Ang pagrerecycle ng ex ay parang paulit-ulit na pag tikim ng napanis nang ulam. Nakakasira ng buong systema at mapanganib din sa kalusugan... Haha.
Kaya nga kayo nagbreak di ba? Dahil sa di kayo compatible para sa isa't-isa, dahil may parehos na mali sa inyong dalawa, at dahil sa tingin niyo o ng isa sainyo na hindi namagwoworkout ang relationship na meron kayo bilang magsyota.
Bakit pa kayo uli magbabalikan? Dahil lang sa uso? Dahil lang sa maraming tao ang may gusto? dahil lang sa tawag ng laman? Dahil lang sa gusto mo lang kiliging haliparot ka?* peace! Haha* o dahil sa Ahem.... MAHAL MO SIYA? Kahit na anong rason pa man niyan. Hindi healthy ang relasiyong paulit-ulit ang break up at uli sila na. Hindi totoong lalong napapatibay noon ang relasiyon. Mas lalo lang noon nadadagdagan ang pag aalinlangan niyo para sa isa't-isa. Parang pagbili lang yan ng isang gamit, pagnagkaroon ka ng doubt sa nagbebenta, chances are hindi ka na bibili pang muli sa kaniya. Tanga ka nalang kung naloko ka na nga bibili ka pa rin. Mas maniniwala pa ko na ang tampuhan sa isang relasiyon ay mas nakakapagpatibay. Dahil sa tampuhan, walang break up, hindi iniisip ng bawat isa na taposin na ang relasiyong meron kayo kundi may parehos na WANT ang bawat isa na ayusin ang tampuhan.
Kaya ba kayo nagbreak ay dahil sa padalos-dalos na decision? Ikaw rin isipin mo baka naman padalos-dalos ding nabuo lang yang relasiyon niyo? Relationships are preparation for marriage... So, kung yang taong yan ang madalas niyang gawin sayo ay bigyan ka ng iisang choice, ang paulit-ulit na masaktan at umiyak, aba naman! Magisip-isip ka! Baka hindi tao yang shinota mo. Baka sibuyas na yan! At alam mo kung anong resulta noon pagnaging magasawa na kayo? ISANG MASALIMOUT NA BUHAY PANG HABANG BUHAY. Seryoso. Hindi magiging ganun kaganda ang magiging kahahantungan niyo... At kung wala kang balak na pakasalan ang taong yan, dios ko porsantos naman! Bakit mo payan pinatulan? Bakit paulit-ulit ka pang nakikipagbalikan jan?! Itapon mo na yan! * Haha! De joke...* pero seryoso.
Andun ka na eh, ready ka nang mag move on. Handa mo nang kalimutan ang lahat. Kilangan mo lang mag step forward para sa sarili mo. Tapos, bigla, sa isang kisap mata dararating siya at guguluhin nanaman niya ang puso't isip mo. Sasabihin nanaman niya sayo yung mahiwagang " ILOVE YOU. " Nakakahaba ng hair ang mga ganitong pangyayari no? Pero, ang sakit din sa bangs... Sobra.
Matapos kang mageffort na gawin ang kahit na ano para lang makalimutan mo yung nararamdaman mo sa kaniya bigla dadarating siya at hihilinging kalimutan mo na lahat ng mga masasamang nagyari sa past niyo. Ang swerte naman ng hinayupak na yan!
Bago ka mag decision kung tatanggapin mo pa siya uli kailangan mong tanongin ang sarili mo. Mahal ko parin ba siya? Makakaya ko parin ba kayang magtiwala sa kaniya? Worth it pa ba to para sa second chance?
Ang realsiyon ay hindi lang binubuo ng salitang "I LOVE YOU" at hindi napapatagal ng salitang " I TRUST YOU" lalong lalong hindi napapatibay ng "I MISS YOU" kilangan may GAWA. Kailangan parehos kayo na nageeffort para pagtibayin ang relasiyon niyo dahil kung mahina ang pundasiyon ng relasiyon niyo chances are hindi talaga kayo magtatagal. At kung nangyari na nga ang break up scenaryo mahihirapan na uli kayong patatagin ito sa pangalawang pagkakataon. Bigla nalang dadami ang lalabas na butas sa mahina niyong pundasiyon. At magiging mahirap at mas masalimuot ang pagaayos at pagtatayo uli nito.
How to move on ang title ng akda ko, hindi how to keep the fire burning. Pero paano mo nga ba malalaman na nakamove on kana 99% kung bigla dadating ang ex mo? Will you give him/ her the second chance or not ?
If you realized na hindi mo na siya mahal ano pang point ng pagbibigay mo ng second chance? You're giving someone the chance because you still want them to be a part of your life, right? Isipin mong mabuti sapat na ba talaga yang pagmamahal na meron ka para makalimutan mo lahat ng sakit na naramdaman mo sa kaniya noon? Don't be that person who says YES to other people without realizing you're saying NO to yourself. Kung naawa ka dahil umiyak at lumuhod siya sa harap mo, mas maawa ka sa sarili mo dahil para mo lang din binaniwala yung effort mo nung nasasaktan ka pa. Lahat ng pasisikap mo ay mauuwi lang sa wala, and the worst part? You're giving the wrong people the chances they don't deserve. Why not try to give it to other people who never has the chance because you never give 'em?
Kung bibigyan mo siya ng second chance isipin mo pang mabuti. Kasi, pagbinigyan mo siya ng second chance dapat handa mo siyang patawarin ng Buo na walang halong judgement. Baka naman pag naging kayo uli tapos nag away kayo isusumbat mo nanaman sa kaniya yung mga ginawa niya noon? Yes, may karapatan ka naman talagang magalit dahil sa ginawa niya pero hindi tama na paulit-ulit mo yung isumbat sa kaniya. Unfair yun sa part niya pero sayo kalabisan yun. SOBRANG KALABISAN.
Kung hindi ka pa talaga maka move on at nandiyan parin yung pagmamahal mo sakaniya, chances are hahayaan mo uli siyang patunayan ang sarili niya sayo. Easy as that. Mahal mo eh, anong magagawa namin? Anong magagawa ng boung mundo? Pero isa lang masasabi ko sayo. You deserve more than THAT. Hindi porket mahal mo ay hahayaan mo nang abusuhin ka sa mga kahinaan mo. What you need is someone who will protect you from those who feeds in your fears and frustrations. Hindi lang siya ang Babae/Lalake sa mundo. Believe me. You can live without them, you just have to believe in yourself that you can. Bata ka pa, marami ka pang mamimeet na tao sa mundo. Ang kailangan mo lang ay hayaan ang ibang taong makapasok sa buhay mo. :)

BINABASA MO ANG
How To Move On
RastgeleSinulat to dahil gusto ring makatulong ng may-akda sa iba na gaya niya ay nahihirapang mag move on. Unlike other people it takes 8 years para sa kaniya para tuloyang makamove on. Kaya sana maappreciate niyo.