Tumingin ako sa naglalakihan lupain sa bayan ng San Benito pagkatapos ay kinuhanan letrato ito. Alam ko lang ay may hacienda kami rito sa San Benito at Lolo Ismael ang namamahala.
Tinatanong niyo ba ako kung bakit napapad rito? Well magbabakasyon lang naman dahil ang aking mga magulang ay pupunta ng America para sa negosyo.
And It's summer time! Beaches and waves...Here I come!
Tinignan ko ang labas at mukhang maganda ang magiging bakasyon ko. Mula maynila ang biyahe ay 12 hours medyo matagal nga lang.
Huling punta ko dito 7 years ago..medyo wala na ako matandaan dahil bata pa ako.
Si Raffy at Betong ang driver ko ngayon at si Aling Nena, sila ang kasama ko dito sa Fortuner, papunta sa Hacienda La Questa.
Mula bayan mahigit isang oras pa ang biyahe sa hacienda La Questa! Whew! Ang layo!
Binuksan ko ang cellphone ko at nagtipa kay Rebecca.
Me: Malayo pa ako, ang sakit ng pwet ko gosh!
Reb: Enjoyin mo lang yan! Remember pagbalik mo rito baka mamiss mo yan!
Me: Duh! Parang hindi naman! dapat pala nag-Japan or sumama nalang ako kela mom sa America.
Reb: Di ba sawa ka na? Tsaka di ba namiss mo ang lolo mo?
Me: Yeah...pero...
Reb: No but's!
Huling kita ko sa reply niya at hindi ko na nareplyan pa dahil nakatulog na ako.
Nagising ako dahil sa busina ng Fortuner at nakita sa paligid....gabi na pala! Nakaharap kami sa malaking arco ng mga La Questa. Malaki ang gate at mukhang wala sino man ang makakalusot.
Medyo hightech din ito. Automatic nagbubukas. Ngumiti ang limang gwardiya na ngbabantay sa gate at pinapasok na kami.
Mula gate mga 15 minutes pa ang biyahe! May gosh! Ang sakit na ng likod ko. Ganto kalayo ang gate ni lolo? Seriously!?
Sa susunod I'll take airplane na!
"Mam Althea andito na po tayo" tumigil ang sasakyan, binuksan ang pintuan at bumaba na. I stand firm and itinaas ang wayfarers ko. Nice place huh!
"Thea!" Isang matandang babae ang sumalubong sa akin. Sa pagkakatanda ko patay na si Lola?
Who is she?
Agad niya ako niyakap ng mahigpit. Uhm medyo nagulat lang at pagtataka sa aking mukha kung sino ba siya?
Hinawakan niya ang mukha ko and I awkwardly smiled at her? Hmm...
Isang lalaking matanda ulit ang lumabas sa bahay, I thinks it's my lolo Ismael!
"Lo!" I shout with my lungs! Humiwalay sa babaeng nakayakap sa akin. Agad ako tumakbo at niyakap siya sa kanyang kinatatayuan.
"I miss you lolo, bakit hindi ka na bumibisita sa Manila?" Nakapout kong sabi.
"Apo, masyado mausok doon at masaya ako dito" lumayo ako ng konti at nagmano. Hinila niya ang kamay ko at sinubukan hatakin.
"Siya nga pala si Belinda" agad ako napatingin sa babaeng kaharap namin ni lolo. Siya ang asawa ni lolo? Nagpakasal ba sila? We're not even invited? Oh my gosh!
"Nagpakasal po kayo?" Tanong ko sa kanya at mukhang nagkatinginan sila. Tinawaan nila ako.
"Masyado na kami matanda para sa ganyan" tumawa ulit ang mga matanda.
Dahil buong summer break andito lang ako mukhang magiging mahaba ang bakasyon ko. Mageenjoy kaya ako?
Inihatid ako sa magiging kwarto ko. Malaki ito katulad ng mansyon namin sa Manila pero mas maaliwalas at mas luma lang ang gamit.
BINABASA MO ANG
I love you, First
RomanceAng pagibig ay parang sugal, handang pumusta sa laban kahit na walang kasiguraduhan.