Chapter 6

31 2 0
                                    

Nakatulala lang ako habang magkalapat ang labi namin..hindi ako nakapag react agad.

Humiwalay na siya sa akin at napahawak sa aking labi. Anong ibig sabihin non?

Umusog siya papunta sa akin.

"Dapat lang sayo yan" sinuot niya ang helmet sa akin at pumunta na siya sa motor niya.

"Sakay" turo niya sa motor niya. Hinawakan ko ang damit niya at sumakay na sa motor.

"Mahuhulog ka niyan" imbes na damit, iniyakap niya ang dalawang braso ko sa bewang niya at umalis na kami sa venue.

Napakabilis niya magpatakbo ng motor! Napayakap pa ako lalo! Dyusko di naman ako sumasakay sa ganito!

Nasa harap na kami ng hacienda ng pinabuksan ko sa nagbabantay ng gate namin, marahil may pagtataka siya. Hindi kita si Sky pero ako kita kaya pinapasok na kami agad ng walang tanong.

Pagkarating sa harap ng bahay namin ay ibinaba na niya ako. Iniaabot ko na rin sa kanya ang helmet ng walang kibo....oo hindi parin kami nagkikibuan.

"Sa-sa-salamat" pambasag ko sa katahimikan. Agad ako tumalikod ng nagsalita na siya.

"Bukas hihintayin kita, gusto ko ng Sinigang na Hipon" agad ako lumingon sa kanya pero nakaalis na siya.

Nagtanggal ako ng makeup at nagayos, tinext ko na si Lolo na nauna na ako. Hinawakan ko ulit ang labi ko. Second kiss na namin iyon...para saan iyon?

Pang-asar niya ba yon sa akin?

Dapat lang sayo yan!

Dapat lang sayo yan!

Dapat lang sayo yan!

Paulit-ulit ko inulit iyon sa utak ko, kailangan maging klaro bukas! Kung para saan ba iyon!

Kinabukasan pagkababa ko nakita ko nag-aagahan si Lolo at mukhang may bisita siya ah? Pagkaharap nito sa akin, napagtanto kong si Clyde iyon!

Napatigil ako sa paglalakad ng hagdanan namin. Wala naman siya magagawa sa akin dahil nasa hacienda namin siya. Tumuloy na ulit ako maglakad at pumunta na sa table.

"Nagkakilala na kayo no?"

Tumango ako, bakit parang ang baet niya? Is he two-facing? Hindi ito ang nakita kong mukha sa kanya nung nagharap kami nila Sky!

Halos basagin niya ang mukha ni Sky!

"Gusto mo bang ipasyal kita ngayon?" tanong niya. Alam niya ayoko sa kanya....pero tinanog pa din niya!!

Aalma ako ng sumingit si Lolo.

"Oo nga! Sa hacienda ka lang naglalagi. Ayaw mo ba sa bayan? Tsaka nung nagpunta ka sa bayan noon di ba sa may simbahan ka lang?"

"Opo, kaso may pupun-" di ko na natuloy kasi pinutol ni Lolo!

"Sige, pumapayag na ako. Ibalik mo siya ng buhay ah! Ipasyal mo siya sa magagandang tanawin dito" tinapik ang shoulders ni Clyde. I sighed.

Gusto ko man itext si Sky hindi ko alam ang number niya! Triny ko hanapin ang facebook account niya, wala din!

Siguro kakaen naman yon?

Pababa na ako kakagaling ko lang pagaayos at papunta na kami ng bayan. Nakagray skirt ako at may wooven hat na dala matching white sandal.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pumasok na ako. Nakasakay na kami sa 4x4 truck niya.

Pero ang sama talaga ng feeling ko dito! Nagseatbelt na ako ng pumasok siya, he chuckled!

"Don't worry wala ako gagawin" pinaandar na niya ang sa sasakyan. Sa totoo lang hindi ako comfortable na kasama siya, parang anytime may gagawin siya masama.

I love you, FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon