06: we are done

1 1 0
                                    

Fontello Series#01
Owned by a Fontello
-miny0o0ngi
●○○○○○○●●●●●●●

Snow's Pov

Parang tumigil ang mundo ko ng makita ko ang paghalik ni Faustine kay Speed. Yumuko ako at marahang hinila si Brianna. Tumingin naman sya kay Speed at Faustine.

"Oh! Speed! New toy?" Bati ni Brianna sa kanila. Hinila ko naman ito at yumuko nalang kila Faustine at Speed dahil sa inasal ni Brianna.

"Why Snow? Huwag kang yumuko" sabi ni Brianna pero hindi ko nalang sya pinansin.

Umupo na kami sa aming upuan.

I remember Faustine. Dati namin syang kaklase. Sya rin 'yong sinabunutan ni Brianna. A-at ang ganda ganda n-nya parin.

"Wag mong pansinin babae nya." Ngumuso nalamang ako at sinulyapan sila sa likod. Pinaglalaruan ni Speed ang buhok ni Faustine. Nakatingin naman saakin si Faustine at nakataas ang kilay nito. Iniwas ko ang tingin ko at umayos nalang ng ulo.

Ano bang inaakala mo Snow? Iniwan mo sya.

Mas lalo akong sumimangot saaking isip. Grade 6 l-lang naman kami no'n eh. Baka...

Baka kaibigan nya lang talaga ang turing nya sakin no'n

•••
"Snow snow! Tara na!" Sigaw ni Red kaya ngumiti ako at sumunod sa kanya. Si Brianna naman ay umalis kasama si Dark. Iniwan nya 'ko.

Nasa harapan namin si Speed at Faustine. Nakapulupot ang kamay nya sa braso ni Speed. Napansin naman ni Red ang pagtingin ko kay Speed at Faustine.

"Snow? Ayos ka lang?" Tumango ako ng marahan at umiwas ng tingin. Kinuha nya ang kamay ko at ipinulupot iyon sa kanyang braso.

"Hoy pula ang landi mo! Kararating pa nga lang ni Snow!" Naginit ang pisngi ko sa sinabi ni White. Ngayon ko lang rin sya napansin na nakapasan kay Fade. Huh? Anong ginagawa nila?

"Huh? Naiinggit sya kay Speed at Faustine kaya ginaya namin" sagot ni Red at ngumiti sa'kin. Lumingon sa'min ang dalawa kaya mas lalong namula ang pisngi ko

Umupo na kami sa isang table na nakalagay ay "Fontello". Ngayon ko lang rin napansin na wala si Maze. Saan naman kaya nagpunta 'yon?

Napapagitnaan ako ni Red at Fade. Si White naman ang bumili ng pagkain namin. Nasa harapan namin si Speed at Faustine kaya parang gusto ko ng umalis sa kinauupuan ko.

"Babe gusto ko ng lasagna!" Sabi ni Faustine at ngumuso kay Speed. A-ang cute nya. Kaya pala sya nagustuhan ni Speed.

"Bakit ka ulit nakatingin sa kanila, Snow? Gusto mo rin ng lasagna?" sumimangot nalang ako kay Red. Tinignan naman ako ni Faustine at tinaasan ng kilay.

"Snow? Teka naging kaklase kita ah!" Sabi ni Faustine. Bakit pinansin nya ako? Nakakahiya tuloy, tingin pa naman ako ng tingin sa kanila tapos sinasabi pa ni Red.

Ngumiti ako at tumango.

"Sya yung kasama namin nila Brianna. Sya rin yung laging kasama ng boyfriend mo" sabi ni Fade at nangalumbaba. Gusto ko na talagang magpakain sa lupa.

"Naalala ko pa nga kung paano ako takutin ni Speed pag lumalapit ako sa kanya" sabi naman ni Red. Napabuntong hininga nalang ako.

"Tapos laging nakadikit yang si Speed kay Snow" sabi pa ni Run.

"Oh? Haha ang mahalaga naman yung ngayon eh. Ako na yung laging dinidikitan ni Speed!" Sagot ni Faustine at niyakap ng mahigpit si Speed. Si Speed naman ay nakatingin lang sa akin at seryosong seryoso ang mukha.

"Nagbabalik na ko mga panget!" Ibinaba na ni White ang mga pagkain. Si Red naman ay inilapit sakin ang lasagna. Iisa lang ang lasagna na binili ni White. Ang iba ay chicken na.

"Red akin yan" kukunin na sana ni Faustine ang lasagna na nasa harap ko ngunit nagsalita si Red.

"Bumili ka nalang ng lasagna do'n, Faustine. Gusto nya kasi 'yan eh" sumimangot naman sya at tinignan si Speed at ngumuso.

"Kunin mo yung kay Snow" sabi ni Speed at sumubo na ng kanin. Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako kahit ayoko naman talaga Lasagna.

"Wag mo nang kunin yung kay Snow. Bibili nalang ako" sabi ni White at tumayo. Bago pa sya humakbang ay nagsalita muli si Speed.

"She doesn't like cheese" yumuko ako at kinuha ko ang plato at inilagay iyon sa harapan ni Faustine. Tipid akong ngumiti sa kanya. Inilagay naman ni Red ang chicken sa harap ko.

Tumaas naman ang kilay ni Speed dahil do'n.

"Kaylan ka pa naging maalaga, Red?" Tanong nya dito.

"Simula nung dumating si Snow" sabat ni Run at tinignan kami ng makahulugan. Nag init muli ang pisngi ko. Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay habang nakatingin sa pisngi kong siguradong pulang pula na.

"Aww bagay kayo ni Red, Snow! Alam mo bang alagang alaga ako ni Speed?" Sabi ni Faustine at ngumiti ng matamis sa'kin. Nginitian ko rin sya pabalik.

"H-huh? Hindi naman" sabi ko nalang at sumubo na ng kanin. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pag-igting ng panga ni Speed.

"Haha ang cute mo Snow! Gusto kitang maging bff!" Mabait naman pala sya eh. Para lang syang si Brianna na mataray sa una.

"Sige!" Masigla kong sabi sa kanya at ngumiti ng matamis. Umiling iling nalang si Speed.

"Snow kamusta ka naman sa korea?" Tanong sa'kin ni White.

"Ayos lang naman! Mababait sila" ngumiwi sya sakin.

"Lahat naman ata mabait para sayo, Snow" sabi naman ni Run.

"Kayo? Kamusta kayo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Pogi parin naman kami, Snow." Tama nga naman. Mas lalo silang gumwapo! Sikat na sikat talaga sila.

"Huy White bakit ka nagpapayat? Mas cute ka pa naman nung chubby ka" sabi ko sa kanya. Tumawa naman si Red at Run. Huh? Bakit?

"May naging crush kasi yan, Snow. Tapos inaasar syang mataba. Antaray taray nang babaeng yon eh" sagot ni Red kaya sinamaan sya ng tingin ni White.

"Cute cute mo nga eh" ngumuso ako sa kanya. Nagulat nalang ako ng kumalampag ang lamesa. Nakita ko rin ang baluktot na kutsara. Bakit nagkaganon 'yon?

"Speed? Anong nangyare?" Malambing na tanong ni Faustine sa kanya.

"Shut up. We're done" namutla naman si Faustine at hinawakan ang braso ni Speed pero tinanggal naman nya ito kaagad dahil sa nakakatakot na tingin ni Speed.

Lumipat naman saakin ang nakakatakot nyang tingin.

"You. Come with me"

•○●□■•
To be continued...

-miny0o0ngi~~♡

Owned by a Fontello (Fontello Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon