CATHY'S POV
FLASHBACK
Galing sa restaurant na yun ay agad akong sumakay sa sasakyan ko at pumunta sa bar kung saan nandoon ang mga kaibigan kong si Alexa.
"Oh, what brought you here ,darling?" mapupungay na bungad sakin ni Alexa na may hawak pang alak.
"I need a drink!" sagut ko at kinuha ang isang botelya ng alak at tinungga iyon.
"Ohhh! Dahan- dahan lang. Hahaha" saway sakin ni Alexa.
" Gusto kong maglasing!"
"Bakit ba? May problema na naman ba? "
Hindi ko siya sinagut. Tinignan ko lang siya na agad naman niyang nakuha.
"Psh! Halika nga, upo muna tayo doon. Nandoon din sina Josh. " yaya niya sa akin sa isang table.
Pagdating namin dun ay nandoon nga ang mga male friends namin na may kanya- kanya ng babaing pinopormahan.
"Ohh, Cathy! Long time no see ,!" nakangising wika ni Josh habang humahagud sa dede ng babaing subra pa sa linta kung makakapit sa kanya.
"I just need a drink!" taray kong sagut at saka naupo sa tabi ni Alexa at muling uminom ng alak.
"Tungkol ba kay Mikael iyan?" tanong sa akin ni Alexa.
Si Alexa ang matalik kong kaibigan. Siya ang lagi kong kasama sa lahat ng gala. Tambayan namin ang bar na ito, at dito din namin nakilala sina Josh, Jake at Jasper. The triple J kumbaga. At dahil sa palagi kaming naka tambay dito ni Alexa ay naging close friends narin namin ang tatlo. Kami lang ni Alexa ang hindi nila nagawang ikama dahil nga takot sa mga magulang namin. Kilala kami ni Alexa na anak ng mga mayayamang tao sa Manila kaya naman kahit gustong- gusto ng mga ito na ikama kami ay hindi nila magawa. Ikaw ba naman putulan ng ulo at isabit sa puno ng mangga? Hindi ka ba matatakot?
"Oh, Cathy, you're here!" bulalas ni Jasper at lumapit sa akin sabay halik sa labi ko.
Ganito kami. Friends with benefits, pero hanggang halik lang.
"Badmood ka siguro nuh?" dagdag pa niya matapos niya akong halikan.
Hindi ko sila sinagut. Nagtuloy- tuloy lang ako sa pag inom.
"Where's Jake?" mayamaya ay tanong ko.
"Ayon, naka check in na,hahaha" nakangising sagut naman ni Jasper habang naupo sa tabi ko.
"Tungkol na naman ba yan kay Mikael ha,darling?" tanong naman ni Alexa.
Malakas akong bumuntung hininga.
"Meron pa bang iba?" mataray kong tanong.
"Psh! Diba, ikakasal na kayo?" takang tanong niya ulit.
"Oo nga! Kaso may umepal!"
"Huh? Sino?" halos magkasabay silang tatlo ng itanong iyan.
Isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko ang samahan namin dahil bawat isa sa min ay may pakialam sa bawat isa at handang tumulong kung kinakailangan.
"May.... May girlfriend siyang iba," sagut ko at tinunggang muli ang alak. " Niloko ako ni,Mikael! May iba siyang girlfriend!" galit kong sigaw.
"Oh, chilax lang! " wika ni Jasper habang hinihimas ang likod ko. " Sino ba yang babae na yan ha?" tanong pa niya.
Kaya naman nilingon ko siya at tinitigan.
" Anak siya ng isang kilalang tao sa Pilipinas. Ang nag iisang anak ni Mr. Roberto Guzman. " sagut ko.
YOU ARE READING
Should I Say Goodbye??
RomanceLove always matter . Whatever it takes as long as you love that person, you will fight for her/him. But what if that love is forbidden? What should it be done to prove that forbidden love is sometimes needed to unforbid and just lived in it?? Are yo...