Chapter 3

74 1 0
                                    

Pumunta ako sa kusina namin para kumuha ng eco bag, tinignan ko din ang mga pwede dalhin at makuha. Gulay, chicken, beef..hmmm ano pa ba? Ah basta gagawa nalang ako ng pagkain mula sa makukuha ko dito! Aba swerte niya ah!

Wag siyang choosy!

Dahan-dahan ako lumabas ng mansion, chamba na wala ako nakasalamuha sa bahay. Mukhang wala din si Berting ah! Inilagay ko ang kaliwang paa ko sa apakan ng kabayo at sumampa agad kay Hox... medyo nagingay siya ng konti "Shhhh wag ka maingay....goodboy" hinimas-himas ko muna ang ulo niya hangang sa maging kalamado siya at unti-unti, pinatakbo ko si Hox.

"Hoh..." hinila ko ang tali at tumabok na siya ng mabilis. Medyo binagalan ko na ng konti ng natanaw ko malapit na ako makarating sa bahay niya.

Bumaba na ako sa kabayo at itinali si Hox "Dyan ka lang ah, mamaya may reward ka" hinimas ko ang kabayo "Very Good boy!"

Nagsimula na ako bumaba sa maputik na daan kasabay non dala ko ang mabigat na eco bag. Anong pasakit ba to? Tsk! Nagiingat na rin ako, baka mamaya madulas nanaman ako sa kumunoy, teka ayaw niya ba ipagawa to? I rolled my eyes wala naman siyang pera pampaayos nito, remember tauhan lang siya ni Lolo?!

Should I tell lolo this? Nah! Sabi niya wag, mamaya di niya pa lalo ibigay sa akin ung kwintas!

Little steps ang ginawa ko and sa huling hakbang finally....narating ko na ang destinasyon, sa wakas!

Well nasa gitna kasi ng forest ang bahay niya kaya medyo hindi toxic ang paligid, ramdam mo ung nature at presko na hangin. Sa totoo lang, siya lang naman ung toxic eh!  Actually gusto ko din tumira sa mga ganito. Hingiin ko kaya kay lolo? or kung hindi man amin ang lupa na to ipabili ko nalang kaya to kay lolo? para gawing bahay bakasyunan ko? hihi kaso naiisip ko magiging homeless ang tao na to, well papagawan ko nalang siya ng maliit na kubo sa tabi para maging bahay niya. I think okay lang yon, may bahay ako tapos may utusan at security guard pa ako hihi.

Teka ano ba tong iniisip ko...

Kumatok na ako ng malakas sa pintuan niya at presko niya binuksan ang pintuan. Tamad siyang nakatingin sa akin halatang kakagising lang.

Medyo napaatras ako ng konti dahil ngayon ko lang siya nakitang nakalugay ang buhok niya. Umayos ako ng postura.

"Andito na po ako, Young Master" yumuko ako at nagbow, in sarcastic way ng pangaasar sa kanya. Nagbigay daan siya sa akin papasok, sinabayan ko na rin ng irap at nilagpasan. Mula sa labas hangang sa pagpasok makikita mo na medyo maluwag siya sa gamit and space at mahilig din siya sa color blue, black and white. Tinignan ko din ang sala niya, infernes maganda ang pagkakagawa, kinatok ko ang pader na kahoy at mukhang gawa to sa mataas na uri ng puno.

"Wow..di ka late" sinabi niya iyon habang naglalakad ako papasok. Kaya humarap ako sa may banda niya at ngayon nakasandal siya sa bandang pintuan.

"Baka po magalit kayo eh" well infernes kahit nasa gitna ng forest ang bahay niya medyo bago ang interior nito at maganda ang pagkakadivide, sino ang architect nito? Pero ayoko muna siyang tanungin...baka magfeeling eh mahirap na!

"Asan ung ref mo?" itinuro niya ang kabilang side kung asan ang kitchen. Binaba ko ang mga ingredients ng bigla niyang hinawakan ang eco bag.

"Siguro may karapatan naman ako malaman ang pangalan mo?" ramdam ko lumapit siya, hindi ko nalang pinansin at kinuha ang kutchilyo at iilang plato.

"Kung ikaw lang din ang makakaalam..wag nalang." medyo na ubo siya, fake cough!

"Okay...kung ayaw mo sabihin fine. Dahil amo mo ako...kailangan atleast alam mo pangalan ko right? Pwede mo ako tawagin..Sky" tumango ako at di na kumibo pa. Sky? as in langit? Ang pangit naman ng pangalan niya pag tinagalog.

I love you, FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon