Agad ko siyang tinadyakan at sinapak. Nawalan siya ng malay! Oh may gosh!
Hinatak ko siya sa dulo ng pampang at agad na umalis sa lawa. Sa huling tingin tinignan ko ang mukha niya.
Mukhang yari ako!
Hinatak ko agad si Hox at sinakyan ko ito. Anong idadahilan ko kay lolo kung makita niya ako ganito?
Bahala na!
Dumating ako nagaabang si Berto at mukhang nagtataka kung bakit basang-basa ako.
Agad ako tumakbo sa kwarto at buti nalang si Aling Berta lang ang nakakita sa akin. Nakarinig ako ng katok.
"Mam..." nagbathrobe na ako at nagpainit ng bathub.
Binuksan ko ang pintuan at tinitignan ako mula ulo hangang paa.
"Yes?" Mukhang nagtataka pa siya sa mga basa sa labas. Pero di na siya nagtanong pa at ibinigay ang mainiit na gatas.
"Ito po mam, mainit na gatas" I smiled at her. "Thank you manang Berta" sinarado ko ang pintuan at inilagay sa table ang gatas.
Hinubad ko ang roba at dumiretcho sa C.R.
Agad ako nabahing dahil nalamigan ako kanina! Siraulong lalake yon!
Pinikit ko ang mata ko hangang sa naramdaman ko mahimbing na ako natutulog.
"Wag mo siya ibigay, parang awa niyo na po" pagmamakaawa ng batang lalake sa kanyang nanay? Sino sila?
Lumapit ako at agad na tumakbo ang batang lalaki, aabutin niya sana ako kaso may humatak sa akin.
"Wag niyo po siya ilayo! Parang awa niyo na!" Agad ako napabalikwas ng bangon. Oh may gosh, kamuntik na yun.
Umalis na ako sa bathtub at natulog na ng tuluyan.
Kinabukasan sa hacienda lang ako nagikot-ikot. Well infernes ang laki ng lupain ni lolo.
"Apo!" Agad na sumalubong sa kin si Lolo at mukhang may pinuntahan siyang importante. Nakaamericana at nakapomada, pormal na pormal ang itchura.
Agad ako nagmano sa kanya, at sumabay sa kanyang lakad.
"Nageenjoy ka ba Apo?" Tumango ako. May inabot siyang imbitasyon.
"May imbitasyon tayo galing sa governor ng San Benito bilang isa sa mga angkan na nagaangkat ng kopra, maiisan at iba't ibang tanim. Matagal na may ugnayan ang pamilya natin, gusto ko sana samahan mo ako para makilala mo din sila" Tumango ako pero nacurios ako nasan si Tita? "Alam ko magtatanong ka kung bakit hindi ko siya kasama at isasama? Well hindi pwede eh, may rason ang mga matatanda" ngumiti si lolo at tinapik ang braso ko.
Nang hapon napagpasyahan ni manang Berta na pumunta sa bayan, dahil medyo nabobored ako...sumama na din ako.
May nainisip ako!
Kinuha ko ang isang maleta ko na simple dress lang, at medyo malinis ito tignan at di mo aakalain na may damit akong ganito! Tinali ko ang buhok at nilagyan ng panyo.

BINABASA MO ANG
I love you, First
RomanceAng pagibig ay parang sugal, handang pumusta sa laban kahit na walang kasiguraduhan.