Madaling sabihin pero ang hirap gawin. Mas mahirap pa to sa pag accept na nasaktan ka at mas mahirap pa sa pagaccept ng katotohanan na hindi na maigiging kayo pa.
Paano ka nga ba makakalet go sa isang tao kung lagi mo siyang nakikita? Kung lagi mo siyang nakakausap? Kung lagi mong naalala yung mga bagay na meron kayo noon, kung hawak mo parin yung mga bagay na nakapagpaalala sa kaniya? Kung lagi mo siyang iniistalk sa facebook? Sa instagram?
Paano ka makaka let go kung lagi mo siyang nakikita? Kaklase, katrabaho, kapitbahay, school mates, friend of friends mo ba siya? Kung kaklase mo siya at pagdungaw palang ng umaga nakikita mo na siya at malamang sa malamang makikita mo kung paano siya makipagharutan doon sa malandi mong kaklase, o kaya doon sa bagong nililigawan/manliligaw ng hinayupak mong ex na kilig na kilig sa ginagawa niya dito. Isa lang ang masasabi ko, wag na wag mong susubukang manlandi ng iba mong kaklase para lang ipakita na wala ka nang pakialam sa kaniya dahil sa totoo lang kung ang ex mo ay nakamove on na, magmumukha ka lang tanga sa harap niya. Isa pang rason kung bakit hindi mo yun dapat gawin, isa yung perfect ingredients para makasakit ng damdamin ng ibang tao. Hindi mo naman gustong makapanakit ng iba di ba? At mas lalong hindi mo naman gustong magmukhang tanga sa harap nila. Pero wag ka ring magdradrama sa harap nilang dalawa, maawa ka naman sa sarili mo. Magtira ka naman ng pride para sayo. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka sa tamang lugar wag mong dalhin sa school o kahit saan pa mang lugar ma hindi dapat yang nararamdaman mo. May oras para sa pag iyak at oras para sa pag aaral o trabaho wag mong hayaan na maapektuhan ng pain na nararamdaman mo ang pag-aaral mo o kahit na sa work mo.
The best possible way para maka move on kahit na nanjan sila? Dahil hindi naman sayo ang campus at hindi rin sayo ang company, hindi mo maiiwasan na makita siya o kaya sila na bagong pesteng mga lover birds na nagtutukahan *I mean landihan* sa isang tabi. Dahil hindi mo afford ang lumipat sa ibang lugar, the best possible way is to ignore them and go on with your life. Kung nasasaktan ka sa nakikita mo, iiyak mo yan at pagkatapos ayusin mo ang sarili mo wag kang papayag na hanggang jan ka nalang, na forever na kulong sa alaala niyong dalawa.
Kung friend mo siya sa facebook o kahit saan pa man na makikita mo ang mga status niya. Subukan mong wagmunang mag bukas nang account mo. At kung pasaway ka naman na hindi mo kaya sige, buksan mo tapos pag may nakita kang nilalandi niya sa comment saka ka magiiyak. Okay lang naman yun eh, pero yung paulit-ulit na pagawa mo nun,hindi na nakakabuti yun. Dahil sa totoo lang hindi ka nakakamove on sa ginawagawa mong yun.
Imagine yourself holding a cup with water, sa una hindi siya mabigat di ba? Pero habang tumatagal na hawak mo siya, saka to naguumpisang bumigat tapos darating din yung oras na mangangalay kana dahil hindi mo pa siya binibitawan hanggang sa sumakit na ang kamay mo dahil doon. Ganon din pag hindi mo kayang I let go ang nararamdaman mo, sa una akala mo okay lang pero habang tumatagal mas lalo kang nasasaktan, habang paulit-ulit mas lalong tumitindi yung sakit na mararandaman mo.
Wag na wag ka ring magtatago ng mga bagay na meron ka na galing sa kaniya, yes maaring isipin mo na ibinigay naman sayo ng kusa bakit mo ibabalik? Mas madaling maka move on kasi pag wala kang nakikita na makakapag paremind tungkol sa inyong dalawa. Mas nakakarefresh sa utak...
Bakit kailangang ibalik sa kaniya? Bakit di na lang itapon? Mas magegets mo ang kahulugan ng pag momove on pagginawa mo yun. Dahil sa activity na yun doon mo lang mararamdaman na hindi nga para sayo talaga yun at hindi talaga para kayo sa isat-isa.
There are two ways on how to let go. Its either pa unti-unti o biglaan. Some prefer yung biglaan dahil mas nahihirapan sila sa paunti-unti. Mas okay sa iba yung biglang tigil lahat ng mga bagay tungkol sa kanila.
Pano mo ba uunti-untihin ang pag lelet go? Umpisahan mo sa mga bagay na ginagawa mo. Minsan nakakatulong din yung wag mo munang gawin yung mga bagay na dati niyong madalas na ginagawa. Try some other activities na bago sayo, malay mo magustuhan mo kesa sa gawin mo yung dati at paulit-ulit mong maalala ang nga bagay na masasaktan ka lang. Iwasan mong isipin kung ano ang magiging reaction niya sayo kung ginawa mo ang isang bagay, I mean try not to let yourself think about him/her try to focus on the outcome instead of focusing on other peoples' reaction try to focus on what will be its benefits to you.

BINABASA MO ANG
How To Move On
RandomSinulat to dahil gusto ring makatulong ng may-akda sa iba na gaya niya ay nahihirapang mag move on. Unlike other people it takes 8 years para sa kaniya para tuloyang makamove on. Kaya sana maappreciate niyo.