14: Kahoy

0 0 0
                                    

Fontello Series#01
Owned by a Fontello
-iwantsugAa
■□□□□□□■■■■■■■

Snow's Pov

Nakayuko ako ngayon at pinunasan ang aking luha. Nasa bahay ako ni Speed at kasalukuyang pinapagalitan.

"Ngayon lang Snow Addrielle! NGAYON LANG! Natuto ka nang suwayin ako!" Pinigilan ko ang aking paghikbi. Ayan na naman sya.

"Ano?! Dahil sa HAVI NA YON?! GUSTO MO BUGBUGIN KO 'YON?!" umiling iling naman ako. Nakayuko parin ako ngayon.

Kanina nagulat ako dahil may dala dala syang kahoy na mahaba. Tapos.. tapos pinalo nya si Havi huhu.

"Anong sabi ko sayo?!" Hindi ako sumagot. Paano ako makakasagot eh galit sya?

"ANONG SABI KO SAYO?!"

"WAG PUMUNTA!" sigaw ko dahil sumigaw na rin sya. Yumuko ulit ako at pinunasan ang luha ko. Huminahon naman sya.

"At anong mali mo?" Mahinahon nyang tanong sakin.

"Sumama parin kahit h-hindi ka p-pumayag" niyakap nya na ako at hinagod ang aking likod na parang pinapatigil nya na ako sa pag-iyak.

"Hindi mo na ulit yon gagawin huh?" Tumango naman ako at mas lalong isiniksik ang sarili sa kanya.

"Good turtle"

•••
"Hoy Speed sumugod ka daw sa Dark Icecream na may dala dalang kahoy hahahah?!" Pangaasar ni White kay Speed. Napayuko naman ako.

Naalala ko na naman 'yun. Yung kahoy huhu

"Baka kakagaling lang magsibak ni fafi Speed tapos nag ka emergency" nagboses babae naman si Red kaya binatukan na sya ni Speed.

"Sino nga ulit 'yong lalaking kakitaan ni Snow?" Tanong ni Maze. Sumimangot ako. Bakit sila ganyan?

"Havi? I'm not sure" sagot ni Fade sa kanya. Si Dark naman ay anlakas lakas nang tawa halatang inaasar si Speed.

"So sya yung pinalo nang mahiwagang kahoy ni Fafi Speed?" Tanong ni Red.

"Na-imagine ko tuloy Pula! Nakakatawa 'yon! "Hinampas hampas sya ni Run habang tumatawa.

"Tapos balita ko nakasando pa daw si Fafa Speed! Ang hot no'n ugh" nagtatalon talon pa si White. Nasa room kami ngayon. May mga meeting ang mga teachers. May event kasi sa Friday.

"Ugh naimagine ko ulit! Nakasando si Fafa Speed tapos pinapa-ikot nya sa kanyang kamay ang mahiwagang kahoy. Fierce pa sya!" Sabi ni Red kaya binato na sya nang libro ni Speed.

"Balita ko rin pinalo ni Speed si Havi. Saan kaya pinalo? Sa pwet?" Tanong ni Fade at ngumisi kay Speed.

"Spank me dadeh" dagdag ni Maze kaya lumapit sa kanya si Speed at pinagsasapak ito. Namula naman ang pisngi ko.

Hindi naman siguro bakla si Speed 'di ba?

"Tigilan nyo ko mga itlog!" Sigaw ni Speed. Dumating naman si Brianna na may dala dalang chips.

"Oh saan ka galing?" Seryosong tanong ni Maze sa kanya. Bakit ang bilis nyang magbago nang mood? Kanina anlakas lakas nang tawa nya ngayon naman napaka-seryoso.

Ipinakita ni Brianna sa kanya ang hawak nyang pagkain at inirapan si Maze.

Dumating rin si Icy na may dala dala ring pagkain. Tumabi ito sa'kin.

"Anong meron sa inyong dalawa?" Tanong ni White sa kanila.

"Nagsabunutan ata" komento ni Fade.

"Shut up!" Sabay na sabi ni Brianna at Icy kaya tumango tango ang pito.

"Sa bahay tayo ni Speed pag uwian na?" Pagyayaya ni Run at pumalakpak pa. Tumingin naman ako kay Speed.

"Bahay nyo bahay nyo?" Inis na tanong ni Speed.

"Alam mo fafi Speed. We won't mind naman kung makita ka naming nakasando at nagsisibak nang kahoy" umakbay pa si Red kay Speed at itinaas baba ang kanyang kilay.

"LAYUAN MO AKO PULA! KUNG AYAW MONG KUMUPAS AT MAGING PINK!"

•••

Nasa bahay kami ni Speed ngayon. Nasa labas sila Brianna, Maze, White at Run. Nagiihaw ihaw sila request ni Brianna. Nasa loob naman kami nila Speed. Nagluluto rin nang pagkain.

Nakahiga si Fade sa sofa at mukhang natutulog na. Si Dark ay nasa kusina kasama si Icy. Dati naman ay si Brianna ang kasama nya magluto dahil mahilig rin sa mga gano'ng bagay si Brianna.

Lumapit ako sa kanila. Tumabi ako kay Red na may hinihiwang....... grapes?

"Anong gagawin mo dyan?" Tanong ko sa kanya. Hiniwa nya ito nang maliliit. Seryosong seryoso ito sa kanyang ginagawa kaya hindi ko na sya kinulit.

"PULA?! ANONG GINAGAWA MO DYAN?!" Biglang lumitaw si Dark. Tinignan ko lang silang dalawa.

"Ang sabi mo maghiwa ako diba?" Inosenteng tanong ni Red kay Dark. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Dark.

"SIBUYAS ANG PINAPAHIWA KO HINDI GRAPES! SNOW BA'T HINDI MO PINIGILAN?!" napanguso ako.
Hindi ko naman alam na sibuyas ang dapat nyang hiwain eh.

"Bakit narinig ko ang pangalan ni Turtle?" Lumitaw naman si Speed sa likuran ko. Hinawakan nya ang bewang ko kaya napahinga ako nang malalim. Ang l-lapit.

"Pula ano yan?" Tanong ni Speed kay Red.

"Hey what's--- RED?!" dumating rin si Icy. Sunod sunod naman na nagdatingan ang mga Fontello.

Si Fade na bagong gising. Gulo pa ang kanyang kulay light green na buhok. Si White at si Run na may Sauce pa sa pisngi. Si Maze at Brianna na parehas magulo ang buhok.

"Nageekperiment na naman siguro si Pula" sabi ni Maze at umalis na parang hindi na bago sa kanya ang lahat.

"Kung nagaayos ka sana, dapat natutulog pa ako ngayon" supladong sabi ni Fade at bumalik na sa sofa.

"Snow ikaw na lang maghiwa nang sibuyas" tumango naman ako pero niyakap ako nang mahigpit ni Speed.

"No" sabi ni Speed at hindi parin ako pinapakawalan.

"Ako nalang ang maghihiwa" prisinta ni Speed. Napanganga nalang si Dark at umiling iling na parang hindi iyon isang magandang ideya.

Bakit? Hindi ba sya marunong maghiwa nang sibuyas?

•••
To be continued....




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Owned by a Fontello (Fontello Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon