CHAPTER 3

333 124 6
                                    


Chantal's POV

Goshh!!!! Yung babaeng yun! May kasalanan na sya, sya pa yung galit eh ginising lang naman sya. Pasalamat sya ginising ko pa sya eh, kundi dito sya mag damag. Sabay punas ko ng luha sa mata ko naiyak na kasi ako nakakatakot sya huhu mama T_T. Uuwi na ako tsk ang ganda na sana ng umaga ko nasira pa nya cute sana sya maganda pero ang cold at masura ang ugali hmp! Nako pero ang daming nagkaka gusto sa kanya. So what selp?! Di ka naman isa dun duhh!!! Naalala ko na naman tuloy yung kanina grrr!!! -.-

*FLASHBACK*

Papunta na ako ng bagong school na nilipatan ko and sabi nila mommy ang ganda dun kaya pinalipat nila ako. Pero alam ko din naman yung isang dahilan eh pero guys.saka ko na kwento sa inyo ha?? Hihihi so, yun excited ako pumasok pero nag lakad lang ako kasi malapit lang naman yung condo ko sa school kaya no need na mag car pa ako. Papasok na sana ako ng main gate ng biglang may makadumog saking sasakyan napaupo ako sa sakit kasi naman eh tsk!

Tinignan ko kung sino yun kasi bumaba naman yung driver pero parang di nya ako nakita. Nakakaasarr!!!! Yung kotse pa talaga yung inuna kesa sa nadumog!!! So di na ako nakapag pigil at sinigawan ko na sya.

" Hoyy ikaw babae, ang bastos mo nadumog mo na ako di ka manlang manghihingi ng sorry sakin " Sabi ko sa kanya nilingon nya ako at aba!! Ang kapal nyaa nag tanong pa kung sya eh sya lang naman yung nakadumog sakin!! Bwiset talaga tooo arghhh!!

" Oo ikaw! Walanghiya ka! Mag sorry ka! " Sabi ko na naiinis na ng sobra tinitigan nya ako bago sya mag salita.

" Ako? Magsasabi ng "sorry"? Oh Miss saying sorry is not in my vocabulary "

Abaaa!!!! Napaka kapal talaga ng apog nitoo bwiset ang dami ng nakatingin at puro bulungan sila kainis! First day na first day ganto.

Nakatingin ako sa kanya ng mag salita ulit sya.
" Tsaka mahiya ka nga, and daming tao o ang ingay ingay mo " Sabi nya arghhh peste talaga!!!

Tatayo na sana ako ng humirit na naman sya na umalis na daw ako dun at mukha akong pulubi! Wow?!! Ako pulubi? Sampalin ko kaya sya ng company namin? Kainis! Pake ko kung sya may ari nito! Napaka kaapal akala naman nya maganda sya Inis kong sabi sa sarili ko.

Oh well maganda sya kaso ang sura ng ugali. Umalis naa ako dun at pumunta ng restroom para mag ayos ng sarili ang daming tumitingin sakin. At nag bubulomg bulungan sila pero wala na akong pake. Badtrip na ako at malelate na ako tumakbo na ako papuntang room at pag pasok ko wala pang teacher. Hays, salamat nag hanap ako ng vacant seat at nakita ko yung malapit sa bintana so umupo ako dun. Nakita ko din yung babae kanina yung Airendelle ba yun?? Bastaa yun kasi naririnig kong tawag sa kanya eh. Ice princess daw tsk well ang cold nga nya eh.

Umupo na ako dun na parang di ko sya napansin. Narinig ko din yun singhapan ng mga kaklase ko pero wala na akong pake badtrip ako eh hmp! Sya may kasalanan nito tsk! Then nung tinignan ko sya natutulog na sya buti na yan, baka pag nakita ko pa mukha nya masampal ko na sya.

Lumipas ang oras uwian na di na sya ginsing ng mga teacher kasi ayaw daw nya ng ginigising pero uwian na at ako na lang naiwan. Nakonsensya naman ako baka maiwan sya dito kaya ginising ko sya, nakailang tapik ako sa braso nya bago nya ingat yung ulo nya pero nagulat ako ng sigawan nya ako.

" F*ck you! Sino ka para gisingin ako ha?!" Sabi nya na halatang naiinis. Naiiyak na ako sa takot dahil baka ano magawa nya sakin baka saktan nya ako huhu mama!!!

" So-sorry ka-kasi uwian na k-kaya ginising kita " sabi ko pero di nya yun pinansin at umalis na ng room.

*END OF FLASHBACK*

Andito na ako sa condo ko..bilis ko no? Parang nag kwento lang ako kanina wh andito na ako. hahahaha! Well uso naman kasi kwento tapos lakad pauwi char.

So yun di pa pala ako nagpapakilala so ehem guys ako nga pala si Chantal Chua half half ako then mayaman,sexy,maganda,happy go lucky and makulit ako ahhahaha kaya tuwang tuwa sakin mga pamilya ko eh pwti bestfriend ko pero  wahhh speaking of bestfriend huhuhu!! Miss ko na si Cassandra T_T kelan ko kaya sya makakasama ulit? Hays...namimiss din kaya nya ako?

Mag aout na sana ako ng may nakita ako Kiana Airendelle Smith yan yung name na nakalagay sa mga People you may know ko nistalk ko sya and woww!!! Ang daming followers guys O_O ang cute nya sa profile nya hihi 'di ko alam kung ano sumapi sa utak ko at sinave ko yung pic nya, basta ewan.

Binaba ko na yung phone ko at humiga na sa kama ko hays what a tiring day sabi ko sa sarili ko. Sana bukas di na ulit mangyare yung katulad kanina. Sana di na mag krus ang landas namin ng kupal na yun! Pero paano yan hayss classmate ko sya sa halos lahat ng sub!!! Napa pout ako nung naisip ko yun siguro iiwasan ko na lang sya mahirap na mapasama sa gulo no Hahahahaha dibaa?? Sagott tskkk pero mas ayos na yun umiwas baak ano na naman kasi mangyare eh isip isip ko hanggang makatulog ako.

Kiana's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon