Pumikit ako at huminga nang malalim, isang beses ko lang siya pagbibigyan. Tumango ako at hinatak na niya ako palapit sa kanya.
"Malapit masyado!" binitawan ko ang kamay niya at pumunta na sa hapag kainan. Tinignan ko siya maiigi ngayon na parang walang nangyari.
Sino kaya ung lalaki na yon? Pananagutan niya ang kapatid nung gumulpi sa kanya? Umiling ako at kumaen nalang.
"Hindi mo ba itatanong ung nangyari kanina?" Halos masamid ako sa tanong. Agad ako kumuha ng tubig at ininom iyon.
"Ayos ka lang ba?" Nag-thumbs up at naghand gesture na ituloy niya lang ang kwento.
"Sinira ko ang pangarap ng kapatid niya, sa sobrang guilty ko hindi na ako nagpakita sa kanya"
"Ex-girlfriend mo ba ang kapatid niya?" Tumango siya.
"Tapos nawalan na kami ng communication, sa totoo lang ngayon ko lang nakita ulit si Clyde, hindi ko ineexpect na ganito ang sasalubong niya sa akin"
"Ano ba kasi ang ginawa mo?" Tumingin siya sa akin ng seryoso. Nagkaroon ng malalim na katahimikan.
As in super tahimik...
"Masyado kanang madami alam " siya itong nagopen tapos siya ang magsasabi madami na ako alam?
Tumayo na siya at inilagay ang kainan sa lababo.
"Bukas hihintayin kita ulit"hindi ko na siya hinarap pa.
Tumalikod na ako at umalis doon.
For today, masyado ng marami nangyari kaya minabuti ko wag ng kulitin pa siya. Pero napa-isip ako..,,ibig sabihin may anak nga siya? Nasa may taas na ako ng burol at tumingin muli sa huling pagkakataon sa bahay niya...pagnakuha ko talaga ung kwintas di na ako magpapakita sa kanya.
Nasa mansion na ako at binigyan ng pagkaen si Hox dahil naging mabaet siya. "Masarap ba?" hindi siya nagsalita at busy kumaen. Parehas kayo ni Sky pagkausap ko, Tsk.
Pumasok na ako sa mansion ng dumating si Frida na naglalampaso ng sahig.
"Goodevening po Ms. Althea.." yumuko siya at palagpas na sana ako ng may naaalala ako itanong.
"Si Lolo?"
"Wala pa po, nakipagpulong po sa mga La Questa"
"Who they are? I mean sino ang mga taga La Questa?"
"Ah sila po ang namumunong angkan dito sa San Benito, sila po kasi ang napili suportahan ng lolo niyo sa darating na eleksyon"
"Uh...san sila nakatira banda?"
"Po?"
"Nevermind" tumalikod na ako at umakyat. Pumunta ako sa computer ko at sinearch ang apelidong LaQuesta ng San Benito.
According dito matagal na sila namumuno sa San Benito! as in 25 years! So madaling sabihin na they are Political dynasty? Tama ba?
I got my chips and chew it, mukhang di sila kainterisado.
Kinausap ko nalang ang bestfriend kong si Rebecca.
Me: Hey!
Reb: Zup? Musta ang probinsyana?
Me: Well, okay lang. May ikwekwento ako pagbalik!!
Reb: Excited ka na ba sa darating na pasukan?
Me: Oo naman, college na tayo, new environment tsaka new beginning.
Reb: Ako boys lang naman ang gusto ko. Kakabreak ko lang kay Mark, medyo possesive ayoko sa ganoon di ba? By the way...bukas nalang ulit, I need to finish my Kdrama episode! Kailangan sulitin!
BINABASA MO ANG
I love you, First
RomanceAng pagibig ay parang sugal, handang pumusta sa laban kahit na walang kasiguraduhan.