Nakamove on ka na bang talaga? Tanungin mo ang sarili mo. And please be honest with yourself, sarili mo na yan wag mo nang lokohin.
Maraming tao ang nagsasabing naka move on na sila tapos ipapakita nila yung mga bagong kalandian nila para suportahan yung statement na binitawan. Bakit mo nga ba ipapakita sa ex mo o sa ibang tao na naka move on kana? Anong purpose noon? Para pagsisihin siya? Para ipakita sa kanila na di kana naapektuhan? Pano kung wala naman siyang paki kung naka move on kana o hindi pa? Edi nganga ka. O kaya sasabihin mong naka move on kana tapos pagnakita mo siyang nakikipagharutan sa iba susugudin mo siya tapos tatanungin mong siya ba yung pinalit sayo? Tapos maghyhysterical ka nanaman sa harap ng maraming tao. O kung kabaligtaran ka naman ng mga yan. Yung tipong " Di. Nakamove on na ako" tapos pag uwi mo saka ka magiiyak. O kaya pagnakita mo yung bagong syota ng ex mo hindi mo maiiwasang ikumpara yung sarili mo sa kanya. Alin man sa mga yan ay nagpapahiwatig na hindi ka pa nakaka move on obvious naman na HINDI PA.
Kilangan mong iassure sa sarili mo kung nakamove on kana bang talaga o hindi pa. Why? Para hindi ka makasakit sa ibang tao at para hindi mo na rin masaktan ang sarili mo.
Pano malalaman kung sigurado ka nang naka move on? Hindi ko rin alam at ikaw lang ang makaka alam nun. Pero pwede kitang bigyan ng mga tanong na makakatulong sayo para maasure mo kung naka move on kana. NOTE: Maging tapat sa iyong sarili.
1.) Kilan yung time na narealize mo na hindi na talaga maibabalik sa dati yung relationship niyo?
Kung meron man at sumagi sa isip mo na hindi na talaga magiging gaya ng dati ang relationship niyo. CONGRATS! pwede ka nang mag move on. Bakit mo kilangang itanong to sa sarili mo? Dito mo malalaman kung naaccept mo na ang katotohanan o hindi pa. Pag hindi pa yan sumasagi sa isip mo, baka hindi ka pa ready na mag move on.
2.) Minsan nagiging maiinitin ba ang iyong ulo? Yung tipong kunting pagkakamali lang ng iba parang bigdeal na sayo?
Ang mga taong nasasaktan mas nagiging mainitin ang ulo nila, feeling nila pasan na nila ang boung mundo. Feeling nila lahat nalang ng tao ay may nagawang mali sa kanila. In short eksaherada sila minsan. Sa totoo lang hindi naman abnormal ang pagiging mainitin ang ulo pag nasasaktan ka, natural lang yun dahil asa stage ka ng pagiging depress. Kung ang pagiging mainitin nang ulo mo ay nagdadahilan na nalulungkot/nasasaktan ka parin, ang ibig sabihin uli non ay hindi ka pa nakaka move on. Hanap-hanap din ng goodvibes ha? Hindi pwede kasing lagi mo nalang gawing excuse ang pagiging sawi mo para mang screw ng ibang tao. Wag ganun.
3.) nagagawa mo na bang ngumiti sa harap ng ex mo? Ng walang bahid ng kaplastikan/ pagkukunwari o sarcasm?
Mahalagang malaman mo kung kaya mo na siyang ngitihan, yung sincere hindi yung may kung ano anong bahid, yung tipong nakangingiti ka nga sa harap niya pero sa looloob mo gustong-gusto mo siyang saksakin ng kung anong mahawakan mo. Ang pagngiti ng sincere ay nangangahulugang hindi ka na bitter sa past relationship mo. Kung naka move on ka na maaassure mo sa sarili mo na nagawa mo na talaga pagnakita mo siya at wala ka nang sakit na nararamdaman at kung wala ng pain, ano pa ba ang rason ng pagsisimangot pag nakita mo siya di ba? Ngumiti ka lang tapos isipin mo ano ba nagustuhan mo noon sa pangit na nasa harap mo ngayon? Pag yan ang inisip mo tiyak mapapangiti ka talaga sa harap niya ng bongga!
4. Kung ang ex mo ay kaibigan ng mga kaibigan mo. At sa tuwing may jamming kayo, kayo lagi ang tinitease. Do you still wants to know kung ano ang magiging reaction niya?
Minsan hindi maiiwasan ang pagiging curious natin sa mga bagay na nakapagbibigay interest satin. Hindi porket nacucurious ka sa mga irereact niya eh ibig sabihin na noon ay may gusto ka parin sa kaniya. May ibang nagsasabi na kaya sila nagiging curious ay dahil sa gusto nilang malaman kung ano ang mararamdaman nila sa irereact ng mga ex nila pagtinutukso sila ng mga kaibigan nila. Ano nga ba ang mararamdaman mo kung naka move on ka na tapos bigla kayong ititease ng mga kaibigan niyo? Yung tipong kakanta sila ng "muling ibalik ang tamis ng pag ibig.~ " Malamang kung naka move on kana, magiging ayos lang yun sayo yung tipong magiging katuwaan nalang yung mga ganung pakwela ng barkada not unless kung di ka pa nakaka move on. Dahil kung di ka pa nakakamove on malamang sa malamang magiging curious ka sa irereact ng ex mo dahil sa looloob mo, may naghohope na sana mutual parin yung feelings na meron kayo. Eh pano kung yung ex mo ay may makamandag na kalandiang taglay? Tapos makikipagharutan siya sayo para lang mapagbigyan yung mga kaibigan mong gustong-gusto namang makapanood ng ganung eksena. Oh di nasiopao lovestory ka nanaman. Habang asadong-asado ka, hindi mo alam binobola-bola ka lang pala.
*Masiado pang maraming tanong na pwedeng itanong sa sarili para malaman mo kung sure ka na ba talagang naka move on kana. isusulat ko nalang ang iba pag sinipag na uli ako. Haha*
At ang pinaka the best na way para malaman kung naka move on ka na o hindi pa ay malalaman mo sa mga sumusunod.
A.) Better kung may isang taong magbabasa sayo nito habang ginagawa mo. :)
Maghanap ka ng mga gamit na makapagpaalala sayo sa relationship niyo. Kung wala na ang mga gamit na yun okay lang kahit wala kang hawak. Now, close your eyes tapos isipin mo yung mga memories na meron kayo noon. Fisrt start mo doon sa mga masasayang memories. *After 2 mins* Isipin mo naman ngayon yung mga memories na masasama at nakakapagpalungkot sayo nung kayo pa. *After 2 mins* now ask yourself, Naapektuhan parin ba ako ng mga yun? Nasasaktan parin ba ako pag naiisip ko yung mga ganung memories? After that think of that guy/girl. Nakaramdam ka ba ng bigat sa dibdib pag iniisip mo siya? Bigla ka bang nakaramdam ng kunting sakit doon? O kung ano pa mang nakakapagpahirap sayong huminga? Dahil kung oo, malinaw ang ibig sabihin noon.
Hindi ka pa nakaka move on. At kung hindi ka pa nakaka move on kilangan mong bumalik uli sa umpisang step ng pag momove on and that is for you to feel the pain.
B.) Hindi ka na nagsasayang ng oras at effort mo para lang mapansin niya.
C.) Hindi ka na mag hyhysterical sa harap niya, o kaya mapaparanoid at susugudin siya para awayin siya kasama ang bagong syota niya. I mean hindi mo na sasayangin ang oras mo para lang makipag away sa kanila. Probably hindi sila worth it para sa oras mo. ;)
D.) wala ka ng pakialam sa FB page niya, sa IG. O kahit saan pa. At hindi ka narin ganun kaexcited pag nag pm siya sayo. Baka nga hindi mo pa mareplyhan agad-agad gaya ng dati yung mga txt niya.
E.) Hindi ka na nageeffort na magisip ng topic pag kausap mo siya, pag kunwari nag kakwentuhan o nagka kumustahan para lang mapahaba pa yung convo niyo.
F.) Wala ka nang paki sa gagawin niya kahit makipag halikan pa siya sa harap mo. Wala na yung feeling na nagseselos. As in wala na. Okay. Yun na yun!
G.) Hindi ko alam kung tama ba tong mga salitang gagamitin ko kaya pasensya na kung sa palagay niyo ay hindi angkop.
Pagmay ibang taong nanlandi sayo, I mean makikipag harutan in a way na magkwekwento yung tao, magpapatawa tapos ikaw eentertain mo tapos may kuntung hawakan, tulakan o hamapasan. Yung ganong tipo ng harutan? *Para sakin harutan na yun. Sorry para doon sa term na ginamit ko. *
H.) At ang pinaka last ay FINALLY. You already give up on trying to win him/her back again. Dahil narealize mo na you deserve someone better. And you no longer plan to have revenge cause you realize that is a waste of time.
At kung ang lahat ng to ay nagawa mo na. Ibig sabihin naka move on ka na. 90% sure ka na sa sarili mo na naka move on kana.
Pano ka makakasakit ng damdamin ng ibang tao pag hindi mo naassure na hindi ka pa nakaka move on?
Maari mo kasing mapaasa ang ibang tao ng hindi mo alam. Like for example, gamitin natin yung mga madalas na plot sa mga kwento. Nagbreak kayo ng boyfriend/girlfriend mo, tapos to the rescue naman tong bestfriend mong may matagal na palang gusto sayo. After ilang months akala mo naka move on kana. Di siempre anjan si bestfriend poporma-porma na sayo at ikaw naman binigyan mo ng chance. Tapos noong akala mo maayos na ang lahat, biglang dumating uli sa eksena si ex tapos nagulo ang feelings mo, bumalik lahat ng nararamdaman mo at nagkaroon uli ng whirlwind yung emotions mo. Tapos narealize mo hindi kapa rin talaga nakaka move on kay ex. Ang unfair para kay best friend di ba? Pero ano nga bang magagawa niya? Eh yun yung nararamdaman mo eh. Di balik uli sa dati kung gusto niya na maging best friend mo pa. Pano kung nasktan siya ng sobra sa ginawa mong pagpapaasa? O di nawalan ka rin ng bestfriend. At siempre nasaktan ka nanaman uli sa ibang dahilan tapos nakasakit ka pa ng ibang tao.
Kaya nga dapat iassure mo yang nararamdaman mo bago ka gumawa ng kung anong decision mo. Ilang beses mong tanongin ang sarili mo. Mahal ko pa ba siya? Dahil kong oo, wala talaga tayong magagawa kung hindi ang hintaying mapagod ang puso mong tumibok para sa kaniya.
At kung sa palagay mo lahat ng yan. Ay nagawa mo na. CONGRATS! naka move on ka na. :)
Remember:
Life becomes so much better when you decide not to care and just live for the moment and not let the drama bring you down...
~unknown
BINABASA MO ANG
How To Move On
RandomSinulat to dahil gusto ring makatulong ng may-akda sa iba na gaya niya ay nahihirapang mag move on. Unlike other people it takes 8 years para sa kaniya para tuloyang makamove on. Kaya sana maappreciate niyo.