Akala ko di na ako makakaalis doon. This is the day na di ko siya makikita!
Yes! Ano to parang dayoff lang?
Anyway hinanda ko na ang gown ko, hindi naman masyado revealing pero pa balloon type siya na gown, fitted siya sa taas at medyo malaki pababa. Naka semi tube ako pangtaas.
Faded Blue to White color theme ng gown ko.Sinimulan na ako i-makeup, medyo light lang inilagay sa akin para di daw masyado mag mature ang look ko. Inayos rin na ang buhok ko na parang princessa at nilagyan ng konting glitters sa bandang collarbone ko, lastly pinkish lipstick ang nilagay sa akin...viola tapos na.
"Ang ganda mo Althea!" halos inabot kami ng dalawang oras para maachieve ang ganitong itchura!
"Syempre maganda ang lahi namin!" sabi ko sa mga nagaayos sa akin. Kinuha ko ang Channel perfume for final touch.
Pagkababa ko sinalubong ako ni Lolo"Aba'y ang ganda ng apo ko ah!"
"Syempre Lo, maganda ang lahi natin!""Oo naman!Tiyak madami titingin sayo at matutula. Tara na maraming bisita na ang nandoon"
Pumasok ako sa Fortuner namin at nagsimula na iyon umandar paalis ng hacienda. Mula sa amin mga 30 minutes halos ang layo sa hacienda. Nakita ko na ang arco sa gate ng Hacienda de LaQuesta, ito ang sinosoportahan ni lolo?
Eto ba yun?
"Apo.." ngumiti ako at bumaba na palakad sa isang function room sa loob ng hacienda. Madaming tao at puro reporter ang sumalubong sa amin. Ngumiti lang ako kasabay si lolo.
"Totoo po bang mga LaQuesta ulit ang napili niyong suportahan sa susunod na eleksyon?" tanong ng isang reporter at tinawanan lang ni lolo.Pagkatapos ay tinapik niya lang ang braso nito at nagpatuloy na kami sa loob ng function room.
"Don Ismael!" bungad ng isang lalaki.
"Don Ramil" agad sila nagkamayan at nagbatian."Oh sino naman to magandang dilag na katabi mo?" tanong ng katabing babae ni Don Ramil.
"Ang kaisa-isa kong apo galing Maynila, si Althea...batiin mo sila...Apo"
"Good Evening po" agad ako hinatak ng may edad na babae para makipagbeso. Which is hindi ako sanay lalo na... kakakilala lang namin.
Halos kinilatis ko siya mula ulo hangang baba, sumisigaw ang karangyaan sa kanya. Mayroon siya latest collection from Limited edition ng Tiffany & Co bracelet at new collection dress ni Alexander Wang na nakita ko sa magazine last month. Hindi nga basta ang yaman nila dahil may suot pa siyang diamond earring and necklace na galing sa Cartier na kakarelease lang nila last 3 weeks ago.
"You can call me Tita Francheska and you can call him Tito Ramil" ngumiti ang matandang babaeng nasa harap ko. Nginitian ko din ulit si Tita Francheska.
"Oh! by the way andito ang mga anak ko kaso nawawala sila sayang papakilala ko sana. Anyway enjoy the party first, maybe later pwede ko silang iintroduce sa inyo, especially kay Queenie""Thank you po!" I smiled again. Binulungan ko muna si lolo na kukuha ako ng drinks dahil nakikipagusap pa siya kay Don Ramil.
Tumango naman si lolo at tumayo na ako sa table, mukhang sa labas ng catering drinks? Naglakad pa ulit ako sa labas ng hallway at kumuha na ako ng juice ng may napansin na parang may sumusunod sa akin? Agad ako napatigil ng may napansin ako shadow, napalunok ako.
Biglang may lumitaw na pusang gala. Ano ba yan akala ko naman kung ano! at bumalik na sa venue.
Dumaan na ang ilang oras medyo naging boring ang program, puro plataporma sa susunod na eleksyon ang naging topic. Lumabas ulit ako ng may tao ako pamilya na nakita, at walang iba kung hindi si Sky!Lumapit ako sa kanya at may hawak siyang tray. Medyo nagulat din siya napatingin sa akin. Nginitian ko siya, hindi pa rin siya nagsasalita at seryoso nakatingin sa akin.
Sa ayos niya mukhang nagtratrabaho siya dito.
"Ikaw pala, nagwawaiter ka?" ngumisi siya at lumapit sa mukha ko.
"Ano sa tingin mo?" tanong niya.
"Sky! I-serve mo na ang mga drinks sa labas!" agad siya tumalikod at umalis. Medyo na shock ako ng konti...nagtratrabaho siya sa mga La-Questa? Akala ko sa amin!Pabalik na ako sa venue ng tinawag niya ang pangalan ko.
"Busy ka ba?"humarap ako sa kanya. Mukhang di na magiging boring ang araw ko! Umiling ako.
"Breaktime ko ngayon, gusto mo pumunta sa baba?" maganda idea yon! tumango ako bilang pagsangayon.
Nakaputing longsleeve siya ngayon at nakabukas ang unang dalawang polo niya. Inalis niya din ang bow tie niya. Typical Sky! Ang pinagkaiba nakapamada siya ng buhok! At kita sa profile niya ang kinang ng earrings niya!
Damn..bakit ko ba siya tinitignan? Buti nalang di niya napansin iyon...kung hindi aasarin nanaman niya ako!
Naglakad-lakad kami sa may garden hangang sa naupo kami sa bakanteng ugar.
"Medyo sumakit ang paa ko kakalakad" reklamo ko at tumawa siya.
"Anong nakakatawa?" tanong ko.
"Wala lang, katulong kita tapos ngayon princessa ka sa harap ko" sinuntok ko ang braso niya.
"Gusto mo matamaan!?" sagot ko sa kanya. Bigla nalang niya hinawakan ang kamay at yumuko sa harap ko. Napatingin ako sa kanya, ung lakas ng tibok ng puso ko..nagsisimula nanaman umandar!
Parang nagwawala lahat ng kulisap ko sa tyan! Masama to! Napatingin ako sa kanyang mga mata...ang mga magagandang mata niya na masasabi ko na hypnotize na ata ako! Bumalik lang ako sa huwisyo ng hinalikan niya ang kamay ko.
Pagbalik ko sa Manila, magpapacheck ako!
"Maari ko ba masayaw ang magandang binibini sa harap ko?"siguro kung di lang madilim, tiyak namumula na ang mukha ko! Nagsimula na kasi ang sayawan sa loob ng function room, hangang dito naririnig kasi ung music.
He chuckled! medyo napayuko siya! Anong nakakatawa?
"Bakit ka tumatawa?"
"Sineryoso mo ba?" Nangaasar nanaman siya! Di ko alam pero sa sobrang inis ko agad ko siya tinulak, binitawan ko ang kanyang kamay. Tumayo na ako at papasok na sa loob ng hinawakan niya muli ang kamay ko.
"Bitiw!" inis sabi ko sa kanya. Imbis na binitawan hinatak niya ako papunta sa kanya. Hinawakan ng kanan niyang kamay ang aking bewang at hinwakan ng kaliwa niyang kamay ang kanang kamay ko.
"Ang ganda mo ngayon, yun ang totoo" nag umpisa na kami magsayaw ng waltz kasabay ng tunog sa loob ng venue.
"Baka matapakan kita" sabi ko sa kanya.
"Sumunod ka lang sa akin" at nagsimula na nga kami sumayaw.
Nakatingin lang ako sa kanya, ganoon din siya. Naiirita ako kasi bigla nanaman lumakas ang tibok ng puso ko. Mabagal ang kanta kaya mabagal din ang steps. Nakatingin siya sa akin kaya agad ako nagiwas ng tingin. Oo aaminin ko ang gwapo niya tignan ngayon kahit naka white longsleeves lang siya na attire.
Para siyang isa sa mga attendees ng party! Ang galing din niya sumayaw!
Tumingin ako sa kanya muli, at nakatingin pa din siya sa akin! walang nagsasalita pa rin sa amin, hindi ako sanay! Uhm...medyo awkward na rin kasi ang tahimik eh, kailangan ko basagin ang katahimikan!
"Pwede magtanong.."nakatingin na muli ako sa kanya ngayon....ganon din siya sa akin. Nakangiti siya ngayon sa harap ko, na bihira ko lang makita minsan kasi para siyang tamad na nakatingin sa akin.
"Kamusta na ang mga anak mo?" halos napatigil kami sa pagsasayaw at na tawa siya sa sinabi ko. Inisang-ikot niya pa ako at hinawakan ako sa may bandang bewang.
"Saan mo naman nakuha yan?" natatawang may pagtatanong niya.
"Di ba...may pananagutan ka..."halos pabulong ko sinabi. Pinitik niya ang noo ko.
"Sira, wala ako anak""Pero di ka nagreact nung sinabi ko yon! " inirapan ko siya! Humuinto kami sa pagsasayaw at ang dalawang kamay ko ay nakahawak sa shoulders niya.
"Ang hina kasi ng boses mo, hindi ko narinig" halos matawa siya"Impossible!! Narinig mo iyon! Pinagtritripan mo lang ako!Ibig sabihin...all this time alam mo na yun ang iniisip ko? At hinayaan mo lang ako isipin iyon?!"tumawa lang siya at pinisil ang pisngi ko. Agad niya hinawakan ang kamay ko at sa huling tugtog ng kanta ay natapos na rin ang aming pagsasayaw. Hinawakan niya muli ang aking bewang palapit sa kanya at bumulong siya sa akin tengga.
Nakaramdam nanaman ako ng kakaibang pakiramdam, hindi nanaman ako makahinga!
"Salamat sa pagsayaw sa akin, bumalik ka na doon, baka hinahanap ka na" humiwalay siya sa akin at nagbow. Umalis na rin siya sa harap ko habang ako naiwang magisa at nakatulala.
Napahawak sa puso ko at tinignan ang likod niya pabalik sa venue.
Bumalik na ulit ako sa upuan na medyo nalilito...Kung isa siyang waiter at hindi trabahador ni Lolo, bakit ang ganda ng bahay niya? Paano niya naafford iyon?
"Apo.." bulong ni Lolo"Ano po iyon?" nabalik ako sa huwisyo.
"Tawag ka ng Tita Francheska mo" agad ako tumayo at pumunta kay Tita Francheska, hindi naman sa ayaw ko sa kanya ah, medyo ayoko lang ng vibes niya.
"Andito na ang isa sa mga anak ko, nahanap ko na siya..." hinatak niya ang lalaking nasa likod niya and my jaw dropped.
"This is Clyde....my son and son this is Althea" medyo na shock din ang itchura niya. Pero on top of that para niya ako kakainin ng buhay. He smirked! and nakakakilabot.Agad ako napaatras.
"Hi....uhm..Tita, I need to go sa C.R lang po, excuse me" Agad ako tumakbo sa function hall palabas ng corridor, mukhang sinusundan niya nga ako!
"Teka!"tawag ni Clyde. Mas binilisan ko lalo ang lakad ko, halos lakad takbo na ang ginawa ko at ng pag-kanan ko biglang may humblot ng kamay ko at agad tinakpan ang bibig ko, nagpupumiglas ako pero di niya ako binibitawan!
"Shhhh..." bulong niya, sino ba to. Tatadyakan ko na sana ng nagsalita na siya finally.
"Althea..ako to! si Sky!"bulong niya, agad ako napatingin sa likod ko.
"Shh..." ulit niya at nawala na nga si Clyde.
Bigla ko nanaman naramadamn ang kakaibang tambol ng puso ko. Agad ako bumitiw dahil ang awkward ng position namin. Hinatak ako ni Sky palabas ng venue
"Teka san tayo pupunta!" hinatak niya ako palabas.Pinakawalan na niya ako. "Iuuwi na kita" medyo natataranta siya. Anong problema neto?"
"Baliw ka ba? Nasa loob ang lolo ko! Hahanapin ako non!"
"Just text him" agad niya ako sinakay sa motor at inabutan ng helmet.
"Teka ung tiaraa ko!" sa isang iglap tinagal niya ang tiarra ko at ang pagkakapusod ng buhok ko.Nakalugay na ako ngayon at iniabot niya ang helmet ko.
Walang atubili sinampal ko siya ng malakas, para magising!
"Ano bang nangyayari sayo Sky! Okay ka naman kanina ah?" agad ako umalis sa harapan niya. Nakakainis! Ginulo niya ang ilang oras na preparation ko, nakailang hakbang palang ako ng kinuha niya ang kamay ko pabalik sa harap niya.
Nagkatitigan kami ulit...
At sa isang iglap....
naglapat ang labi namin.
Itutuloy.....

BINABASA MO ANG
I love you, First
RomanceAng pagibig ay parang sugal, handang pumusta sa laban kahit na walang kasiguraduhan.