10: Good Turtle

0 0 0
                                    

Fontello Series#01
Owned by a Fontello
-iwantsugAa
■□□□□□□■■■■■■■

Snow's Pov

Nauna na akong pumasok sa room. Ipinatawag kasi 'yong mga Fontello sa Office.

Napatingin naman ako sa babaeng naglakad paupo sa likuran ko. Seryoso ang mukha nito. Straight na straight ang buhok na bumagay sa kanyang mukha at pangangatawan.

"Hello! Hehe may nakaupo na dyan. Ayaw nang katabi nu'ng nakaupo dyan eh" ngumiti naman ako sa kanya. Yong una ay tatanggalin nya sana ang kamay ko na nakahawak sa braso nya pero hindi naman nya iyon tinuloy nang makita ako.

"Edi humanap sya ng ibang upuan. Nauna ako eh" sabi nya kaya tumango nalang ako. Mabait naman si Dark eh. Atsaka sabi sakin ni Red na crush ni Dark si Icy.

"Ano pangalan mo?" Tanong nya sa'kin. Nakangiti na ito. Mas bagay sa kanya ang ngumiti!

"Snow Addrielle Joven! Ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Icy Danielle Villaruel." Tumango ako sa kanya.

Dumating naman si Brianna. Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay nang makita si Icy.

"Ikaw na naman?" Tanong ni Brianna at tinaasan sya ng kilay.

"Oo ako na naman" inirapan ni Icy si Brianna. Tumabi naman sa'kin si Brianna at umirap sa ere.

"Anong nangyare?" Bulong ko sa kanya. Hindi lang sya sumagot. Maya maya ay dumating na ang mga Fontello. Umalis na rin si Brianna sa tabi ko at pumunta kay Maze. Si Speed na ang katabi ko.

"Anong ginagawa mo dyan?" Napalingon naman ako kila Icy at Dark. Nakapamulsa lamang si Dark at seryosong nakatingin kay Icy. Si Icy naman ay nakataas lang ang kilay.

"Ikaw anong problema mo?" Mataray na tanong ni Icy.

"Upuan ko 'yan. Alis" pagtataboy ni Dark. Nanatili lang namang nakaupo si Icy.

"Edi dyan ka sa tabi ko. Nahiya ka pa eh" kinagat ni Dark ang kanyang labi at umupo nalang rin sa tabi ni Icy.

"Tsk"

•••

"Snow tara na" sabi ni Speed. Umiling nalang ako. Sabi ko kay Icy sabay kami kumain eh!

"May kasabay na ako Speed" nangunot ang kanyang nuo. Sinamaan ako ng tingin.

"Sino? Bubugbugin ko" sumuntok sya sa ere kaya natawa ako.

"Si Icy! Magkasabay daw kami eh" huminahon naman sya at tumango nalang. Hinanap ng kanyang mata si Icy.

Lumapit sya ro'n at may sinabi kay Icy. Napansin ko naman ang pag pula nang pisngi ni Icy. May gusto ba sya kay Speed? Paano na si Faustine?

Lumapit na rin sa'kin si Icy.

Lasagna ang inorder nya ako naman ay sandwich lang. Ang dami kasi nang kinain ko kanina.

Pasulyap sulyap naman dito si Speed. Hindi ko alam kung si Icy ba ang tinitignan nya o ako pati ang sandwich ko.

"Kaclose mo si Speed?" Tanong sa'kin ni Icy. Marahan naman akong tumango.

"Oh? Kaylan kayo nagkakilala?" Tanong nya ulit.

"Yung elementary kaklase ko sya. Pati narin ang anim at si Brianna" tumango tango naman sya.

"Ano ba yan! May kasabay si Snow na pangit!" Rinig na rinig ang boses ni Brianna sa pwesto namin.

"Sino ba 'yong  anlakas lakas ng boses? Boses palaka!" Malakas rin na sabi ni Icy. Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila.

"Kung ako boses palaka ikaw, mukha kang palaka!" Tumayo na si Brianna. Si Icy rin ay tumayo na.

Pinigilan ni Maze si Brianna. Hinawakan ko naman ang braso ni Icy.

"Kanino tayo kakampi puti?" Tanong ni Red kay White.

"Kay Brianna ako, nanapak yan eh" sabi ni White.

"Ako kay Icy! Mukhang matapang. Talo na manok nyo" sabi naman ni Run.

"Kay Icy ako pupusta" sabi naman ni Fade. Napailing iling nalang si Speed.

"Kay Brianna ako" ngumisi si Dark.

Nagkanya kanya naman sila nang pagcheer.

"GO BRIANNA! BRIANNA---

"GO ICY! GO ICY! OUR ICY ICY LOVE!" Sinamaan nila ng tingin ang isa't isa.

"Sino ka ba? Akala mo kung sino" sabi ni Brianna.

"Sino ka rin ba? Dikit ka lang naman sa mga Fontello! Akala mo kung sinong reyna" sagot naman ni Icy. Nagkagulo naman ang mga nagpustahan kanina.

"Si Icy magaling! Talo!" Tumayo si Run at nag twerk. Sumama rin si Fade.

Kumembot naman si White at Dark. Lahat ay nakatingin sa kanila.

"SHUT UP!" sabay na sigaw ni Brianna at Icy sa apat.

Nagkatinginan ulit sila. Sabay din silang umirap sa isa't isa

"PANGET!"

•••
"Wag ka na nga lumapit sa kanya" sinamaan ako ng tingin ni Brianna.

"Huh? Sino?" Tanong ko sa kanya. Umirap naman sya.

"Edi yung bruha mong kasama!" Tumingin sya kay Icy na may kausap. Sumimangot ako.

"Bakit ba kayo nag aaway?" Tanong ko sa kanya.

"I just hate her! Yung mukha nya! Yung buhok nya! LAHAT!" umiling iling naman ako.

"Nooo! Friend ko sya at friend rin kita! Magbati na kayoo" umiling rin sya at umalis na sa harapan ko.

"Turtle, 'wag kang makisali sa away nang dalawa ha?" Tumango ako. Ayoko rin naman nang may ka-away.

"Always be a good turtle" tumango tango lang ako. Nagsusulat kasi ako ng notes. Malapit narin kasi ang exam.

"And a good turtle--" putol nya sa kanyang sinasabi.

"Hmm?" Tanong ko sa kanya. Tinignan ko sya na nakatingin lang rin sa'kin. Nakikita ko rin ang dimple nya na talagang bagay na bagay sa kanya.

"Always obey its owner"

▪▪▪
To be continued..

Sorry maiksi lang ako magsulat heheheheghehehshsbbdhsbd






Owned by a Fontello (Fontello Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon