Fontello Series#01
Owned by a Fontello
-miny0o0ngi
■□□□□□□■■■■■■■Snow's Pov
"Oh hello!" Napa-atras ako ng humarang sa aking harapan si Faustine. Magagalit ba s'ya sakin?
"H-hello" nagulat ako nang yakapin nya ako.
"We're friends, right?" Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Nagkatampuhan kasi kami ni Speed. Alam mo naman 'yon diba?" Ngumiti sya mg matamis. Tumango din ako.
"Uhm Snow, selosa kasi ako. Pwedeng lumayo ka muna sa kanya?" Sumimangot ako at nagsalubong ang aking kilay. Tinignan sya nang may pagtataka.
"Snow? Please? Friend naman tayo eh. Atsaka pwede mo akong isabay tuwing kumakain kayo?" Tumango nalang ako. Ipinulupot nya ang kanyang kamay sa aking braso.
"Let's go!" Masaya nyang sabi kaya naglakad na kami papunta sa table ng mga Fontello.
Nandu'n ang pito at si Brianna. Nagtaas lang naman ng kilay si Brianna at tinignan ang kamay ni Faustine na nakapulupot sa aking braso.
Kahit ang mga Fontello ay nagsalubong rin ang kilay.
"Friend kami ni Snow!" Sabi ni Faustine sa kanila. Nang uupo na ako sa tabi ni Speed ay inunahan nya na'ko.
"Ay sorry Snow hihi. Du'n ka nalang sa tabi ni Brianna at Maze" yumuko ako at umupo sa tabi ni Brianna.
"Nakakawala ng gana lalo na't may pangit sa harap ko" sabi ni Brianna kaya sinamaan sya ng tingin ni Maze. Mag kaharap si Brianna at Faustine.
"Brianna" ngumuso nalang sya.
"Speed kamusta ka na pala?" Malambing na tanong ni Faustine.
"Okay lang naman sya. Mas lalo nga syang naging okay nung mawala ka eh" sabi ni Brianna at tumawa ng malakas. Naibuga naman ni White ang kanyang kinakain. Nakitawa narin si Red, Run at White.
"Brianna!" Inirapan lang nya si Maze.
"Uy Maze okay lang naman ako! Sanay naman ako dyan kay Brianna. Nakikipagclose lang yan sakin kaya binibiro nya ako" ngumiti ulit si Faustine at tumingin kay Speed na nakatingin sa'kin.
"Bakit ako makikipag-close sayo eh ang pangit pangit mo" tumayo na si Maze at hinila si Brianna papa-alis don. Mas lalo namang lumakas ang tawa ni White, Run at Red.
Tumayo na si Speed at lumipat sa tabi ko. Sinenyasan naman ako ni Faustine kaya tumayo ako at kinuha ang pagkain ko.
"Where are you going?" Tanong ni Speed sa'kin.
"Ahh diba sabi mo Snow may gagawin ka sa library?" Tumango nalang ako sa sinabi ni Faustine.
"Okay, i'm coming with you" tumayo narin si Speed pero hinawakan sya ni Faustine sa kanyang kamay.
"Uh sabi rin sakin ni Snow na gusto nyang mapagisa"
"Shut up! Hindi ikaw ang kausap ko" iritadong sabi ni Speed at tumingin sa'kin ng seryoso.
"Uh oo, Speed. Marami pa kasi akong gagawin kaya gusto ko ako lang magisa" tumaas ang kanyang kilay at tumingin kay Faustine na nakatingin sa'kin.
"No" hinila ako pabalik ni Speed. Pinaupo nya ako at tinuro ang pagkain ko.
"Teka Snoq diba may nabanggit ka rin sakin na makikipagkita ka sa boyfriend mo ngayon?" Napatingin akong muli kay Faustine. Malambing syang nakatingin sa'kin.
"Bakit andami nya naman atang nabanggit sayo" sabi ni Fade at sumubo ng pagkain.
"Hindi naman madaldal iyang si Snow. Kahit nga samin ay napakatahimik nyan" sabi naman ni Dark. Si White, Red at Run naman ay sabay sabay na tumango tango.
"Tinatakot nya lang yang si Snow, Speed." Sabi ulit ni Fade. Tumingin ulit si Speed sa'kin. Sinamaan nya ako ng tingin kaya ngumuso ako at yumuko.
"She's my friend, Speed" marahan kong sabi sa kanya. Hindi syang makapaniwalang tinignan si Faustine.
"Umalis ka na, Faustine. Baka sumabog yan!" Sabi ni Run kaya padabog na tumayo.
"Bye Snow, Speed" sabi nya at umalis na.
Ako naman ay nanatiling nakayuko. Ginalit ko na naman sya!
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"S-sorry"
•••
"Brianna!" Sigaw ni Maze at masamang nakatingin kay Brianna. Inirapan lang sya nito at inis na tinanggal ang jacket na inilagay ni Maze sa kanya."Wag kayong maingay matutulog ako" sabi ni Fade at binalot ang sarili ng kumot.
Si White naman ay nakaabang sa niluluto ni Dark. Si Run at Red ay naglalaro na naman.
"Turtle" umangat ang tingin ko. Nasa hagdan kasi sya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Bumaba naman sya at naglakad papunta sa'kin.
"Dito ka lang sakin" tumango ako at sinundan sya hanggang makapunta kami sa kusina. Kumuha sya ng baso ng gatas at ibinigay iyon sa'kin.
"Alagang alaga talaga eh. Nakakaselos Speed" natawa naman ako. Seryosong seryoso kasi ang mukha nya habang sinabi nya 'yon.
"Lumayo ka sa'kin. Ibabalibag kita" banta ni Speed at kumuha rin sya ng kanyang gatas.
"Babe simula nang dumating si Snow kinalimutan mo na ako. Diba ako lang ang reyna mo?" Tinakpan ko ang aking bibig at nagpalipat lipat ng tingin sa kanila.
"Stop it, Turtle!" Kinagat ko ang labi ko para hindi ko mailabas ang tawang kanina ko pa pinipigilan.
"Hala! White! Run! Nagbabalik na ang Spark!" Biglang lumitaw si Red. Hala! Speed at Dark! Spark!
"Daddy Speedie bati na kayo ni Mommy Dark?" Tanong ni White.
"Kinalimutan na nga ako ng daddy nyo. May ipinalit na sa'kin" inirapan ako ni Dark. Teka ano ginawa ko? Dahil ba tumawa ako?
Mag peace sign nalang ako sa kanya. Ngumisi naman sya.
"Kawawa. Ipinalit sa tunay na babae" sabi ni Run at bumelat pa ito.
Si Faustine ba tinutukoy nila?
"Dun ka nalang sa transferee. Icy pangalan no'n diba? Titig na titig ka nga eh" sumeryoso ang mukha ni Dark at umalis.
Si Icy? Icy Danielle Villaruel? Sabi nila Sikat Daw 'yon eh.
Iclose ko nga sya! Hihi
▪▪▪
To be continued...
BINABASA MO ANG
Owned by a Fontello (Fontello Series #01)
RomanceSi Snow Addrielle Joven ay isa sa pinaka-kilala sa school na pagmamay-ari ng Fontello Brothers. Sila ang nagmamay-ari sa Fontello Academy. Simula Elementary ay kaklase nya na ang mga ito kasama ang kababata ng Fontello Brothers. Ang kanyang pagigin...