12: Dark's Kiss

0 0 0
                                    

Fontello Series#01
Owned by a Fontello
-iwansugAa
■□□□□□□■■■■■■■

Snow's Pov

"Oh tabi tabi kayo dadaan ang bestfriend!" Sabi ni White at ipinatabi ang iba nyang pinsan. Binatukan lang naman sya ni Speed.

Lumapit sila sakin. Inayos nila nang pabilog ang upuan at tumingin sa'kin. Nagsalubong ang aking dalawang kilay sa pagtataka. Anong meron?

"Snow anong pakiramdam na maging best friend si Speedie?" Tanong ni Maze sakin. Napanguso ako.

"U-uh ayos lang naman?" Nagaalangan kong sagot. Hindi ko talaga alam ang nangyayari sa kanila.

"UMALIS KAYO! BABATUHIN KO KAYO EH!" nagsi-alisan naman ang anim. Pero bago 'yon ay humabol nang tanong si Red.

"Kamusta friendly kiss nyo?" Binato naman sya ng libro ni Speed. Tinignan ko sya nang may pagtataka.

"Hindi sila pwedeng pagtaguan nang sikreto" bumuntong hininga sya. Hindi ko naman na sya tinanong. Baka kasi may masabi ulit ako na ikakagalit nya.

"Hi Speed!" Biglang lumitaw si Faustine. Ngumiti sya nang matamis kay Speed.

"Snow pwede lumipat ka nang upuan? Gusto ko lang makatabi si Speedie" tumango ako at tumayo. Bago pa ako makalakad paalis ay hinila na ako pabalik ni Speed.

"Umalis ka Faustine. Wala ako sa mood ngayon" ngumiti ulit si Faustine.

"O-oh okay! Sige alis na ako. Bye Snow and Speed!" Umalis na sya kaya tinignan ko ang seryosong mukha ni Speed.

"Wala ka sa mood?" Tanong ko sa kanya. Tinignan nya ako kaya ngumiti ako nang matamis sa kanya. Maya maya ay ngumiti narin ito at ginulo ang buhok ko.

"Ibang klase talaga"
•••

"Hi Icy ako nga pala si White. Ang pinaka-macho sa aming pito" pagpapakilala ni White kay Icy. Nasa iisang table kaming lahat. Si Brianna naman ay tahimik.

"Icy ako yung pinaka gwapo sa'ming pito" sumingit naman si Red at nag-pogi sign pa. Umangal naman si Maze at Run.

"Ako pinakabata saming pito. I'm Run" ngumiti si Run kay Icy at nakipag kamay.

"Ako si Maze! Ang.... pinakamabait sa aming pito" tumango lang sa kanya si Icy.

"Fade pangalan ko. Ako pinakamaputi" tamad na sabi ni Fade.

"Ako si Speed. Ako pinakamatalino" pagmamalaki ni Speed kay Icy. Naibuka ni Icy ang kanyang bibig sa pagkamangha kay Speed.

"My is Dark" simpleng sabi ni Dark.

"Ang pinaka gurang" dagdag ni Run kaya sinamaan sya ng tingin nang kanyang kuya.

"Shut up" ngumuso lang naman si Run at may kung anong ibinulong kay Red. Nagtawanan sila. Ibinulong naman ni Red kay White. Si White naman ay ipinasa kay Maze na ipinasa kay Fade na ipinasa kay Speed na ipinasa sa'kin.

"Dahil sa katandaan ni Lolo Dark nagdadiapers na sya" bulong sakin ni Speed. Sabay sabay silang nagtawanan. Ako naman ay nakatulala lang.

Totoong nagdadiapers na si Dark? Hindi naman sya gano'n katanda diba?

"Umayos kayong lahat. Itatakwil ko na kayo" inis na sabi ni Dark sa kanyang mga pinsan.

"Sabi nila magdadiapers ka na daw. Totoo ba 'yon?" Inosente kong tanong kay Dark. Sumama ang tingin ni Dark sa anim. Sila naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sakin.

"Bakit?" Tanong ko ulit. Sabay sabay silang umiling at nagbuntong hininga.

"Ohhh hindi ka ba makatayo sa gabi kaya nagsusuot ka na nang gano'n?" Pang aasar ni Icy kay Dark.

"Wag nyo nang asarin si Lolo. Baka atakihin yan sa puso" sabi ni Run kaya binato sya ng plastic bottle. Wala naman na iyong laman.

"Alam mo Icy nahuhuli kong nakatitig sayo si Dark" sabi ni Maze. Isa pa syang binato ni Dark nang boteng walang laman.

May gusto ba sya kay Icy? Bagal sila!

"Nakatitig sayo kasi ampangit mo" ngumiti nang matamis si Brianna kay Icy. Si Icy naman ay tumaas ang kilay.

"Atleast tinititigan ako. Ikaw?" Mataray na tanong ni Icy. Magaaway ba ulit sila?

Sabay sabay naman ang pito na nagpalipat lipat nang tingin kay Icy at Brianna.

"Oo. Sa ganda kong 'to?" Inayos pa ni Brianna ang kanyang buhok. Napangiwi naman si Icy na para bang diring diri itong makita si Brianna.

"Oo nga ang ganda mo nga. Sobra" Sarcastikong sabi ni Icy.

Humalakhak naman si Brianna kaya lumipat ang tingin namin sa kanya.

"Buti alam mo. Ganda mo nga rin eh. Nakakainggit" sarkastiko ring sabi ni Brianna.

"Nakakatakot magpurian ang dalawa" sumingit si Run sa away nang dalawa.

"Mas maganda pang siraan kaysa sa Purian" sabi naman ni White.

"Anong sinasabi mo puti?" Tanong ni Fade sa kanya.

"Wala! Tumahimik ka na nga lang!" Binato sya nang plastic bottle ni White. This time, kalahati ang laman.

Tumayo na kami dahil tapos na rin naman kaming kumain. Sabay sabay na kaming lahat dahil nasa iisang room lang naman kami. Nasa tabi ko si Brianna. Kinakausap kasi ni Icy si Speed.

Pasulyap sulyap ako sa kanila. Anlaki nang ngiti ni Icy at kitang kita ko naman ang dimples ni Speed. Ang cute naman nilang tignan.

Yumuko ako at ipinulupot ang kamay ko sa braso ni Brianna. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako.

"Agawin mo na" bulong sakin ni Brianna. Nagsalubong ang aking kilay. Anong aagawin?

Ano? Sino?

Nagulat ako nang biglang may humatak sakin. Mas lalo akong nagulat nang niyakap ako nang taong 'yon at hinalikan sa labi.

Nanigas naman ako. Nanatiling nakabukas ang aking mata.

Si Dark iyon.

Naghiwalay kami dahil sa suntok ni Speed. Nasa sahig na sila. Nakapatong si Speed at pinagsusuntok si Dark. Nakangisi lang naman ito at nakatingin kay Icy.

"Anomg problema mo?!" Sigaw ni Speed dito. Pinigilan na sya nang kanyang pinsan. Si Fade naman ay nakaupo lang at nakangising nanunuod kay Speed at Dark.

Hindi nya ba ito pipigilan?

"Bakit ka nagagalit?" Natatawang tanong ni Dark. Napaghiwalay na silang dalawa. Hingal na hingal sila. Tumingin sakin si Speed at inis na binuhat ako na parang sako.

Saan nya ako dadalhin?

•••
To be continued....
















Owned by a Fontello (Fontello Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon