Hindi mawawala sa listahan ng mga gustong makamove on ang pagaayos. Haha. Nakakahiya mang sabihin pero totoo talaga na mas gusto ng mga taong nagmomove on na mas lalong magpaganda/magpapogi.
Sa mga past topic nasabi ko na para makalet go pwede mong biglain at isa sa mga paraang biglaan ay ang pagbabago which is connected dito sa tpoic na to.
Madalas mga babae ang nagapapagupit pagnabroken hearted like from long black hair to blonde and short. Bakit nga ba? Some girls says na hindi nila gustong makita yung sarili nila gaya ng dati cause it brings back memories they have and it kinda makes them sad knowing that it was just goin' to be there. Like no more level ups. Some does it to know kung magcacare pa ba si ex pag ginawa nila yun. Girls aminin niyo na. ;)
Some for guys, mas lalong nagiging maporma pati rin naman sa babae kung dati babaduy ngayon ang hot na ng dating o kaya minsan nakukulangan na sa tela. Minsan hindi naman laging atensiyon ang gusto nila minsan gusto lang nilang ipakita sa mga ex nila na eto! Eto yung sinayang mo without them realizing na medyo maling signal ata yung naipapahiwatig nila. Baka sa halip na pagsisihan ng ex mo ang pakikipaghiwalay mas lalo niya lang iisiping isa ka talagang bitch/ asshole talaga.
Paano ba yung tamang pagrogrooming habang nag momove on? I suggest kung pag dating sa pananamit. You should always stick doon sa kung saan ka komportable, hindi kailangang puro branded, o kaya madesenyo ang sout. Mas maganda kung magsusuot ka ng damit na kaya mong dalhin para hindi ka magmukhang trying hard. Utang na loob! Wag mo nang isusuot yung couple shirt niyo! Wala nang Forever okay, sabi nga ni Ed Sheraan hangang 70 lang bat kaya?hindi ko rin alam. At kung sa sapatos naman siempre comfy shoes! Kung saan mas comfy? Go! Pero seimpre ibagay mo rin sa sout mo. Tanongin mo sa mga totoong kaibigan mo kung bagay mo yung porma mo. At dapat sa totoong kaibigan para malaman mo kung talagang bagay mo o nagmumukha kang jejemon.
At kung magpapagupit ka naman tanungin mo muna sa magugupit kung bagay ba sayo o sa hugis ng mukha mo yung ipapagupit mo. Hindi yung ipapagupit mo dahil yun ang uso, dahil yung ang maangas o dahil yun ang gupit ng tropa, ano kayo minions? Kilangan parepareho? Dios ko naman! Baka mas lalo kang magmukhang breezy boyz o breezy girlz jan sa ginagawa mo...
Kung magpapakulay ka naman. * hindi po ako nagpapahayag ng discriminasyon dito* isaalang alang mo muna ang kulay ng balat mo. Kung maputi ka, pwede lahat sayo ng kulay including red, violet o kung ano pamang kulay na gusto mo. Ganyan talaga mga kapatid wala tayong magagawa jan. Kung may pagkamorena, itry mo yung mga kulay may shade of brown kahit ano basta may shade ng brown, medyo makakapagpaputi sayo ang mga ganong kulay. At kung below morena ang kulay mo, pwede sayo ang hazel nut brown and the rest is black talaga. Hindi pwede sayo ang may marami o ibat-ibang kulay magmumukha kang gamit na may glow in the dark. Isa pa, wag mong sisisihin ang barbero kung di bagay sayo ang gupit mo. Ginawa niya lang ang trabaho niya hindi niya kasalanan kung pangit ka lang talaga. *Crossfingers*
If you're planning to wear some contact lense kulay uli ng balat ang titignan. If you have a fair skin kahit anong kulay ng lense ang bagay sayo esp. Yung kulay blue o kaya light brown na kulay ng lense dahil nakakadagdag ganda sa mapuputi ang ganung kulay ng mata. Pag may pagka morena ka, magandang kulay para sayo ang brown,black, green, or dark brown wag kang magsosout ng masiadong maberde at lalo ng blue magmumukha kang trying hard. Mas maganda na magstick ka sa natural colors lang. Kung below morena ang kulay ng balat mo, a shade of green and brown ang pwede sayo. Wag ka nang magsosout ng black lense hindi noon maeenhance ang beauty mo. At lalo na ng blue, utang na loob! Magmumukha kang pokemon! Okay.
Basta ito ang tatandaan mo, wag na wag kang magbabago ng pananamit o istilo ng buhok o kung ano pa mang may kinalaman sa pagrogrooming kung ang iniisip mo ay babalik siya sayo pag ginawa mo. Sinasayang mo lang ang effort,pera, oras at lakas mo. Magpaganda ka para sa sarili mo, yun palang sapat na dahilan na yun. Wag mong hahayaang maging chaka ka dahil lang sa sawi ka. Mag ayos ka lang, magpaganda/pogi ka. Mas effective ang pagmomove on pag nagpapaganda/gwapo dahil doon don mo natututunan kung paano mo mahalin uli ang sarili mo, doon ka nakakapag spend ng time para sa sarili mo, which is a good thing for you. Having a good look can boost your confidence, it can also help you absorb positive things in life. :) Note: ang pagiging maganda/gwapo ay asa pagiisip lang yan, kung naniniwala ka na maganda/gwapo ka chances are pati ibang tao maniwala na ganun ka talaga. And the best way to look good is to smile! Libre lang ngumiti kaya sagadin mo na.
Hindi naman ako ganon ka expert sa pagaayos kaya yan lang ang maibabahagi ko. Geh.
Remember:
The happiness of your life depends on the quality of your thoughts...
~unknown
BINABASA MO ANG
How To Move On
AcakSinulat to dahil gusto ring makatulong ng may-akda sa iba na gaya niya ay nahihirapang mag move on. Unlike other people it takes 8 years para sa kaniya para tuloyang makamove on. Kaya sana maappreciate niyo.