Kung gusto mong maka move-on wag kang magbubukas ng cellphone mo. Ng social accounts mo. O kahit ano pa na makikita mo siya.
Ito ang isa sa mga pinaka pagkakamali natin. Ang patuloy na pagiistalk sa ex natin sa internet tapos pagmay nakita tayo na mga bagay na masasaktan tayo saka tayo iiyak-iyak. Saka mo sasabihin hindi ko nalang sana binuksan at pagkaraan nanaman ng ilang linggo dahil lintik na makulit ka bubuksan mo nanaman yung page niya tapos maghahanap ka nanaman ng ikakalungkot mo. Tapos sisisihin mo siya kung bakit ka nasasaktan. Don't you think its' kinda unfair to them? Na sila yung sinisisi mo kung bakit ka nasasaktan? Bakit ano bang ginawa niya? Sinadya ba niyang ipakita sayo yung pakikipaglandian niya sa iba? Hindi naman di ba? Ikaw yung nagkusang pumunta at naghanap...
Uulitin ko uli, ang ganitong gawain ay tigilan mo na. Dahil hindi to nakakatulong sayo. Please mag move on kana! Kung hindi mo kayang itigil muna ang pagbubukas ng account mo, iblock mo muna siya, o kaya iunfriend,iunfollow o deactivate mo muna yung account mo hanggang hindi ka pa nakaka move on. why? Sabi ko nga ang patuloy na pagiisip ng lahat ng tungkol sa kaniya ay hindi nakakatulong. Tho, hindi ko sinasabing kalimutan mo siya as in literaly na makalimutan dahil hindi mo naman kayang gawin yun. He/she will always be a part of your past and your past is your past. Ang sinasabi ko lang ay pigilan mo ang sarili mong magisip ng tungkol sa kaniya. Ang hirap gawin pero kilangan mong pag pursigihan at tiisin para sa ikabubuti mo din naman. Isa pa tong dahilan kung bakit hindi ako nakaka move on dati, kaya ko sinasabi sayo dahil kung saakin nga hindi naging effective ang pagbibisita sa page niya sayo pa kaya di ba? Tigilan no nayan hindi ka niyan matutulongan lalo ka lang mababaon sa memories niyo...
Gusto mong gawin pero hindi mo alam kung papaano? Lumabas ka iwan mo ang phone mo. Do some outdoor activities, like biking, volleyball, tennis, or any out door sports. Kung ayaw mo namang pagpawisan, tambay ka park, love the nature, magbasa ka doon ng libro, magdrawing ng gusto mo, kumain ng kumain, matulog, o kung ano pa mang pwedeng gawin sa park. O kaya mag gala ka sa mall, tambay ka sa National bookstore o kung saan pa mang shop jan. Srsly, maraming pweding gawin ng hindi mo hawak ang phone at nakaopen ang account mo sa ibat-ibang social sites.
Wag mo nang ulit-ulitin ang pagtambay sa page niya. Para ka lang paulit-ulit na kumukunsulta sa doctor pero hindi umiinom ng nerisetang gamot. Maawa ka naman sa sarili mo.
Remember:
Don't focus too much to the things that makes you sad. It's like you'd love to punish yourself...
~unknown

BINABASA MO ANG
How To Move On
RandomSinulat to dahil gusto ring makatulong ng may-akda sa iba na gaya niya ay nahihirapang mag move on. Unlike other people it takes 8 years para sa kaniya para tuloyang makamove on. Kaya sana maappreciate niyo.