ALEYAH'S POV
"Anong oras ba ang alis natin mamaya ,dad?" tanong ko kay ser habang nag aagahan kaming tatlo.
"7pm ang start ng party, dapat nandun na tayo at exactly 6 pm. Kaya , kung pwede huwag kang aalis ngayon kung saan-saan ,Ali dahil paaayusan kita mamayang 2. "
"Ahh, ehh, magpapaalam nga ho sana ako dad eh"
"Bakit, may lakad ka ba?"
"Oo sana dad. Tumawag kasi si Maggie kagabi. Nagtatampo na daw siya kasi hindi na daw ako nagpakita doon simula nung promotion ko. Kaya, ayun tuloy nasabi kong bibisita ako ngayon sa kanila at sasabay ako sa kanila ng lunch."
"Hmm. Ganun ba? Babalik ka naman agad diba?"
"Ouh naman ho,"
"Hmm. Sige, basta mag iingat ka."
"Salamat p–"
"Sasamahan na kita," biglang sabat ni George kaya naman naputol ko ang sasabihin ko sana.
"Huwag na. Ayos lang naman ako. ". tanggi ko ngunit sumeryoso siya ng tingin sa akin.
"Hindi. Mas mabuti na iyong nag iingat, Ali." sagut niya.
"George," tawag ko nalang sa kanya.
"Okay lang yan,ija. Gusto ko rin namang may kasama ka. Gusto kong makasiguro sa kaligtasan mo."
Wala na kong magawa kundi ang papayag na lang.
"Hmm, s-sige dad." wika ko.
Mabilis naming tinapos ang agahan at agad akong umakyat sa taas upang maligo at magbihis.
"Aalis ka na?" bungad sakin ni George sa salas.
"Oo," tipid kong sagut.
"Akala ko ba before lunch ka pa aalis?" takang tanong niya.
"May bibilhin pa kasi ako sa mall bago ako pupunta sa hotel. Ano? Sasamahan mo ba ako?" inis kong tanong.
"Oo naman. Just wait me for a while. Magpapalit lang ako ng damit. " at dali-daling pumasok ng guestroom.
****
"Anong bibilhin mo dito?" tanong niya habang naglalakad kami sa loob ng mall.
"Birthday gift," sagut ko at bigla na lang siyang huminto. "Bakit ka huminto ,George? " takang tanong ko sa kanya.
"Para kay Mikael ba yang bibilhin mo?"
"Oo. Birthday niya ngayon diba kaya dapat lang na bibilhan ko siya ng gift. Ang pangit kasing tignan kung wala man lang akong bitbit pagpasok ko sa kanila mamaya,"
"Pwede mo namang hawakan ang kamay ko,"
"Anong sabi mo?" gulat kong tanong.
"Kung namomoblema ka sa bitbitin mo mamaya sa party, available naman ang kamay ko para hawakan mo,"
dO_ob
Korny
"Tsh! Tumahimik ka nga George. Hindi nakakatawa ang biro mo. Mag isip ka na lang ng ibang joke," sabi ko at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.
"Hindi naman ako nagbibiro, Ali."
"Tumahimik ka na nga kasi. Ang mabuti pa, tulungan mo akong maghanap ng regalo, total kaibigan mo yun, for sure, marami kang alam tungkol sa kanya. " nakangiti kong wika.
"Tsk,"
***
"Ito, sa tingin mo bagay niya to?" tanong ko habang ipinakita ang isang blue jacket.
YOU ARE READING
Should I Say Goodbye??
RomanceLove always matter . Whatever it takes as long as you love that person, you will fight for her/him. But what if that love is forbidden? What should it be done to prove that forbidden love is sometimes needed to unforbid and just lived in it?? Are yo...