CHAPTER 12

0 0 0
                                    

ALEYAH'S POV

Nakaupo parin ako sa hospital bed ko. Minuto na ang lumipas simula nung biglang umalis si George dito.

Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kong bakit ko ba naisip yun.

Ako ba ang tinutukoy niya?

Bakit ko ba naisip yun? Hindi naman siguro ako ang tinutukoy niya diba? Di porket nakakasama at nakausap ko siya, ay ako na ang babaing tinutukoy niya.

Imposible namang magka gusto sakin si George, masyado siyang gwapo para sa kin pero mas gwapo nga lang si Mikael–

Ehh?

Kusa akong napahinto sa naisip ko.

Bakit naisip ko na naman siya. ?

Napabuntung hininga na lang ako.

BUMUKAS ang pinto at pumasok si ser.

"I talked to your doctor, ang sabi niya ay pwede ka ng makalabas sa makalawa," wika niya sa kin.

"Hmm. Saan ho kayo galing ser? Ang tagal niyong bumalik ah?"

"May inaasikaso lang. "

"Hmm. Ganun po ba."

"Hmm. Kumain ka na ba?" biglang pag iba niya sa usapan.

"Oo, pinakain na ako ni George. Kayo po ba kumain na?" tanong ko rin sa kanya.

"Wala pa. Sayang, may dala pa naman akong pagkain para sana ito sa ating dalawa." nakangiti niyang ani.

"Talaga ho? Eh, di kainin natin yan," masayang wika ko.

"Pero kumain ka na diba-?"

"Psh! Pwede naman akong umulit ng kain ser eh. Sige, kakainin natin yan ng sabay. Sabay tayong kumain. Gusto niyo ako na ang maghanda niyan?" nakangiti kong wika.

Sumilay naman ang tuwa sa mukha niya.

"Huwag na, ako na ang maghanda. Basta sabayan mo akong kumain ha?" natatawa niyang tanong sa akin.

"Oo naman nuh!" masigla kong wika.

Hindi ko alam pero sa tuwing makikita ko siyang ngumiti o tumawa ay may kung ano sa puso ko ang tumalon sa tuwa.

Pakiramdam ko tuloy, totoo talaga kitang tatay

Napangiti ako sa naisip ngunit may bahid ng lungkot.

Pinanood ko na lang si ser na ihanda ang mga dala niyang pagkain. Inilagay niya ito sa tray at dahan-dahang inilapag sa harapan ko.

"Wow! Mas masarap nga naman ito sa  kinain namin kanina ni George ser!" masayang bulalas ko habang nakatingin sa pagkain.

"Talaga? Mas maganda kung ganun, gaganahan ka sa pagkain." nakangiti rin niyang sagut.

"Ouh naman ser dahil paborito ko ang mga ito. Hehehe" tumawa ako na parang bata.

Totoong paborito ko ang pagkaing inihanda ni ser.

"Talaga?!" tila namamangha niyang tanong.

" Oo ser. Paborito ko talaga ang chicken! Kahit anong luto basta manok ang main recipe ay paborito ko talaga!" masayang sabi ko pa.

"Hahahahaha. Kung ganun hindi pala ako nagkamali ng bili?" natatawang tanong niya.

"Talagang hind ser!"

Tumawa lang siya at saka umayos ng upo sa katabing silya.

"Kumain ka ng marami ha? Gusto kong maubos natin tong lahat." nakangiti niyang sabi.

Should I Say Goodbye??Where stories live. Discover now