01: Bad!

9 3 1
                                    

Fontello Series#01
Owned by a Fontello
●○○○○○○●●●●●●●

Snow's Pov

"Be nice to your classmates ha?" Tumango at ngumiti ng matamis kay Mommy. Yey! Grade 3 na ako! Sabi ni mommy kapag natapos ko na pagaaral ko ay makakapag-asawa na ako!

"Mommy pagtapos ko po ba ng grade 3 mag-aasawa na ako?" Natawa naman sya. Napasimangot ako.

"Yes anak. Basta galingan mo ha?" Tumango ako. Hinalikan nya na ako sa pisngi bago ako pumasok sa room.

Nag-iba ako ng school kasi mas maganda daw dito. Mas safe daw ako hindi katulad doon sa dati kong pinasukang school. Hinahabol ako.

"Fadee si Red nangaagaw ng food!" Bumungad naman saakin ang matabang lalaki. Napatingin ako sa paligid. Sampo lang kami?

"Ipanakaw mo narin bilbil mo" sagot naman nung pinagsumbungan ng matabang lalaki. Umiyak naman ito.

"Hi! Dito ka magaaral?" Bumungad saakin ang gwapong lalaki. Yumuko naman ako.

"Huy Red! Sino sya?" Tanong nung isa pang lalaking cute ang ilong.

"Hindi ata sya nakakapagsalita eh!" Sabi naman ng lalaking kaninang kumausap sakin.

"Tinakot mo kasi kaya ayaw magsalita" sabi naman ng lalaking matangkad konti. Kamukha nya yung may cute na ilong.

"I'm Snow" nakayuko parin ako.

"Hi Snow! Ako nga pala si Red!" Inangat ko na ang tingin ko sa kanya. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Snow daw pangalan nya!" Sigaw naman ni Red sa anim nyang kasama. Tumabi naman sa kanila ang isang babae. Maganda sya at medyo kulot ang kanyang buhok.

Sa akin kasi Straight na straight buhok ko. Nilagyan din ako ng bangs ni Mommy.

"Alam namin. May tenga kami" sabi naman ng lalaking kaninang nagpaiyak doon sa mataba. Amputi puti nya!

"Ako nga pala si Run!" Masiglang bati ng lalaking cute ang ilong.

"Ako si White!" Ngumiti naman ang matabang lalaki na kanina ay umiiyak.

"Ako si Maze tapos sya si Brianna!" Sabi ng isang lalaki at katabi nya yung babaeng maganda. Tinaasan lang naman nya ako ng kilay kaya napayuko ako.

"Dark kapatid ko si Run" walang kangiti-ngiting sabi nya. Tumango tango lang ako.

"Nakikita mo yang matabang yan? Kakambal ko yan. My name is Fade" sabi naman nung maputi. Umiyak ulit si White. Naawa naman ako.

Grabi naman sya sa kapatid nya! Hindi nya ba 'to mahal?

"Speed! Nagbabasa ka na naman!" Yugyog ni Run sa lalaking may hawak hawak ng libro. Nakatakip ito sa mukha nya kaya hindi ko sya makita.

Gwapo rin ba sya kagaya nung anim? Kahit naman kasi mataba 'yong White ay gwapo parin. Magkakapatid kaya sila?

Nagulat ako ng batukan nya si Run. Ibinagsak nya ang librong hawak nya at iritadong tinignan si Run na umiiyak na.

Owned by a Fontello (Fontello Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon