Chapter XII: Bodyguard

3 0 0
                                    

"She's not black, hon. Can't you see, she's so white. She's B, my bodyguard."

Tumayo ako. Gulat na nakatingin pa rin sa akin si Mr. Perfect. Anong nakain nito? Bakit parang gulat na gulat siyang makita ako dito? Eh nagkita naman na kami sa charity event nun. Nakilala nga niya ako doon.

Na-realize niya naman ang sinabi ni Lucy kaya napatikhim siya at tumingin sa kanya para halikan ang pisngi. "A-ahm. Yeah, B. Your bodyguard." at tumawa ng hilaw.

Tinignan ko lang siya ng malamig at natibag naman siya saglit.

Kumapit si Lucy sa braso niya. "So, hon, again she's B. B, this is my boyfriend Levi."

So may pangalan pala si Mr. Perfect. Levi...

"It's nice to see you again." bati niya at inilahad ang kamay.


Tinanggap ko naman 'yun at nakipagkamay. Agad kong binawi ang kamay ko dahil parang nakukuryente ako sa hawak niya. Tahimik lang akong tumango sa kanya.


"Oh, yes. You've met before. At the charity event, right?" nakangiting tanong ni Lucy pero agad ring nagtaka. "But no, B wore mask that night, how—"


Nakatitig lang sa akin si Levi. "No. We go to the same university. That's where I met her." pagpuputol niya sa sinabi ng girlfriend niya.


Nakilala niya ako kahit naka-contact lens ako at maskara. Alam niya ang pangalan ko. Bakit niya ako kilala? At palagi ko pa siyang nakikita sa paligid ko..

Biglang nag-alarma ang utak ko dahil kilala niya ako kahit hindi ko naman siya palaging nakakausap. Baka--



"Oh. I see." sabi ni Lucy. "Can you wait for me, hon? Uwian naman na. I'll just finish my data sheet then we'll go na, okay? Have a seat first."

"Sure, hon." sabi ni Levi sabay upo.



Nangangalay na ako kakaupo kaya nanatili akong nakatayo sa gilid ng lamesa ni Lucy. Tahimik lang ako at nagmamasid sa paligid.


"Don't you want to take a seat, Miss B?"


Napatingin ako kay Levi nang bigla siyang magsalita. Tinignan ko lang siya ng malamig at nanatiling nakatayo.


"Suit yourself." mataray nitong sabi nang tinignan ko lang siya.



Mahinang tumawa si Lucy habang nakaharap pa rin sa computer. "She's been sitting here all day, hon. Give her a break."


Naramdaman ko na naman ang titig niya kaya napatingin ako sa kanya. Titig na titig siya sa akin, hindi man lang nahiya.


Hindi talaga maganda kutob ko dito sa lalaking 'to. Baka nahanap na ako ni tatay...


Hindi ko mapigilang itiim ang panga ko.


Ano, aalis na naman ako dito dahil mahahanap niya na ako? Ayoko. Ngayon, kakayanin ko ng harapin siya. Hindi na ako magpapadala sa takot ko sa kanya.

I Love You At Your DarkestWhere stories live. Discover now