02: Horror Movie

4 3 1
                                    

Fontello Series#01
Owned by a Fontello
●○○○○○○●●●●●●●

Snow's Pov

"Icy may red kang pangkulay?" Tumango at ibinigay sa kanya ang kulay pula kong krayola.

"Sabi ni Teacher idrawing daw ang sarili kaya pupunuin ko ng kulay pula ang papel ko!" Proud na proud na sabi ni Red. Huh?

"Hoy White! Bakit payat ka dyan? Tabaan mo pa!" Sabi ni Run at hinila ang dinodrawing ni White.

"Eh ba't sayo may abs ka dyan? Eh tingting ka nga eh!" Sabi ni White at binura ang abs na nilagay ni Run sa kanyang papel. Nagsiraan na sila ng drawing.

"Hala ang cute ng kay Fade oh! Natutulog sya tas sobrang puti nya" puna naman ni Red sa gawa ni Fade. Nanlaki naman ang mata ko ng may drinawing syang iba. Bad 'yon sabi ni Mommy!

"Brianna bakit nasa castle ka? Tapos nakasuot ka ng Dress?" Inirapan lang naman ni Brianna si Faustine. Ang isa naming kaklase.

"Huy Maze bakit ka rin nasa castle tapos may korona? Korona Virus ka ba na nasa castle?" Tanong ni Dark sa kanya. Sinamaan lang sya ng tingin ni Maze at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Sinilip ko naman ang gawa ni Speed. Nakatayo sya tapos may hawak hawak na libro. Nung napansin nyang nakatingin ako sa gawa nya ay nilagyan nya ng snowman sa tabi ng taong nilagay nya sa papel.

"Bakit may Snowman dyan? Mahilig kang magbasa tuwing winter? Wala namang winter sa pinas ah?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman sya sumagot.

"May Winter sa pinas!" Sabi naman ni Red. Huh? Sa ibang bansa lang may winter!

"Walang Winter" sabi ni Dark. Tinignan ko naman ang drawing nya. Dark nga.

"Diba pag winter pumuputi? Sa bahay lang nila Fade ang may winter" nagpakunot naman ang noo ni Fade.

"Oo may Winter sa bahay! Lalo na sa kwarto namin ni Fade! Malamig!" Umiling iling nalang si Speed.

"Mas maputi lang ako sa inyo kaya kayo ganyan eh! Mga negro!" Nagsi-angalan naman ang lima.

"Hoy hindi ako negro! Mas maputi nga ako kumpara sa iba eh!" Sabi ni Maze at ngumuso. Idinikit nya ang kanuang braso kay Brianna at pinagkumpara iyon.

"Parehas lang naman kami ng kulay ni Brianna!" Sabi pa ni Maze.

"Si Dark ang negro kasi Dark sya" pangaasar ni Run sa kanyang kuya.

"Si Snow maputi kasi Snow sya!" Sabi naman ni Red at ipinagkumpara ang kulay ko sa kulay nya.

"Si Red namumula kasi Red sya!" Pumalakpak naman si Run doon sa sinabi nya.

"Ako talaga ang tunay na maputi! White ako eh!" Pagmamalaki naman nya.

"Yung bilbil mo white" sumimangot naman si White at padabog na umupo dahil sa sinabi ng kapatid nya.

Dumating naman si Teacher at tinignan isa isa ang gawa namin.

"Bakit kinulayan mo lang ng pula ang papel mo?" Tanong ng teacher kay Red.

"Because i'm Red!" Proud na proud na sabi ni Red. Hinilot ni Teacher ang kanyang noo dahil kay Red.

"Ang Cute cute naman nito Fade. Natutulog ka" nilagyan nya ng Star ang papel ni Fade.

"Dark ano ba 'to? Dark na dark talaga ah?" Umiling iling nalang ito.

"Alangan naman light colors ang ilagay ko dyan?" Masungit na tanong ni Dark .

"Oh White! Bakit puro sulat sulat yan?" Tanong naman nya kay White. Yumuko si White at binigyan ng panibagong papel si Teacher.

"Ayan nalang p-po. White naman yan eh" nilampas naman sya ni teacher at tinignan ang gawa ni Run.

"Bakit blank din 'to?" Tanong nito.

"Tumakbo po Drawing ko" yumuko ito.

Nilagyan naman nya ng Star ang gawa ni Maze at Brianna dahil maayos naman ito. Lumipat naman saakin si Teacher.

"Ang Cute naman nyan Snow. May katabi kang bear" sabi ni Teacher at nilagyan din ng star ang papel ko. Lumipat naman sya kay Speed.

"Bakit may Snowman sa tabi mo?"

"I like Snow" tumango tango naman ang teacher at lumipat kay Faustine.

"I love Snow" bulong nya pa. Lumingon sya saakin kaya nginitian ko sya.

•••
Nasa bahay kami ngayon ni Speed. Pinayagan naman ako ni Mommy kasi mga kaibigan ko naman daw sila. At kasama ko naman ang mga Fontello. Para daw masanay ako.

"Snow nood tayo Anime!" Agad naman akong sumunod kay White. Naupo na kami sa sofa.

Sumiksik naman saamin si Red, Run at Maze. Si Brianna ay kasama si Dark. Nagbabasa sila ng libro about sa pagluluto. Mahilig kasi silang dalawa doon.

Si Fade naman ay naglatag ng foam sa baba para matulog. Si Speed naman ay nakaupo lang at nagbabasa ng libro. Paminsan minsan ay sumusulyap ito saakin.

"Boring naman yan! Horror nalang panuorin natin!" Nanlaki ang mata ni Maze. Umiling iling naman agad ito.

"Sige sige horror nalang!" Sabi ni White at inilipat ito sa nakakatakot na palabas. Kinuha ko ang unan sa gilid ni Fade at ayun ang niyakap.

Kinuha naman ni White ang kumot ni Fade at pinankumot nya iyon sa kanyang sarili. Ang kanyang mukha lang ang nakalabas.

Sumiksik naman saakin si Maze dahil dahan dahang pumunta yung babae sa cabinet nya. Eh nandun yung manikang nakakatakot!

Napatingin ako kay White at Maze na nakapikit na. Ngumisi si Run at sumigaw kaya sumigaw narin ang dalawa. Patuloy paring sumisigaw si Run kaya hindi pa rin tumitigil sila Maze at White. Niyakap naman ako ni White kaya natawa ako.

Napatigil kami ng pinatay ni Speed ang tv. Sinamaan lang naman sya ng tingin ni Run. Si Maze at White naman ay dumilat na at tinignan si Speed.

"Kung ganyan lang rin kayo wag na kayo manuod! Sayang sa kuryente!" Ang talim talim ng tingin nya kay White. Nakanganga lang naman si White habang nakatingin sa kanya. Nakayakap parin ito sa akin.

"Snow, come here. Magbasa ka hindi yang sinasayang mo ang oras mo sa walang kwentang bagay" sabi naman nya. Ngumuso ako at yumuko. Tumayo na ako at nilapitan sya.

"Sit" dahan dahan naman akong umupo. Binigyan nya ako ng libro. Tumayo sya

"Dyan ka lang. Wag kang tatayo kukuha lang ako ng pagkain mo" tumango ako at binuksan na ang libro. Napalingon naman ako sa tatlo na ngayon ay nagrarambulan na. Dinadaganan ni White at Run si Maze. Nasanggi nila si Fade kaya naki-rambol sya.

Piningot nya ang tenga ng tatlo kaya natawa ako. Ang cucute nila! Lumapit naman saakin si Red at nangalumbaba. Tulala ito

"Ano bang sabi ko sayo, Snow? Ang sabi ko magbasa hindi ba?!" Agad kong binuksan ang librong kanina nyang ibinigay saakin.

"Red umalis ka dyan o magiging pula ka talaga?" Agad namang umalis si Red sa tabi ko. Nakirambol na sya sa apat.

"Bakit hindi mo nalang ifocus ang sarili mo sa pagbabasa?" Iritado nyang tanong saakin. Ngumuso nalang ako at nagbasa.

•○●□■•
To be continued.....

Miny0o0ngi~♡

Owned by a Fontello (Fontello Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon