at sumunod naman agad si George.

Pinaandar na niya ang sasakyan. Tahimik lang kaming pareho habang tinatahak ang daan papuntang opisina. Lumingon ako kay George, mukhang hindi siya okey ngayon, may problema kaya?. Ah, baka tungkol sa love life .

"Ah, George?" Tawag pansin ko sa kanya.

Hindi siya sumagut , nanatili naman sa kalsada ang paningin niya. Pero alam kong nakikinig siya sa akin.

"Pwede mo ba akong samahan mamaya?". Tanong ko.

Lumingon siya sa akin ngunit agad namang ibinalik ang paningin niya sa kalsada.

"Bakit, saan ka pupunta?". Siya.

"Magpapdala lang sana ako ng pera kila inay sa probinsya, baka wala na silang pera doon eh". Ako.

"Don't worry about your family Ali. They are good ". Siya.

"Okey naman talaga sila ahh. Hindi ko naman sinabing may nangyari sa kanila. Ang sabi ko magpapadala ako ng pera sa kanila mamaya.". Ako.

"I said they are okey, they received money  from you recently.". Siya.

"Huh? Anong sabi mo?". Taka kong tanong.

"Nagpapadala ka na ng pera sa pamilya mo.  Hindi mo na kailangan pang mag- alala. At kung maaari Ali, huwag ka munang tatawag sa inyo hangga't nasa trabaho ka pa ". Siya.

"At bakit naman? Pamilya ko naman yun ah? Pati ba naman yan, bawal na?". Inis kong tanong.

"Oo, iyan ang utos ni Mr. Guzman. Hangga't maari ,huwag ka munang tatawag doon baka masabi mo pa trabaho mo dito, ang tungkol sa pagpapanggap mong anak ni Mr. Guzman". Siya.

"Hindi naman ako tsismosa ahh?". Irita kong sabi sa kanya.

"Alam ko pero kailangan nating mag- ingat". Siya.

Hindi na lang ako sumagut.
Mayamaya ay narinig ko siyang bumuntunghininga .

"May pupuntahan tayo mamaya". Sabi niya na hindi ako nilingon.

"Saan?". Ako

"Basta. Malalaman mo mamaya". Siya.

Hiindi na lang ako sumagut.

*****
'good morning maam'

'good morning sir'.

Bati ng mga empleyado sa amin ni George.

Should I Say Goodbye??Where stories live. Discover now