Ibinaba niya ako at niyakap.
"I'm happy...." he said. Niyakap ko din siya ng mahigpit.
"Masyado bang mabilis?" Tanong ko at umiling siya.
"For us, walang oras ang madidikta as long na magkasama tayo" he kissed my forhead.
"So pwede ko ng hawakan ang kamay mo?" He asked. Tumango ako.
"Gusto mo magsagwan?" Itinuro niya ang bangka.Tumango ako at sumama sakanya.
Halos mamula ako dahil magkahawak kami ng kamay. Totoo ba to?
"Alam mo ba maganda dito pag-gabi" medyo pa hapon na kasi..nagsasagwan na siya papuntang gitna.
"Anong pinagkaiba naman non?"
"Maganda dito...pagabi dahil marami alitatap. Pinaniwalaan na kapag andito ang minamahal mo magkakasama kayo ng walang hangan" I chuckled. Ang oldish naman nitong probinsyanong to.
"Hindi ka ba natutuwa?" Sambit ko. Tumigil siya sa pagsagwan at nagstay kami dito sa gitna.
Nagkatitigan kami at hinawakan niya ang magkabilang side ko at muli ako hinalikan. Iniyakap ko din siya.
Compare kanina....mas aggressive to. Bumitiw siya ng halik. Magkapatong ang dalawang noo namin.
"Sorry hindi ko mapigilan, lalo na.....alam ko ang nararamdaman mo" hinalikan niya ang noo ko at bumalik sa kinauupuan.
Bilang ganti ako din...pumunta sa harap niya ulit at hinalikan ang tengga niya...ang soft spot niya.
Medyo namula siya.
"Paano mo nalaman?"
"I have my ways Sky...." tahimik kami nagsagwan at nagkwentuhan about sa San Benito pero never namin na open up ang pamilya niya, miski ang pamilya ko. Siguro....in time?
"Paano kung isang araw mawala ako, matatangap mo ba?" A random question from him.
"Ano bang sinasabi mo Sky?" Winisikan ko siya ng tubig. Ang weird ng tanong niya.
"Althea!!!" Binasa ko ulit siya ng tubig.
"Hahaha masyado kang seryoso Sky, tsaka mawawala? Please....alam kong hindi mangyayari yun! Nandito ka lang naman sa San Benito, everytime kapag namimiss kita pwede kita puntahan!" Yun ang plano ko. Pupuntahan ko siya tuwing Friday and Sunday .... yun ang magiging setup namin!
Since kailangan kong pumunta ng Maynila para sa pasukan.
"Pero nakakapagod yon....." umiling ako.
"Hindi yun nakakapagod kasi alam kong worth it naman lahat ng ito! Di ba hihintayin mo ako?" I assumed. Hindi siya kumibo....pero winisikan niya ako ng tubig ulit!
Natapos na kami magsagwan at magkahawak kamay kami.
"Pwede.....wag ko muna ipaalam sa mga kaibigan ko...lalo na gusto ka ni Bekah" tumigil kami at inayos niya robe at buhok ko.
"Oo naman....susundin ko ang gusto ni Althea"
Nauna ako bumalik sa Nippa Hut at tumayo si Bailey..... nagtetext ngayon si Stan na nakatingin sa amin.
"Uy nagaway daw kayo ni Sky? San siya nagpunta?"
"Hindi ko alam...." kakarating lang ni Bekah at hinanap si Sky.
"Uy nagaway daw kayo kanina dahil sa paghuhugas ng pinggan. Nasaan si Sky?"
"Hindi ko alam, after namin magusap nagpahangin lang ako"

BINABASA MO ANG
I love you, First
RomanceAng pagibig ay parang sugal, handang pumusta sa laban kahit na walang kasiguraduhan.