ALEYAH'S POV
" Pasensiya na Aleyah kung ganito ang naranasan mo bilang anak ko. Hindi ko kailanman inisip na ganito ang kahantungan ng pagkukunwari mo bilang anak ko. Anumang namamagitan sa inyo ng Mikael na iyon ay wala akong pagtutol subalit sana isipin mo muna kung tama ba ang naging desisyon mo sa pagpatol sa kanya. Aleyah, wala akong problema kung sino ang mamahalin mo, basta huwag lang yung may sabit na. " si ser.
"Pasensiya na ,Ali. Hindi ko alam na ganito pala ang hantungan ng pagkukunwari natin. Siguro nga, tama si George. Duwag ako. Dahil hindi ko nagawang umayaw sa kasal namin ni Cathy. Hindi ko nagawang ipaglaban ang karapatan kong mag desisyon para sa akin. Pasensiya na.
Gumising ka na. Masyado na akong nag - alala sayo," si Mikael.Lahat yan ay narinig ko, maging ang paghawak ni Mikael sa kamay ko ay naramdaman ko. Parang mayroong kuryenteng dumaloy mula sa kamay ko patungo sa dibdib ko na siyang dahilan ng biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Puro pagkukunwari ang narinig ko mula sa kanilang dalawa
Ganito na lang ba? Hanggang pagkukunwari na lang ba talaga?
Gusto kong magmulat ng mata ngunit natatakot ako sa pwedeng mangyari pagkatapos kong magmulat.
Maging ako ay hindi ko naisip na hahantong ako sa ospital dahil lang sa isang walang kwentang kasunduan.
Nalulungkot ako. Nalulungkot ako dahil alam kong matapos ng araw na to ay hindi na kami muling magkita.
Naramdaman ko iyon. Hindi paman sinabi pero alam kong ilalayo nila kami sa isa't - isa dahil sa katotohanang siya ay ikakasal na at ako ay isang mapagkunwaring kasintahan lamang.
Hindi ko alam kung bakit mayroong kunting kirot sa aking puso . Hindi ko mahagilap ang rason kung bakit ako nakaramdam ng sakit .
Ano itong aking naramdaman?
Natigil sa paglalakbay ang aking isipan ng gumalaw ang tao sa tabi ko.
Alam kong nandito pa siya . Gusto ko siyang kausapin ngunit anong sasabihin ko?
Naduduwag na talaga ako!
" Aleyah, kailan ka pa ba magigising?" malumanay niyang tanong sa akin na para bang gising talaga ako.
Paano kita sasagutin eh natutulog ako? Duh!
"Gumising ka na, gusto kitang makausap." dagdag pa niya.
Pahihintuin na niya kaya ako?
Muli niyang hinawakan ang kamay ko kaya naman napapitlag ako at bigla kong naigalaw ang aking balikat.
Shit! Nabigla ako dun!
"Aleyah? Gising ka na!" may bahid ng saya ang kanyang boses.
Kanina pa ulol!
Wala akong nagawa kundi ang imulat ng dahan-dahan ang aking mata at tumingin sa kanya.
"Mabuti naman at nagising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya na may ngiti sa mga labi niya.
Bakit iba ang dating para sa kin ng ngiti mo ngayon?
Anong meron?
"M-Mabuti naman na," mahina kong sagut.
"Mabuti naman kung ganun. Masyado akong nag -alala sayo, alam mo ba yun?" may bahid ng inis niyang wika.
YOU ARE READING
Should I Say Goodbye??
Storie d'amoreLove always matter . Whatever it takes as long as you love that person, you will fight for her/him. But what if that love is forbidden? What should it be done to prove that forbidden love is sometimes needed to unforbid and just lived in it?? Are yo...