Niloko ka kaya nasaktan ka? Kaya ngayon gusto mong bumawi sa kaniya?Bakit mo kailangang magrevenge? Ano bang mapapala mo sa pag hihiganti na yan? Bat ba tanong na ako ng tanong?
There are three reasons why people do this after break up. 1.) Gusto mong magsisi siya sa ginawa niya sayo. Bukod sa intensiyong makasakit ng ibang tao ano pa ang mapapala mo doon? Yung dagdag sa ego mo na natapakan nong nagbreak kayo? 2.) Galit ka sa kaniya dahil may bagay na ginawa siya sayo at hanggang ngayon hindi mo parin magawang kalimutan yung mga kasalanan niya sayo. Ano bang rason kung bakit di mo makalimutan yang galit na yan? Did it really hurt youto the point na gusto mo talagang bumawi? 3.) You still want that person to be back at wala kang ibang alam na paraan kundi ang iparamdam sa kaniya yung sakit na nararamdaman mo. Hoping na sana matauhan siya. Pero pano kung hindi siya natauhan doon sa ginagawa mo? Di ikaw lang uli yung nasaktan.
There are two kinds of revenge. One is direct revenge. Sa isang tao ka lang maghihiganti sa paraang naisip mo. At doon sa mismong taong nakasakit sayo. Which is for me mas okay, kasi nasa inyong dalawa lang yung blame. Pero hindi ibig sabihin na okay, ay pabor ako dito. Dahil kahit na direct revenge pa to sa isang tao, minsan hindi maiiwasan ang gumamit ng iba pang tao para lang maisakatuparan yang paghihiganting iniisip mo. Maari kang gumamit ng ibang tao para ipakita sa kaniya kung ano ang sinayang niya. Eh pano kung wala talaga siyang pakialam sayo? AS IN WALA.
Oh di sayang uli yang effort mo tapos hintayin mo na yang karma na ginawa mo sa ibang tao na ginamit mo. I'm sure on the way na yun. Paano naman kung success ka? Nagkabalikan kayo, paano na yung taong ginamit mo? Hintayin mo nanaman uli ang karma at tiyak na maiidiliver sayo on time pa!
The second one is the worst. Its the indirect revenge. Alam mo ba kung bakit kunting tao nalang ang matino sa mundo? Kasi yung mga taong naloko noon, ay manloloko na rin ngayon. Ganon yung indirect karma, ibang tao ang nagkasala sayo pero pati inosenteng tao dinadamay mo at hindi ka pa nakuntento, hindi lang isa, dalawa o tatlo ang niloloko mo. Bakit nga ba sa iba mo pa gustong maghiganti hindi nalang sa kaniya? Anong rason? Dahil kahit anong gawin mo alam mong wala na siyang paki sayo kaya wala kang choice kundi ibunton sa ibang tao ang galit mo? O kung hindi naman, gusto mong iparamdam sa iba yung sakit na nararamdaman mo para feeling mo kwits lang kayo ng mundong ginagalawan mo. Ang resulta? Para ka lang nagcloclone ng sarili mo sa ibang tao. Hanggang sa dumami kayong nga manloloko at maubos lahat ng mga matitino.
Tigilan mo na ang paghihiganting yan, hindi ka niyan mapapasaya at kung nagawa man nitong pasiyahin ka yun ay sa panandaliang saya lamang. Hindi ka makaka move on sa ginagawa mo. Lalo mo lang binabaon ang sarili mo sa kalungkutang maidudulot niyan sayo. Hayaan mo na siya, mag let go ka na. Nas maraming bagay ang mawawala sayo pag ginawa mo yan. Baka nga hindi mo alam akala mo nanjan pa yung ibang mga importanteng bagay pero bigla nalang pagising mo sarili mo nalang pala ang natitira. At nasisigurado ko na pag ang karma ang kumatok sayo mas doble pa ang aabutin mo.
Oo nasktan ka niya, alam ng boung mundo yan. Tinweet mo pa nga sa twitter, nagpost ka pa ng status sa FB, nag upload ka pa ng pics na may quote sa IG,pati sa tmblr pinost mo , tapos GNM mo pa sa mga kialala mo na break na kayo. Tapos ikaw yung mukhang nasaktan. Eh nasaktan ka naman talaga eh pero hindi yun sapat na rason para manakit ng tao. Kung alam mong wala kang ginawang masama hayaan mo na ang karmang sumingil sa kaniya. Move on with your life bro, uso din magpatawad. At kung hindi mo kayang magpatawad, at kalimutan lahat ng ginawa niya gayahin mo si Taylor Swift! Gawan mo ng kanta ang pangloloko niya tapos ipost mo sa youtube. Sabihin mo pa pangalan niya kung talagang galit ka sa kaniya at gusto mong malaman ng boung mundo kung paano ka niya niloko.
Kung ayaw mo naman, pumunta ka ng arcade doon mo ibuhos lahat ng galit mo. Atleas doon pag nakakuha ka ng maraming ticket may makukuha kang kung ano-anong item. O mag boxing ka, tapos pag nakita mo minsan ang ex mo suntukin mo ng isang beses yung mahihilo siya tapos tumigil ka na. Ayan kwits na kayo.
Pwede mong ibuhos ang galit mo sa isang tao sa maraming bagay. Hindi mo lang nakikita yung mga pwede mong pagbuhosan dahil naiistuck ka lang jan sa pagiisip ng paghihiganti na yan. Forgive him/her and also forgive yourself. Lahat naman ng tao ay nagkakamali, nagkataon lang na mukhang sinadya yung nagawa sayo pero hayaan mo na. Someday pagnakamove on ka na marerealize mo yung ganitong kabaliwang effort na ginawa mo ay minsan talagang nakakahiya at nakakatawa.
Remember:
don't let one person who has 'screwed' you in your past allow you to 'screw' someone in your present or future... be the reason why someone wants to love again, not the reason they don't want to. NOT all men and women are the same....
~unknown
BINABASA MO ANG
How To Move On
De TodoSinulat to dahil gusto ring makatulong ng may-akda sa iba na gaya niya ay nahihirapang mag move on. Unlike other people it takes 8 years para sa kaniya para tuloyang makamove on. Kaya sana maappreciate niyo.