Parang pareho lang sa naunang topic di ba? Dapat kasi magkasama to tapos biglang nabasa ni bestfriend, sabi niya mas maganda daw kung paghihiwalayin ko. Kaya tada! Pinaghiwalay ko. :)
Paano ka makaka move on kung nandian ka pa at nakaupo lang iniisip kung bakit nangyayari sayo lahat ng yan? Get busy dude! Talagang hindi ka makaka let go at makaka move on sa buhay mo kung wala kang ginagawa tapos yan lang iisipin mo boung maghapon. Kung nakakayaman lang sana yan baka maraming sawi na ang yumaman. Haha!
Kung wala kang trabaho at tapos ka nang magaral, aba naman maghanap hanap ka, para naman hindi ka tubuan ng ugat kakaisip sa nangyari dahil broken hearted ka. You shouldn't make it as an excuse. Why? Baka masanay ka at gawing excuse nalang ang lahat ng masasamang bagay na nangyari sayo para wagmong gawin ang responsibility mo.
At kung nagaaral ka naman, instead na magmokmok ka jan, bakit di mo subukang basahin yang notes, libro o photo copy ng lessons mo. Mahiya ka naman sa mga magulang mo. Habang iniisip mo yang pagiging sawi mo nakakalimutan mong nagsisikap, nagtitipid, at nagpapakahirap ang mga magulang mo para makapag-aral ka. Ilaan mo nalang yang oras mo sa pagaaral, may darating din na iba jan. Pero sa ngayon mag-aral ka muna. Doon mo muna ilaan ang oras mo.
Remember the thai movie " Crazy little thing called love" ? Sa halip na mag mokmok ang bida dahil sawi siya, mas pinagsikap niyang magaral pa di ba? Hindi nasayang yung oras niya, naging productive siya kahit ganun ang nangyayari sa kaniya. Ikaw rin kaya mo yan basta imanage mo lang ng maayos ang oras mo. Dahil the more na wala kang ginagawa the more na mahihirapan kang makamove on doon.
Another thai movie na malapit sa puso ko, a true to life story from the youngest billionare in the Asia. Nalungkot talaga ako ng sobra sa nangyari sa love life niya, kung kilan kilangan niya ng suporta at pag iintindi ng girlfriend niya dahil walang ibang taong naniniwala na kaya niya, doon pa siya iniwan. Hindi siya ipinaglaban ng girlfriend niya and the worst part is ang tagal niya bago nakamove on. Sa halip na mag mokmok, tulad ni Nam mas nagfocus siya para sa product niya until dumating yung time na hinihintay niya. Naging major supplier siya ng sea weed snack ng Seven11 sa boung Thailand and within 2 years nabayadan niya ang utang ng family nila na higit 40 million. And now, may sarili na siyang sea weed farm sa South Korea. At sa boung Asia siya nagsusupply ng sea weed snack. Today, he is considered as the youngest billionaire in the Asia. I don't know kung siya talaga yun but that guy accepted my friend request a year ago. Kaso masiadong private and account niya. As in SOBRA. Ang hirap hanapin. Anyway wala na sa topic tong sinusulat ko. Sorry, haha.
Kung may trabaho ka, ayan fucos nalang sa trabaho. Pagbutihin mo, yan nalang muna ang mahalin mo atleas yan pagminahal mo baka mapromote ka pa. :)
Basta ang sinasabi ko ay igugol mo muna yang oras mo sa mga bagay na makakapagpalimot sa nararamdaman mo kahit sandali lang dahil iyang kahit sandali lang na sinasabi ko darating yung time na magiging mas marami na yung oras na ilalalaan mo hanggang sa makasanayan mo at maging hubby mo na.
Kung mas marami paring free time, then try mong magbake ng cake o kaya magluto ng kung ano-ano. Taylor Swift use to bake cookies pagstress siya, she finds it relaxing habang naghahalo ng harina, itlog, sugar at kung ano-ano pang ingredients. Kung wala ka namang talent sa kusina, why not try to write? Magsulat ka ng kwento o kaya tula tungkol sa nararamdan mo. At kung mas talented ka pa at marunong ka ng kahit na anong musical instrument, gumawa ka ng kanta. Music has always been the best escape for heart aches. Magsulat ka hanggang kaya mo, hanggang may oras ka, magsulat ka hanggang gusto mo. Hanggang dumating yung time na marealize mo naka move on kana, tapos nakakasawa na pala yung topic mo sa pagsusulat ng kanta ibahin mo na. Gawein mo namang masaya. :)
Pano ko kinonsume yung oras ko? Simple lang. Nagaral ako tapos kung may free time arcade-arcade lang. Ganon ko kinunsune yung oras ko medyo boring para sa iba pero doon ako masaya eh. Kung saan kayo masaya dapat doon kayo pero siempre wag niyo ring kakalimutan na may mga responsibilidad din kayo.
Tamad kang lumabas,sawang sawa ka na sa pagaaral?pagmomovie marathon? Pagsusurf sa net o kaya paglalaro ng mga online games? Bat di mo subukang magbasa ng libro? Isa to sa mga pinakamasayang gawin pag nasa bahay lang ang magbasa. Hindi ka lang nalilibang, marami ka pang matututunan. It doesn't necessary mean na pag sinabi ko ay gagawin mo. Why not try to consume your time the way you wanted it di ba? Basta lagi mong tatandaan gawin mo yun sa paraang alam mong makakalimot ka pero wag mo rin kalimutan na may mga responsibilidad ka. :)
Remember:
Stop thinking about someone who doesn't waste a seconds of thier life thinking about you...
~unknown

BINABASA MO ANG
How To Move On
RandomSinulat to dahil gusto ring makatulong ng may-akda sa iba na gaya niya ay nahihirapang mag move on. Unlike other people it takes 8 years para sa kaniya para tuloyang makamove on. Kaya sana maappreciate niyo.