Wagmong idown ang sarili mo dahil broken ka. Minsan nawawalan tayo ng confidence after break ups. Feeling natin wala tayong kayang tamang gawin which is kinda wrong. May kasabihang " Wag mong titignan ang buhay mo sa isang angulo lamang dahil hindi mo makikita ang kagandahan ng buhay. " in short wag kang magfufucos sa isang pangyayari lamang sa buhay mo dahil pag ginawa mo yan maisasantabi yung mga bagay na mas importante pa pagdating ng araw.
Hindi hihinto ang mundo dahil lang sa nasaktan ka, kaya bumangon ka na jan maligo ka at lumabas. Wag mong sayanging ang opportunity. Masiadong mahaba ang oras sa isang araw para ipagmokmok lang. Wala kang maacomplish sa pagiiyak at pagkukulong sa kwarto nang boung lingo.
Hindi naman porket sinabi kong opportunity eh ang ibig sabihin na noon eh biglang boom! Artista kana! O kaya boom! Mayaman ka na! Or boom! Sikat ka na! O kaya bigla may nagparamdam sayo na possible na maging kalandian mo tapos ikaw porke sinabi kong yes for new opportunity eh igogo mo nalang. Hindi po ganong klase ng opportunity yung sinasabi ko, opportunity lang yun para sa mga taong makakati at hindi mo naman siguro gugustuhing sumama sa lupon nila di ba?
Ang sinasabi ko lang yung mga opportunity na nagmumula sa maliit na bagay na baka pagdating ng panahon ay hindi mo aakalaing doon ka pala makikilala o kaya aasenso di ba? Tulad ng sinabi ko sa nakaraang topic na consume your time, yung simpleng bagay na ginusto mong umpisahan tulad ng pagsusulat ng kanta, o kaya pag susulat ng kwento dito sa wattpad na naging hubby mo lang eh biglang nagustuhan ng marami. Chances are kung kanta yun pwedeng magawan ng album ang mga kantang sinulat mo, at kung libro naman possibleng maipublish ang mga kwento mo. Sino magaakalang nang dahil sa pagiging sawi mo ay magkakaroon ka ng ganong mga blessings?
Marami pang mga opportunities na pwedeng maibigay sayo, ang problema mo nalang ay kung matatakot ka dahil wala kang confidence sa sarili mo o hindi mo makikita dahil nakafucos ka sa mga unnecessary na bagay. Tandaan mo ang pag momove on ay nangangailangan din ng pag momove forward! Lumevel up ka rin! Wag kang papayag na hanggang jan ka nalang!
Remember:
The things that hurt you, break you down and make you weak today, are the same things that will build you up, make you strong and help you carry on tomorrow...
~unknown

BINABASA MO ANG
How To Move On
РазноеSinulat to dahil gusto ring makatulong ng may-akda sa iba na gaya niya ay nahihirapang mag move on. Unlike other people it takes 8 years para sa kaniya para tuloyang makamove on. Kaya sana maappreciate niyo.