Fontello Series#01
Owned by a Fontello
-iwantsuga
■□□□□□□■■■■■■■■Snow's Pov
"Turtle, pati ba naman sa pagbabasa mabagal ka?" Sumimangot lang ako sa kanya. Hindi ako nagsalita at ipinokus ang aking sarili sa mga isinulat kong notes nung mga nakaraang araw.
"Don't ignore me." Hindi ko ulit sya sinagot. Inaasar nya lang ako eh!
>.<
"Dahil sa hindi pagpansin sakin, ibababa ko rank mo" tinignan ko sya nang may pagtataka. Rank? Anong rank?
"Huh?" Tanong ko sa kanya.
"Here are the rankings turtle, No. 1 is Human. 2, Dog, 3 Turtle, 4 Frog, 5 Daga and 6 is Spider." So number 3 ako?
"And for ignoring me, Daga ka na" sumimangot ako sa kanya. Paano ako magiging daga? Ayoko nga sa cheese eh!
"Gusto mo bang maging turtle ulit?" Agad naman akong tumango. Ayokong maging daga! Mas maayos pa ang turtle kahit mabagal sa lahat ng bagay!
"Go out with me" natahimik ako. Go out? Mamamasyal kami? Ayos 'yon ah!
"Sige!" Sabi ko sa kanya. Ginulo nya lang ang buhok ko.
"Ngayon, tapusin mo na ang ginagawa mo. Kakain tayo sa labas" tumango ako agad at ipinagpatuloy ang ginagawa.
•••
"Turtle?! Ano 'yang suot suot mo?!" Ngumuso ako at tinignan ang suot ko. Ayos naman ah? Ipinahiram 'to sakin ni Brianna! Tapos binigyan ako ng make-ups ni Icy! Tinuruan nya rin ako kung paano mag lagay no'n.Nakatali ang aking t-shirt. Kita ang aking tyan doon pero ayos lang naman para sa'kin. Naka suot din ako ng short pero hindi naman 'yon sobrang iksi.
Patabog syang lumapit sakin at inalis ang pagkakatali ng damit ko. Pinasadahan naman nya ng tingin ang aking short.
"Mag pants ka nga!" Sumimangot ako at umiling. Sinamaan nya ako ng tingin kaya yumuko ako at nagpalit.
"Dahil dyan, Ikaw na ang pinakamababang rank! You're now a spider" ayoko non! May Phobia nga ako dun eh! Sumunod nalang ako sa kanya.
Ipinagbuksan nya na ako sa kanyang kotse. Sya rin ang nag-ayos nang aking seat belt. Para akong isang maliit na kuting na takot na takot sa isang tigreng katulad nya. He's scary!
"Stop looking at me like that, SPIDER" mas lalo akong sumimangot dahil idiniin nya talaga ang salitang spider.
"Sorry" mahina kong sabi sa kanya pero hindi nya man lang akong tinignan.
Galit ba sya?
Inalis ko ang seatbelt ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap sya. Inihinto nya naman ang kotse.
"I'm driving!" Ngumuso ako at mas hinigpitan ang yakap. Rinig ko ang malalim nyang paghinga.
"Hindi na 'yan uubra, Spider" tinignan ko sya.
"Ano na pala?" Tanong ko sa kanya. Binuhat nya ako at inupo sa kanyang kandungan. Nabigla naman ako.
Hinawakan nya rin ang pisngi ko pababa sa aking labi. Titig na titig sya roon.
"This" marahan nyang hinawakan ang aking labi. Tumingin ulit naman sya sa aking mata.
Dahan dahan syang lumapit at idinikit ang labi namin sa isa't isa.
•••
"Turtle anong gusto mong kainin? Hmm?" Itinuro ko sa kanya ang fried chicken. Itinuro ko rin ang ice cream kaya tumango sya."Look turtle, about the kis--"
"Wala na 'yon. Friendly kiss lang naman 'yon 'di ba?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko ang pagkuyom nang kanyang kamay at pagtagis nang kanyang panga.
Anong sinabi ko at naging ganyan sya?
"Yeah. Friendly kiss" may tabang sa kanyang pananalita. Ngumuso nalang ako at nangalumbaba. Maya maya ay dumating na rin ang pagkain. Hindi na rin umiimik si Speed.
"Speed ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang naman sya.
Gusto nya ba ulit ng kiss?
"Gusto mo nang kiss?" Inosente kong tanong sa kanya. Nagsitinginan samin ang taong nakarinig sa sinabi ko.
"Snow Addrielle" yumuko naman ako dahil tinawag nya na ako sa pangalan ko. Tinatawag nya lang akong ganyan pag may nagawa akong ikinagalit nya.
Natapos na kami kumain pero hindi parin kami nagkikibuan.
Ano ba talagang meron sa sinabi ko kanina?
"Speed" tawag ko sa kanya pero hindi nya ako nilingon. Binuksan nya na ang pintuan nang kotse kaya sumakay na ako don. Isinuot ko narin ang seatbelt ko.
"Speed" tawag ko ulit sa kanya. Nagpatuloy lang sya sa kanyang pagmamaneho. Iniwas ko nalang ang tingin sa kanya.
Tumingin lang ako sa bintana. Hindi ko namalayan na nagsunod sunod ang patak nang luha ko. Pinunasan ko naman agad 'yon.
Maya maya ay nagsimula narin akong himikbi. Nakakainis! Napaka iyakin ko!
Pero ano ba kasing ginawa ko? Ansakit sakit kaya!
Huminto sya at hinampas ang manibela. Mas lalo namang lumakas ang iyak ko. Ngayon mas lalo ko lang syang ginalit! Pinigilan ko ang aking pagiyak.
"Come here" lumapit naman ako sa kanya. Niyakap nya naman ako. B-bati na ba kami?
"Tsk iyaking turtle" hindi parin tumutigil ang pagiyak ko.
"Hush" kumalas ako sa yakap nya. Tinignan ko lang sya.
"G-galit ka pa?" Tanong ko sa kanya. Marahan naman syang umiling. Ngumiti ako sa kanya.
"A-ano ba kasi yung nabanggit ko kaya nagalit ka?" Bumuntong hininga sya. Sumandal sya at ipinikit ang kanyang mata.
"H-hoy" tawag ko ulit sa kanya. Niyugyog ko sya nang mahina.
"I'm just--- aish!" Sumimangot ako.
"Ano nga yon?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ano ang tingin mo sakin Snow?" Seryoso nyang tanong sa'kin. Napalunok naman ako dahil ritig na titig ito sakin na para bang pag mali ang isinagot ko ay kakainin nya ako ng buhay.
"Huh?" Tanong ko sa kanya. Ano ba yang mga sinasabi nya? Naguguluhan ako.
"Ang tinigin mo ba sakin ay kaibigan o--" putol nya sa kanyang sinasabi.
"O ano?" Tanong ko sa kanya.
"Uh basta! Ano ang tingin mo sakin?" Tanong nya. Napaisip naman ako.
Naging mabuting kaibigan si Speed sakin. Lagi syang nandyan para sakin.
Ano nga ba sya para sa'kin?
"A close friend?" Umigting ang kanyang panga. Umayos na sya nang upo. Inistart nya na ang sasakyan.
Anong mali sa isinagot ko?
Hindi nya ba ako itinuturing na best friend?
Ayaw nya ba sakin?
▪▪▪
To be continuedd...
BINABASA MO ANG
Owned by a Fontello (Fontello Series #01)
RomanceSi Snow Addrielle Joven ay isa sa pinaka-kilala sa school na pagmamay-ari ng Fontello Brothers. Sila ang nagmamay-ari sa Fontello Academy. Simula Elementary ay kaklase nya na ang mga ito kasama ang kababata ng Fontello Brothers. Ang kanyang pagigin...