Chapter 4- welcome party

2 1 0
                                    

Villionez Residence

Mikael's POv

Abala si Papa sa kakapili ng damit na isusuot niya mamayang gabi. Pang ilang designer na ba itong kinuha niya hanggang ngayon hindi parin nakakuha ng isusuot niya. Dinaig pa nito ang babae. Tss.

"Hindi ka pa ba nakapagpili Burton?." Tanong ni Mama kay Papa.

"Malapit na". Sagut niya.

"Dapat lang dahil ngayong gabi na ang party, dapat lang na may mapili ka na diyaan". Si Mama.

"Oo na. Huwag ka ng maingay dyan". Si Papa.

Hindi na lang sumagut si Mama.

Maya- maya ay may pumasok kasabay ng kasambahay.

"Ito na ho ang order niyo sir Mikael".
Sabi ni Nico. Isa sa mga tauhan namin.

Tumayo ako mula sa couch at kinuha ang box.

"Salamat.".

Bumalik ako sa pagkakaupo.

Lumapit si Mama at tumabi sa akin.

"Iyan na ba yung inorder mung susuotin mo mamaya ijo?". Si mama.

"Yes ". Sagut ko. Tumayo ako." Sa taas muna ako Ma.". Paalam ko kay Mama.

"Sige ijo.". Si mama.

Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko.
Inilapag ko ang dala kong box sa kama at saka ito binuksan.

Color gray na toxedo ang inorder ko.

Ngayong gabi ko makikita ang anak ni Mr. Guzman. Ngayon na masasagut itong mga pagdududa ko tungkol sa babaing iyon.

Umupo ako sa gilid ng kama at nakatitig sa kawalan, by next 2 months kasal na namin ni Cathy, habang hinihintay ko ang araw na yon mas lalo akong sinasakal . Letseng babae, ngayon ko pa nalamang siya pala ang may gusto ng lahat. Siya pala ang nag planong dapat kami makasal. Bwisit na babae.

Ang sarap mong patayin Cathy!!!.

Napabuntunghininga na lang ako sa naisip. Tss.!

****

'Guzman's Residence'

Huminto ang sasakyan ko sa harap ng gate ng mga Guzman. Bumukas ang gate kaya pinaandar kong muli ang sasakyan at pumasok sa loob, ipinarada ko ang sasakyan sa garahe. Umibis ako mula sa sasakyan at naglakad papunta sa backyard.

Marami nang mga bisitang dumating . Kadalasan ay kasosyo nina Papa.

"Hi handsome". Bati ng isang magandang babae. Tinignan ko lang siya ngunit hindi ko siya sinagut.

"You're alone here?". Tanong niya.

"Isn't it obvious?". Sarcastic kong sagut.

Tumawa siya ng marahan

"I see.". Tumitig siya sakin. " Would you mind if I will join you here?". Tanong niya.

"I don't need anyone ". Dritsong sagut ko.

"Oh! Really?". Siya. " I don't think so". Natatawa niyang sabi.

Hindi ko na siya pinansin, iniwan ko siya at pumunta ako sa isang bakanteng upuan at naupo doon. Wala akong panahon sa mga babaing ang hilig ay lumandi.

Mayroon ng nag si datingan at isa na doon sina Papa at si Mr. Fabrigar at ang pamilya nito.

Agad na lumapit sa akin si Cathy nang makita niya ako.

"Hi". Bati niya sabay halik sa pisngi ko.

Hindi ko siya pinansin. Uminom lang ako ng tequila .

Should I Say Goodbye??Where stories live. Discover now