Chantal's POVAndito ako ngayon naglalakad papasok ng school. Napapabuntong hininga na lang ako sa kakaisip ng gagawin namin ni Airen sa sabado tsk. Bakit kasi sya pa partner ko ang dami dami naman kasing iba dyan. Naiirita kong sabi sa sarili ko. Bahala na nga kung anong mangyayare.
Kakapasok ko pa lang ng room ng may lumapit sakin na di ko kilala mukhang sa kabilang building sya." Ahm hi? Ikaw si Chantal diba? " Tanong nito sakin. Ano kaya kailangan nito? Tsaka paano nya ako nakilala? Ako nga di ko sya kilala eh -.- ganun na ba ako kasikat apra malaman nila kung sino ako. Tsk.
" Ah oo ako nga bakit? " Sagot ko sa tanong nya nakita ko naman yung ngisi nya sa labi. Lah?! Sinabi lang na oo ngimisi na? Ganyan ba talaga kabaliw mga tao dito? Grrr.
" Yeyy!!! Pinapapunta ka ni Airen sa locker room may bibigay daw sya sayoo " Sabi nito sabay alis. Tsk ang weird bakit? Ano kailangan na naman nung Airen na yun? Uutusan na naman ako? No way. Tsk humanda sya sakin para makabawi na ako sa ginawa nya. So yun pumunta na ako ng locker room pero nagulat ako sa nangyare pag pasok ko pa lang. F*ckk??!!! Sino may gawa nitoo??? Sh*tt. Paano kasi may bumuhos na tubig sakin na galing sa taas. Nakarinig naman ako ng tawanan sa likod ko at pumapalakpak pa sila.
Aww ayann maligo ka kasi tgnan mo yung tubig na lumalapit sayo hahahaha." Sabi nung isang babae na di ko din kakilala. Ano ba kasalanan ko sa kanila? Naiiyak na akoo huhhhu mommyyy!!!!
" Alam mo girl lumayo layo ka nga kay Airen sa tingin mo maganda ka? Pwes hindi ka maganda papansin ka masyado " Sabi nya sabay sampal sakin kaya tumulo na yung luha ko kasi sa inis ko pati na sa pag sampal nya ng malakas sakin.
"A-ano ba kasi nagawa ko sa inyo? " Sabi ko na nauutal na dahil sa pag iyak ko huhuhu mommyyy ayoko na talaga ditooo T_T
"Ano nagawa mo?! Di mo alam? Inaagaw mo si Airen samin Transferee ka lang naman " Hinatak nya yung buhok ko kaya napalapit ako sa kanya. Arayyy yung anit koo parang matatanggal na huhuhuhu Airenn!!!! Kasalanan mo tooo kainis kaa.
" Arayyyy tama na di naman ako lumalapit sa kanya eh di ko sya inaagaw sa inyo " Umiiyak na sabi ko sa kanila kasi ang sakit na talaga ng katawan ko sa ginawa nila.
Tinulak ko din yung babae na di ko kilala at tumakbo palabas ng locker room. Bakit ba ang sama sama nila? Nananahimik ako huhuhuhu. Sa kakatakbo ko di ko napansin na may nadumog ako 'Di ko nakikita mukha nya kasi nakayuko at nanlalabo pa din ang mata ko dahil sa luha ko.
" S-sorry d-di ko na-pansin " hingi ko ng tawad sa nadumog ko pero di sya sumagot. Hinawakan nya yung mukha ko tapos tinitigan nya. Nagulat ako na si Airen yung nasa harap ko nakita ko yung galit sa mata nya huhuhu nakakatakot yung titig nya, kaya umiwas na ako ng tingin.
" Bakit ka umiiyak? Sino gumawa sayo nyan? " Cold na tanong nya sakin at pinuwersa nya yung mukha ko na tumingin sa kanya. Ramdam ko yung concern nya pero di ko sya mapapatawad dahil sya yung may kasalanan kung bakit ako ganto ngayon. Huhuhuhu sumbong ko kayo kay majimbuu T_T
" Wa-wala, wa-wala ka na d-un " sabi ko sa kanya at aalis na sana ako ulit ng sinigawan nya ako. Wahhhhh mommyyy nakakatakot na sya para syang tigre na handa akong kainin anytime kaya mas napaiyak ako lalo sa takot huhuhuhu!!!! Airen naman ehhh!!!
" SABI KO SINONG MAY GAWA NYAN!! " Ulit nya sa tanong nya pero pasigaw pa din. Buti wala yung mga students ngayon kasi class hour na din naman. Natatakot na talaga ako ng sobra kaya wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanya yung totooo. Nilalamig na din dahil sa basang basa pa din ako.
" Yu-ng m-mga f-fans mo!!. Dahil sayo ganto nangyare sakin! Nabubully ako dahil akala nila lumalapit ako sayo kahit hindi naman!! Kaya please Airen, wag ka ng lalapit sakin o ano. Nagawa mo na akong utusan huli na yun "Sabi ko sa kanya akala ko magagalit sya tatawanan nya ako pero mali. Niyakap nya ako ng mahigpit.
" Shh wag kana umiyak, tara sumama ka sakin para makapag palit kana " Sabi nya tsaka nya ako inalalayan papuntang garden. Di ko alam kung bakit sumama ako sa kanya pero wala na akong lakas para mag reklamo pa. Dinala nya ako sa isang maliit na bahay na nasa taas ng puno. May tree house pala dito di ko alam. Pumasok kami dun at namangha ako sa nakita ko. Ang ganda dito hihihi, may flat screen tv, may mga Set ng CD mga kama na pwede na yung dalawang tao at pak Air condition kaya mas lalo akong nilamig.
" Mag palit kana, suotin mo muna to " Sabi ni Airen kaya napatingin ako sa kanya nakita ko yung damit na inaabot nya sakin. Pants then white Tshirt pwede na dahil di ko na kaya yung lamig. Kinuha ko yung damit na inaalok nya at pumasok ako sa cr ng Tree House nya. Sosyal talaga pren paano nakapasok dito yung ganto gosh!!!. Pag tapos ko mag palit ng damit lumabas na ako, nakita ko si Airen na nakaupo sa kama nya habang nag babasa. Ang cute nya tignan hihihi Peroo noo kasalanan nya bakit ako nabubully.
Tinignan ako ni Airen siguro naramdaman nyang tapos na ako mag palit. Lumapit ako sa kanya umupo ako sa gilid ng kama para di kami magkakatabi ni Airen. Ayoko ng madikit sa kanya kahit kelan. Binaba na ni Airen yung aklat na hawak nya tapos humiga sya sa kama, hinatak nya ako pahiga kaya napatili ako. Huhuhu bakit na naman ba?'!!!
" Airen bakit ba?! Bitawan moko!! " Sabi ko sa kanya kasi pinatong nya yung hita nya sa hita ko tapos niyakap ako. Biglang bumilis yung heartbeat ko sa ginawa nya ewan ko kung bakit. Arghhh!!! Nag pupumiglas na ako ayaw pa din nya ako bitawan tsk.
" Shhh wag kana maingay, simula ngayon di kana nila malalapitan. Sisiguraduhin ko na di ka na nila mabubully ulit dahil sakin. Kung sino man hahawak sayo malalagot sakin " Sabi nya sakin habang hinahaplos nya yung pisngi ko. Di ako nakasagot sa sinabi nya bakit? Bakit nya gagawin yun para lang sakin? Naguguluhan ako hays. Para di na sya mag salita pa ay sumiksik na lang ako sa leeg nya dahil inaantok na din ako. Pagod na katawan ko sa nangyare ngayon Duhh!!! Di ko namalayan nakatulog na ako ng katabi ko yung dahilan kung bakit naging magulo yung buhay ko.
BINABASA MO ANG
Kiana's Possession
RomancePaano kaya kung mag krus ang landas ng isang makulit na si Chantal at isang cold hearted na si Airen? Ano kayang mangyayare pag nagkakilala sila? Magkakaroon kaya ng world war III? Magiging maayos ba? Masaya? O worst..magugulo ang buhay nya sa paara...