Iniaabot na niya sa akin ito.
"Salamat, makakaalis ka na" agad siya humiga at nagtakip ng kumot.
"Sky!" Pero hindi niya ako pinansin.
Nagluto ako at nagiwan ng pagkaen sa table niya.
Tinignan ko ang bahay niya sa huli pagkakataon, mukhang mamimiss ko tong bahay na to...
Pagkabalik ko sa hacienda para ako lutang. Umupo ako sa may sala para isipin ang mga nangyari sa amin kanina ng narinig ko ang boses ni Rebecca.
"Althea!"
Agad siya tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.
"Nako ang probinsya natin hiyang ah!" Lumapit sa akin si Pauline at iniaabot ang shades sa akin.
"So, ano let's pasyal na?" Sabi ni Pauline.
Sa unang araw nagstay lang kami sa bahay, naglaro, swimming at nagbarbeque party.
"Truth or dare!" Singit ni Pau.
"Ano ba yan masyado pabebe" binato ni Bailey si Stan.
"Bat mo ako binato ng popcorn?" At ayun di na nga natuloy ang truth or dare. Nagbatuhan nalang kami.
Kinabukasan dinala ko sila sa parke kung saan ako dinala ni Clyde.
"Naks naman! Hey picturan ko kayo ni Bailey!!" Yakag sa akin ni Pauline. Medyo awkward kasi nanligaw sa akin si Bailey at hindi ko nasuklian pagibig niya at nanatili nalang kami magkaibigan, alam ko rin naman na may iba na siya nililigawan pero awkward parin.
Tumango at punta sa gilid niya. Inilapait niya ako at hinawakan sa shoulders.
"Hayaan na natin sila, sakyan nalang natin. Alam naman natin wala naman" ngiti siya. Tumango ako, tama siya kaibigan ko siya at walang malisya!
Hinatak ako ni Rebecca sa isang furniture store!
"Wow! Ang ganda naman dito" umikot kami sa loob non hangang sa may napansin ako. Isang Mama Mary na nakaukit. Hinawakan ko iyon at gusto kong bilhin.
"Gusto mo bilhin?" Tanong sa akin ni Stan. Tumango ako."Pero nagaalangan ka? Bakit?"
"Hindi naman, wala naman ako pagbibigyan" ngiti ko sa kanya. Umiling siya.
"Liar, bilhin mo na yan. Baka mawala pa yan" umalis na siya sa harap ko.
Nakatigin pa din ako kay Mama mary ng may biglang nagsalita sa gilid ko.
"Nagiisa nalang yan" sabi ni Manong. "Gawa yan ng estudyante ko, gusto ko sanang itago kaso sabi niya mas may karapat dapat daw ang mayari nito. Iyong bata talagang iyon" ngumiti ako sa kanya at inilagay ulit sa shelf.
"Pagiisipan ko po muna" tumango siya.
Pumunta kami sa isang kainan.
"Mukhang masarap dito?" Sabi ni Pauline, tumango ako.
"Teka asan si Rebecca?"
"Ah...may binili? Kasama ata si Bailey!" Nagsimula na kami umorder ng biglang nagsisitakbo si Rebecca!
Umiling-ilang naman tong si Bailey.
"Anong nangyari?" Tanong ni Pauline.
"Sheez may nakita ako prince charming! He saved me!!!!!"
"Si Bailey ba?" Tumingin si Rebecca sa banda ni Bailey at inirapan niya yon, medyo natawa ako doon!
"As if! Tsk!"sabay hampas ng buhok ni Rebecca.
BINABASA MO ANG
I love you, First
RomansaAng pagibig ay parang sugal, handang pumusta sa laban kahit na walang kasiguraduhan.