Fontello Series#01
Owned by a Fontello
Miny0o0ngi~~♡Snow's Pov
Ilang taon na ang nakalipas
"Anak! Ayos na ba ang mga gamit mo? Uuwi na tayo sa Pilipinas" tumango ako at ngumiti ng matamis. Tinignan ko ang picture namin ng mga Fontello sa cellphone ko. Kamusta na kaya sila? Natatandaan pa ba nila ako?
Hindi ko naman kasi alam ang mga number nila. Cellphone kasi dati ni mommy ang gamit ko kasi hindi pa nila ako pinapayagang magkacellphone nung time na yun.
Grade 6 palang kaya ako nun!
Naging maayos naman ang paninirahan namin sa Korea. Mababait ang mga tao! At kasundong kasundo ko ang naging kaklase ko. Ngayon, uuwi na kami dahil kaylangan ni Daddy ang tulong sa negosyo namin.
"Snow! Look!" Agad naman lumapit saakin si mommy at pinakita ang pito na nakasuot ng uniporme. Fontello Academy? Dyan ako dati nagaaral ah?
Pinagmasdan ko sila isa isa. Si Dark na walang kangitingiti ganun din si Fade at Maze. Si Run, Red at White na ang cute cute ng ngiti. Napatingin naman ako sa lalaking masa gitna. Seryosong seryoso ito. Si Speed 'yan! Hindi ako pwedeng magkamali!!
"Excited ka na bang makita ulit sila? Dyan ka ulit mag-aaral?" Tumango ako at niyakap si mommy.
Speed! Uuwi na ako!!
•••
"Snow?!" Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad saakin ang napakagandang babae. Medyo kulot ang buhok nito.
"Ha? Hehe" sumimangot naman sya at inirapan ako. Ah! Brianna!
"BRIANNA?!" agad ko syang niyakap kaya nagtitili narin sya.
"Huy sabi mo babalik ka ka-agad?! Naghintay kami lalo na si Spe-- uh nevermind" naalala ko naman 'yon.
"Sorry Brianna. Duon na kasi kami pinatira ni Lola. Yun ang wish nya bago sya mamatay" malungkot na sabi ko.
"It's okay its okay. He'll understand it naman" sabi nya at dirediretsong pumasok sa bahay. Nasa Pilipinas na kami at kasalukuyang nagpapahinga ng biglang may nagdoorbell kaya ayun.
"Kwentuhan muna tayo Snow dali!" Hinila nya ako kaya napaupo ako sa sofa. Ngumiti ako sa kanya ng matamis at bahagyang yumuko.
"Hindi ka parin talaga nagbabago. May isusumbong ako sayo" tumingin lang ako sa kanya.
"Alam mo, simula nung nalaman nilang hindi ka na babalik ay labis silang naapektuhan. Lalo na si Speed" malungkot nyang sabi.
"A-ayos lang ba sya?" Tanong ko sa kanya. Tumango sya saakin at ngumiti.
"Masyado syang naapektuhan. Kabila't kanan ang babae ng lalaking 'yun. Pero narealize nya rin na iba ka kaya ayun tumigil haha" namula ang aking pisngi.
"Ikaw ba? Nagkaroon ka ng boyfriend sa korea?" Tanong nya saakin at nangalumbaba.
"H-huh? Wala no" ngumiti sya ng malapad at pumalakpak.
BINABASA MO ANG
Owned by a Fontello (Fontello Series #01)
RomanceSi Snow Addrielle Joven ay isa sa pinaka-kilala sa school na pagmamay-ari ng Fontello Brothers. Sila ang nagmamay-ari sa Fontello Academy. Simula Elementary ay kaklase nya na ang mga ito kasama ang kababata ng Fontello Brothers. Ang kanyang pagigin...