Chapter 10

4 0 0
                                    

GEORGE'S POV

Nang makarating ako sa presinto ay agad akong pumasok doon.

dO_Ob??

Narinig kong nasisigaw si Cathy kay Mikael.

Nandoon si Mr. Fabrigar at ang mag amang Villionez.

Anong ginawa niya dito?

"Ano na Mikael? Bakit ayaw mong magsalita? Sabihin mo ang totoo!  Sabihin mo ngayon na may relasyon kayo ng Aleyah Guzman na yun!" galit na sigaw ni Cathy kay Mikael na ngayon ay nakaupo lang.

What the hell I just heard??

Hindi ko napigilang mabilis na lumapit sa kanila.

"Anong sabi mo ,Cathy?!" salubong ang kilay kong tanong ko sa kanya.

"Yes! May relasyon silang dalawa!" sigaw sa akin ni Cathy.

"What?!" gulat na bulalas ko at salubong na salubong ang kilay kong nilingon si Mikael na parang walang narinig.

"Hindi totoo ang sinabi mo Cathy!" baling ko kay Cathy.

"The hell you! Hindi ako susugod doon kung hindi totoo ang sinabi ko! Do you think susugod lang ako basta- basta sa Aleyah na yun ng walang sapat na dahilan?!" sarkastiko niyang sagut.

Hindi ako nakasagut. Inis kong nilingon muli si Mikael.

"Mikael? Ano to? Ha?!" galit kong sigaw sa kanya.

Tumingala lang siya sa akin ngunit hindi nagsalita.

Pagkuway tumayo siya at humarap kay ser Guzman na tahimik lang na nakatayo malapit sa table ng chief .

" Mr. Guzman, can I visit her?" mahinahong tanong niya.

Hindi sumagut si ser ngunit nanatili itong nakatitig sa kanya.

"I-I want to see her, sir " dagdag pa ni Mikael.

"The hell you ,Mikael!" sigaw ni Cathy ngunit hindi siya pinansin nito.

"Of course, you can," si ser.

What???

" Thank you ser" nakangiting sagut ni Mikael.

Hindi ko alam pero hindi ko nagustuhan ang pagpayag niyon ni ser sa pakiusap ni Mikael. Ako, si Cathy at maging si Mr. Fabrigar at Mr. Villionez ay hindi magawang magsalita.

"Beirge Medical Hospital. Doon siya naka confine." dagdag pa ni ser.

What the hell??

Tumango si Mikael at akma na sanang umalis ng pigilan ko siya sa braso.

"Hindi ka pwedeng pumunta doon!" sigaw ko sa kanya. " Ayusin mo muna ang gusot na pinasukan mo ,Mikael! Nandito ang fiance mo for heaven's sake!" dagdag ko pa.

Ngunit sinulyapan lang niya si Cathy na ngayon ay umuusok na ang ilong sa galit at pagkuway bumaling sa akin.

"I need to see her first." pagkasabi niya nun ay hinigit niya ang kanyang braso at walang lingong tinalikuran kami.

"Mikael!!!" tawag ni Mr. Villionez.
" I'll follow him . Excuse me. " paalam niya sa amin at nagmamadaling sumunod sa anak.

* ehem

Tumikhim si Mr. Guzman kung kaya't nabaling sa kanya ang atensyon namin.

"We'll talk about your daughter's case later. My decision will defend on my daughter's condition. " wika ni Mr. Guzman kay Mr. Fabrigar.

Should I Say Goodbye??Where stories live. Discover now