"Hindi ko maintindihan? W-walang tayo diba? Magkaibigan lang tayo?" Napapikit sya at sinuntok suntok ang pader. Nanginig ang kamay ko. Gusto ko syang hilahin at yakapin para hindi nya masaktan ang sarili nya.
"Magkaibigan?! Snow naman! May kaibigan bang naghahalikan? May kaibigan bang nagseselosan?!" Sigaw nya at hinagis ang Vase na nasa lamesa. Tumulo ang luha ko.
"P-pero 'di ba p-parte lang 'yon ng pagkakaibigan?" Ginulo nya ang buhok nya sa pagkairita. Hinawakan nya ang aking magkabilang braso. Tinignan nya ako sa mata.
"Pwede ba isantabi mo muna ang kainosentihan mo? Snow, you're mine" sabi nya at niyakap ako ng mahigpit.
"P-pero-" pinatahimik nya ako gamit ang kanyang labi. Nagpatangay akong muli.
"Now, tell me. Magkaibigan pa ba 'to?" Tanong nya at hinawakan ang pisngi ko. Inilapit nyang muli ang kanyang labi sa aking labi. Pumikit akong muli at hinayaan syang halikan ako.
"Who Owns you, Snow Addrielle?" Nakapikit parin ako. Parang tinatanggay na ako ng halik ni Speed. Napunta na sa aking batok ang kamay nya at mas diniin iyon.
"Answer me. Who owns you?" Nanginginig ko itinulak si Speed
"You owned me. I'm owned by a Fontello"
●●●●
Miny0o0ngi~♡
BINABASA MO ANG
Owned by a Fontello (Fontello Series #01)
RomanceSi Snow Addrielle Joven ay isa sa pinaka-kilala sa school na pagmamay-ari ng Fontello Brothers. Sila ang nagmamay-ari sa Fontello Academy. Simula Elementary ay kaklase nya na ang mga ito kasama ang kababata ng Fontello Brothers. Ang kanyang pagigin...