Naghanda na kami ng mga dadalhin. Nasa kwarto ko ngayon ang mga babae, manghihiram sila ng mga bikinis.
May mga di pa kasi ako nagagamit.
"Magugustuhan niya kaya to? What do you think girls?" Bekah says.
Isang two piece swimsuit na neon color green ang itinaas niya.
"Yup, baka lumuwa ang mata ni Sky" Aria said while choosing some bikinis too.
Habang ako isang dark one piece with shorts ang kaya kong suotin.
"Why so manang Ashley?" Hinawakan ni Pauline ang shorts na hawak ako.
"Conservative ako!"
"Nuh-ah" kinuha niya ang shorts at itinapon sa kung saan.
"Alam mo girl, dapat nagsusuot ka atleast ganito! Hindi habang buhay ganyan ang katawan mo! Kaya enjoyin mo yan!" Singit ni Bekah
"She is right! Maganda naman ang katawan mo!" Singit naman ni Aria.
"Can I borrow this?" Itinaas ni Pauline ang isang beach kimono.
Tumango ako.
"Common! Tayo-tayo lang yon! Since Nakareserve na yon sa atin right?" Aria said again. I sighed at tumingin sa kanila.
"Okay! No more shorts!" Sabaysabay nila sabi.
At wala ako nagawa.
Nakashorts ako na maong at onepiece swimsuit na.
Pumunta na kami sa may falls at hindi ko pa din nakikita si Sky? Asan yon?
"Malalate si Sky guys!" Sambit ni Bekah nagiihaw.
"Pwede bang wag na dumating yon?" Binato ni Aria si Bailey!
"Siraulo!" I laughed at them. Tumabi sa akin si Stan na may daladalang kahoy.
"Ayan ngumingiti ka na"
Nagsisibak siya ng kahoy.
"Bakit mukha ba ako malungkot?" Humarap siya sa akin.
"Nung nasa Manila ka parang ang bigat ng pakiramdam mo pero nung nandito ka sa probinsya mo naging maaliwas ang mukha mo"
"Talaga ba?" Tumango siya.
Nangati bigla ang mukha ko kaya nakamot ko ito ng bigla niya hinawakan at pinigilan.
"Wag...kakalat ang dumi sa mukha mo" nilabas niya ang panyo. Bilang si Stan ay malinis sa katawan lagi siya may dalang panyo at alchohol.
Yun ang bagay na di mawawala sa kanya.
"Ako na, lalo kang magiging taong grassa" I chuckled.
Tinatangal niya ang dumi sa mukha ko ng narinig ko ang tawag ni Bekah.
"Sky!!" Mapapalingon sana ako ng hinila ni Stan ang mukha ko pabalik sa kanya.
"Saglit nalang...ayan" nginitian ko siya.
"Salamat...Stan!" Humarap na ako sa seryosong mukha ni Sky, babatiin ko sana siya ngunit nilagpasan niya lamang ako. Hinabol siya ni Bekah at ikinawit ang dalawang kamay niya sa braso.
Don't tell me...you like her Sky?
"Huy!" Pangugulat sa akin ni Aria.
"O?" Bumalik ako sa pagiihaw.
"Nagseselos ka ba?" Tumingin ako kay Aria.
"Sira! Bakit naman?"
"Syempre....friends kayo di ba nung Sky tapos ngayon kasama na siya ni Bekah"
BINABASA MO ANG
I love you, First
RomanceAng pagibig ay parang sugal, handang pumusta sa laban kahit na walang kasiguraduhan.