Just because you are not crying doesn't mean you are strong.
Kahit na ako dumaan sa stage na to, yung tipong sinasabi mo sa sarili mo wala naman talagang nangyari kaya wala kang dapat maramdaman. Know that feelings? Ang sakit di ba?
I've done this for 7 years (It took me seven years because he was my bestfriend and up until now I still have him as my best bud.). Telling myself that I'm okay that everything is under control without telling anyone that everything screwed up because you thought of yourself that it is, without realizing that it did because you are. Kaya nga siguro tumagal ng 7 years ang pagtatanga-tangahan ko dahil sa ayukong iadmit na sobra akong nasaktan sa mga nangyari.
Yes. Pain don't kill people but it did kill someones' personality. The best thing para hindi ka nito mabiktima ay hayaan mo tong dumaan sa puso at hayaan mo ang sarili mong madama yung pain na meron ka. Iiyak mo yan, wag mong ipunin dahil pag ginawa mo baka ikaw mismo malunod ka sa sarili mo.
Bakit ko ineencourage ang isang tao na iadmit na nasaktan siya? It's because the first step to move on is to accept everything including the pain.
Ang pagmomove on para kasi yang pangagamot sa sugat. What if nasugatan ka tapos hindi mo naramdaman na nasugat kana pala, pano mo malalamang kailangan mong magamot kung hindi mo mararamdaman yung sakit? Make sense? You can never heal something that it didn't hurt you unless you're pretendin' that it doesn't. It'll just harm you.
Stop pretending. Sit down feel the pain and cry. I assure you it'll make you feel BETTER not BITTER.
No, hindi ko iniismall lahat ng taong nasaktan na hindi kayang umiyak at ipakita na weak sila, na hindi nila kayang aminin sa kanilang sarili na nasaktan sila. At hindi ko rin pinipilit na gawin nila yun pagkatapos basahin to. Sabi ko nga, umabot ako ng pitong taong dahil dito, dahil patuloy kong dinideny na hindi ako nasaktan na normal lang ang lahat.
There are reasons why people do this, acting like nothing happens. First is they want to show them its not their lost, na hindi titigil ang mundo nila dahil lang sa iniwan sila ng isang tao which is one of my reason why it took me seven years. The most painful part there? Yun yung lagi mong pinipilit ang sarili mong kunwari masaya ka kahit na hindi naman pala. Akala nila ayus ka lang, kasi lagi kang nakangiti, laging tumatawa o kaya ikaw lagi yung nagpapatawa without them feeling na gusto mo nang magbreakdown. The second? Its when they are tired enough of feeling all the pain, alam mo yun? Yung sobra-sobra na naguumapaw na yung sakit na nararamdaman mo na wala manlang kapreno-preno ang tadhana sa kakahampas sayo ng masasakit na mga bagay na magiging parte ng nakaraaan mo. Dahil nga sa masiadong painful yung memories na yun yung iba nagdedecide na kalimutan nalang yun without realizing na hindi paglimot ang tamang sulosyon. Bakit hindi agad paglimot ang tamang solusyon? Hindi mo naman kasi talaga magagawang makalimutan yun agad-agad eh. IMPOSIBLE talaga na makalimutan yung ganong feeling na pinaramdam sayo ng ibang tao pag kasama mo sila, dahil sa ayaw at gusto mo, hindi namimili ang ang puso ng ayaw mong maramdaman.
Remember:
A broken heart is like getting shampoo in your eyes. It feels for a while like you'll never see again, but after a few tears you get over it... :)~unknown
BINABASA MO ANG
How To Move On
SonstigesSinulat to dahil gusto ring makatulong ng may-akda sa iba na gaya niya ay nahihirapang mag move on. Unlike other people it takes 8 years para sa kaniya para tuloyang makamove on. Kaya sana maappreciate niyo.